PROLOGUE

38.8K 772 6
                                    

Itry my best to escape hallow's room. Malalim ang sugat na natamo ko sa pagsasagupahan namin ni Hallow sadyang malakas ito dahil nasa kaharihan ako nito. Wala akong choice kundi sumugod sa kaharihan nito upang iligtas si Maiko ang kaibigan niyang na inlove sa isang slave. At sa lahat ng slave sa mundong ito sa isang taga paglingkod ni hallow pa. Isa sa mga pinakamatinding kalaban nila.

Hallow ay may kakayahang kumain ng mga kaluluwa ng inusenteng tao at engkanto. Dati itong naninirahan sa Winka nation ngunit sa pagkagahaman sa kapangyarihan at balak nitong sakupin ang Limang nation at ng mundo ng mga mortal nagawa nitong patayin ang buong angkan nito at talikuran ang nakagisnang kaharihan.

Nag ipon ito ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpatay sa mga engkanto at ang mga kauri nito. Hindi ito nakuntento pati ang kaluluwa ng mga taong namayapa ay hinihigop upang maging malakas at makapagpatayo ng sariling kaharihan. Na hindi lumaon nangyari ito.

Napahawak ako sa balikat ko na nasugatan. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa balikat. Napangiwi ako, lintik na maiko na iyon. Ngunit wala siyang magagawa kundi tulungan ito.

Ang sarap na sana ang buhay ko kanina sa mundong kinagisnan ng matanggap ko ang mensahe nito. Humihingi ng tulong. Nabahala ako ng putol ang mensahe at lalo siyang nabahala ng malamang nagtungo ito sa kaharihan ni hallow.

Narinig ko ang papalapit na yabag ng mga alipin nito. Inihanda ko ang ispada, i trained to fight and to handle the sword carefully. At masasabi ng lahat na siya ang pinakamagaling na humawak ng iba't ibang sandata.

Walang mintis na pinatamaan ko ang mga alagad ni hallow sa isang kumpas ko ng ispada lima ang namamatay. Bawat sandata niya ay may kanya kanyang katangihan at ang pinakapaborito niyang gamitin ay ang soul sword. I can do anything i want.

Ngunit marami sila at may sugat pa ako. I look around sana mahanap ko na si maiko bago maubos ang lakas ko at bago masundan ako ni hallow. Umilaw ang kwintas ko sa dibdib may malakas na pwersa na nagtuturo sa'kin sa isang silid.

I open at madilim ang sumalubong sa'kin.

"Maiko, asan ka" sigaw ko sa kawalan. Isang alinghing ang narinig ko.

Pinagdaop ko ang mga palad ko upang gumawa ng isang ilaw.

Nakita kong nakahandusay si maiko sa kandungan ng babaeng dahilan ng lahat ng ito. Dali akong lumapit sa kanila.

"Maiko, okey kalang ba?" nag alala ako sa nakita kong pinsala sa katawan nito.

"Salamat dumating kana" ang babae ang sumagot. Nanliit ang mga mata ko.

So ito pala ang babaeng kinababaliwan ng kaibigan ko.

"Huwag mo siyang sisihin nera" pabulong na wika nito. I rolled my eyes, ang pag ibig talaga kahit kaylan walang ginawang mabuti. Hindi lang si maiko ang nasaksihan ko na nagdusa dahil sa pag ibig na'yan.

"Fine. Kailangan na nating umalis rito" napalingon ako sa pinto. Nararamdaman kong hindi lang mga alagad ni hallow ang parating kundi si hallow mismo..

Kinumpas ko ang kamay ko at may liwanag na lumitaw. Bilang soul warrior may kakayahan akong gumawa ng lagusan. Tinulungan kong tumayo si maiko. Lalong lumakas ang mga yabag malapit na sila.

"Mauna na kayo" turan ko sa kanila.

"Paano ka?" nahihirapang wika ni maiko. I look his eyes, nabahag ang aking damdamin sa nakitang paghihirap ng kaibigan. Maiko is the one who help and guide me to soul nation kaya malaki ang malasakit ko rito, kaya kong itaya ang buhay ko para lang dito.

"I can take care of my self. Ang importante makaalis kayo."

"Pero may sugat ka" wika ng babaeng umaalalay kay maiko.

Tumigas ang mukha ko "kaya ko ang sarili ko, hala umalis na kayo bago pa mahuli ang lahat" wika ko.

Lumingon pa sila sa'kin bago pumasok sa liwanag.

"Hulihin sila" sigaw ni hallow. Humarap ako upang salubongin ang mga ito.

Hindi pa tuloyang nagsasarado ang lagusan.

"Over my dead body. Hindi niyo sila masasaktan pa" matigas kong wika.

Sinalubong ko lahat ng alagad na lumalapit sa lagusan. Hindi ko hinayahang makalapit sila.

Lalong nagalit si hallow ng sumarado ito.

"Halcunera" sigaw nito. wala akong planong salubungin ang galit nito kailangan kong tumakas. Nang hihina na'ko kaya bago makalapit ito.

Lumiwanag ang hugis agila sa aking batok at kasabay ng aking mga mata. Bigla akong naglaho sa harap nila.

"Magbabayad ka-" bago ako maglaho narinig kong wika nito.

Naramdaman kong bumagsak ako sa isang silid. Hindi ko alam kung saan ito. Ang nasa isip ko lang kanina ay makaalis sa kaharihan ni hallow. Isang tinig ang nagpamulat sa aking mata. Ngunit malabo ang imahe nito at bago ako nawalan ng malay narinig kong binanggit nito ang aking pangalan.

***

Please follow me for more story... Subaybayan niyo po ang pakikibaka ni lhyian sa dalawang mundo.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon