CHAPTER 47: Break Even

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ko alam, bro. Ang hirap sagutin ng tanong mo. But me and Mia are dating."

"Mahirap talaga 'yan, bro. Gayahin mo na lang ako, mag universal third wheel ka na lang din. Makiki- monthsary at makiki-anniversary ka lang. Wala pang sakit sa ulo." Biro ni Karlo.

"Sira ka talaga." Napabuntong hininga na lang ako. Puro si Valerie pa rin ang nasa isip ko ngayon.

"Sorry bro. Hindi talaga ako magaling sa mga ganyang problema e. Wrong tree! But what I can do..." Inakbayan ako ni Karlo habang hawak niya ang beer. "Is to divert your thinking to something else."

Uminom kami ni Karlo at nagkwentuhan ng mga puro's kalokohan niya na kahit papaano ay natawa ako at na divert naman ang isip ko.

"Whoa!" Nahilo ako sa pagtayo ko. Mukhang tinamaan ako sa ininom namin.

"Easy lang bro. Dahan dahan. Lasing ka na e. Sino ba ang tatawagan ko para puntahan ka? Si Mia ba o si Valerie?" Natatawang tanong ni Karlo.

"Wala! Kaya ko mag isa! Pero si Jana pare. Si Jana gusto ko siyang makita," lasing na ko. Kung ano ano na pinag sasabi ko.

"Aah so doon tayo sa kamukha ni Jana. Akin na phone mo."

Iniabot ko kay Karlo ang phone ko. "CR lang ako, bro."

"Sige 'wag mo kakausapin 'yong inidoro ah. Parehas kong kokontakin tignan natin kung sino mauuna," Biro ni Karlo sabay tawa.

Ngumisi ako, "Sira ka talaga. Hindi pa ako ganon ka lasing."

Pagkatapos kong mag-CR, nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Karlo. Ilang saglit pa ay dumating si Mia.

"Insan, lagot ka! Nadiyan na si Mia!"

Lumapit sa akin si Mia at hinawakan ako sa likod. "Oh Kier, bakit ka umiinom? May problem ba? You should have called me."

"Hi I'm Karlo. Ako 'yong tumawag sayo," nakipag kamay si Karlo kay Mia.

"Hi Karlo. I'm Mia. Thanks for giving me a call."

"No worries. Sige maiwan ko muna kayo."

Umupo si Mia sa tabi ko at hinimas himas ang likod ko.

***


Valerie's Point Of View

Ang sakit...

Ang sakit na malaman mula sa kanya na may iba na siyang mahal. Parang binibiyak 'yong puso ko at may parang humahawak dito nang napakahigpit. Tulala lang ako habang nakasakay sa kotse ni Shane. Nagpahatid ako sa kanya hangang bahay dahil wala ako sa katinuan.

Bakit pa kasi ako umamin e?

Nasaktan tuloy ako. Halos maubos na ang luha ko sa kakaiyak kanina nang umalis siya sa aking tabi. Akala ko mahal niya rin ako.

Siguro dapat sinamahan ko siyang makipag kita sa Mia na 'yon noon. I shouldn't have let my guard down. Now he's gone.

Huminto saglit sa pagmamaneho si Shane dahil sa stop light. Tulala pa rin ako at nakatingin lang sa bintana ng kotse.

Bigla namang hinawakan ni Shane ang kamay ko. "Val..." Inilapit niya ito sa kanyang labi at hinalikan ito. "I am always here for you. Lagi mong tatandaan 'yan."

Tumango ako at pinilit ngumite, "Sorry Shane."

"That's okay. I know gusto mo munang mapag isa. Pero kung kailangan mo ako..." Sambit ni Shane sabay biglang kumanta. "I'm only one call away. I'll be there to save the day. Superman got nothing on me."

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon