CHAPTER 22

4.8K 206 2
                                    


              Hindi ko maiwasang mailang sa ginagawang pagtitig sa akin ng lalaking kaharap. Nasa teresa ako ng palasyo, sa dami ng mga engkantong kaharap feeling ko hindi ako makahinga. At lahat sila maraming tanong kagaya ng tanong ng lalaking ito. Sabi nito pinsan niya si falcon. 


"So?" basag nito sa katahimikan. Bakit ba nag papapresure ako sa pagsagot sa kanila kong paano ko nailigtas ang mga kasamahan nila.


Nagkibit ako ng balikat "bakit kailangan ko pang iditalye kong paano?" hindi ko maiwasang magsungit rito dahil makulit ito.


"Dahil lahat kami ay nahihiwagahan kong sino ka talaga?"


"Nagpakilala na ako ha?"


"Yes you are!, ngunit pangalan mo lang ang sinabi mo?" napabuntong hininga ako at napalingon nalang sa karagatan. Bahala siyang mag isip kong ano talaga ako.


"Ivhooooo!" napalingon ako sa likod namin ng may sumigaw. Isang matangkad na babae kulay mais ang buhok ang mga mata nito ay kulay green. She is pretty in her dress kahit naka busangot ang mukha nito. Lumapit ito sa amin at lalong napasimangot ng makita ako.


She look at me, up to feet at tumaas ang kilay nito ngunit kumunot ito ng mapatitig sa akin.


"Where did you get that dress?" napatingin ako sa suot at tumingin rito.


"And who the hell are you?!" napakunot ang nuo ko sa tuno ng buses nito. Ano ang problema ng babaeng ito?


"Isha watch your word! Ano ba ang problema mo ha?" pinanlakihan ng mata ni ivho ito. Lalong sumimangot ito.


"Ikaw? Kanina pa kita hinahanap ah at ngayon makita kitang may kasamang ibang babae?" napailing nalang ako, so she got jealous? Bumaling muli ito sa akin.


"Saan mo nakuha ang damit na suot mo?" muling tanong nito. Why she asking me that? 


"Isha..Ivho?" sasagut na sana ako ng magsalita si falcon na papalapit sa amin. May pagtataka sa mukha nito.


"Falcon! kailan ka pa dumating?" sumigla ang buses nito at napayakap sa binata. I rolled my eyes kanina kong makasimangot sa akin wagas ngayon bigla nalang napangiti. Baliw?!


"Kanina lang! Ikaw saan ka nanggaling at ngayon lang kita nakita rito sa palasyo? At ikaw ivho kanina pa kita hinahanap ah?" -falcon.


Isha rolled her eyes "alam mo namang yang pinsan mong iyang mas inuuna pa ang pangbabae kaysa sa fiance to be niya?!" nakasimangot ito na nakatingin sa akin. Naikuyom ko ang aking mga palad, ganito ba ang mga babae rito nakita lang ang kanilang iniirog na may kausap na babae nambabae na agad? Di ba pweding kinausap lang? Sabagay sa mundo ko may ganitong babae rin akong nakikita nagger ika nga. Napabuntong hininga nalang ako upang mawala ang inis ko sa babaeng to.


"Halcunera?" falcon said. So he notice me, kanina kasi itong dalawa kong kasama lang ang kinakausap. Hindi ko maiwasang mapairap rito.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon