CHAPTER 65 - The dark chosen

3.4K 146 9
                                    

AUTHOR NOTE'S: Hi guy's kaway kaway sa mga nagbabasa...happy reading po :D ...Soryy guy's I need to do this.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


THIRD PERSON


Napatayo si elena sa mahabang lamesa ng marinig ang sinabi ni maiko. Nasa sky doom silang lahat, ang apat ng charmed at ng limang gabay kaharap ang mga hari't reyna ng limang nation. Pinatawag silang lahat mula sa kasalukuyang misyon ng mga ito para sa agarang pagpupulong.


Ilang araw lang naghilom na ang mga sugat at bugbug ni maiko kaya hindi nagpatumpik tumpik itong sabihin ang lahat ng nalaman. Kung ano talaga ang plano ni hallow. Hindi maiwasang mapasinghap ang lahat ng malaman ang nakakabahalang sitwasyon ng dalawang mundo.


Mula kay maiko nalaman ng lahat na nasa pribadong silid ng sky doom, ang isa sa plano ni hallow. Ang isa sa nagpatigil sa mga ito ay ang kaalamang may isisilang na itim na nilalang. Ayon kay maiko alam na ni hallow na darating ang panahon na may mga maisisilang na pipigil sa planong paghahari nito sa dalawang mundo kaya naman nagtakda rin ito ng nilalang na siyang katapat ng charmed at iyon ay ang dark chosen. Wala pang nakakaalam kung sino ito? Nasabi rin ni maiko na gumagalaw na si hallow upang hanapin ito.


At napag alaman rin ni maiko na sa mundo ng mortal ito hinahanap.


"Kailangan malaman ni nera ito?" kunot noong wika ni elena. Hindi mapakali ito samantala ang iba naman ay malalim na nag iisip.


"Ano pa ang nalaman mo maiko?" tanong ni King Luki.


"Ang kadilimang unti unting sinasakop ang buong mundo ng mortal." Napaunat silang lahat sa pag kakaupo. Lalong nataranta naman si elena.


"Umupo ka nga elena. Nakakahilo ka, alam mo ba yon" kunot noo ni fero at hinila paupo si elena.


"Unti unting nangyayari na ang kinatatakutan natin" nawika ni queen white.


"Kailangan naming bumalik sa mundo ng mortal" matigas na wika ni elena. Siniko naman ito ni fero.


"Ano!" mulagat ni elena sa katabi. Silang apat na charmed ay magkakatabi sa kanan ni elena nakaupo si fero.


"Hindi maaaring lahat kayo pumunta sa kabilang mundo, nasisigurado kung ito ang paraan ni hallow upang mawala ang ating pansin dito sa enchated world" nawika ng hari ng nothopia nation si king Ruhno.


"Tama si haring Ruhno" wika ni king herald ng sky nation.


Nagkatinginan ang apat na charmed. Tumayo si elena muli "ako ang pupunta sa mundo ni nera" lahat sila ay tumingin sa dalaga.


"Elena" wika ni king luki.


"Nera need me" matigas nitong wika, napabuntong hininga si king luki. Nais ng hari ng winka nation na manatili si elena sa misyon nito dahil ito lang ang may kakayahang kuntrolin ang mga halimaw na nagkalat sa buong enchanted world. Pero sa kalagayan ng mundo ng mortal ngayon nawika ni king luki sa sarili na nera needs elena.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon