Chapter 21: Her POV

1.7K 81 3
                                    


“Bakit aalis na tayo agad?” tanong ni Kyla kay Patrick.

Nag aayos na kami ng mga gamit namin. May mga hangover pa silang lahat pero hindi nila ‘yon pinapansin kasi nagyaya nang umuwi si Cyrus. Alam ko naman na ako ‘yung may kasalanan. Alam ko naman na kaya nagmamadaling bumalik sa Manila si Cyrus kasi dahil ‘yon sa’kin.

“Nagkaroon kasi bigla ng emergency sa company. Kailangan kaming dalawa ni Cyrus doon.” sagot ni Patrick.

Tinignan ko siya, nahuli ko siyang nakatingin sa’kin pero bigla rin siyang umiwas ng tingin. Kilala ko si Patrick. Alam ko kung nagsisinungaling siya at alam ko kung nagsasabi siya ng totoo at sa pagkakataong ito, nagsisinungaling siya.

Sa buong byahe na ‘yon wala akong kibo. Hindi ako nagsasalita, wala akong kinakausap kahit isa sa kanila maging si Xander ay hindi ko na muna kinakausap. Hanggang sa makauwi kami at ihatid nila kami sa condo ko,  wala pa rin akong imik.

Pagpasok ko sa condo ay agad akong humiga sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kisame. Tulala at iniisip ang mga nangyari. Tama naman ‘yung ginawa ko, ‘di ba? Ang pakawalan siya?

“Anong problema mo, babe?”

Napatingin ako kay Xander, umupo siya sa gilid ko at hinawakan niya ang kamay ko.

“Kilala kita. What's your problem? Pwede nating pag-usapan kung ano man ‘yang problema mo.”

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at umupo. Isinandal ko ang likod ko sa head board ng kama at tinignan ko ang mga kamay ko na hawak niya.

“I heard your conversation with Cyrus last night.”

Bahagya akong nagulat dahil sa sinabi niya. Ang ibig niya bang sabihin ay narinig niyang lahat ‘yon?

“Hindi ko naman gusto na makinig sa pinag uusapan ninyo. I just wanted to know if you still love him.”

“Hindi ko na siya mahal.”

Humigpit ang hawak ni Xander sa kamay ko at tinitigan niya ako sa mga mata ko.

“You're wrong. You still love him, babe. Mahal mo pa siya. ‘Yung pagmamahal mo sa kanya noon ay hindi naman talaga nawala.”

“Xander..”

“Zoey, listen to me okay? Nasasaktan ka ngayon. Kahit hindi mo sabihin sa’kin, alam kong nasasaktan ka. Tatlong taon tayong magkasama, Zoey. Alam ko kung kailan ka nasasaktan, kung kailan ka masaya at kung kailan ka malungkot.”

“Xander, natatakot ako.”

“Saan ka naman natatakot? Wala kang dapat ikatakot Zoey.”

“Nasanay na ako na wala siya, Xander. Ayoko nang bumalik pa sa nakaraan.”

“Zoey, hindi mo naman kailangang bumalik sa nakaraan, ang kailangan mo ay harapin ‘yung kasalukuyan.”

“Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin, Xander. Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung ano ba ang tama, kung ano ba ang dapat.”

Nginitian niya ako, pero alam ko na sa kabila ng mga ngiti niyang iyon, nasasaktan siya. Nasasaktan din siya.

“Hindi mo talaga malalaman kung ano ba talaga ang dapat mong gagawin kung may lalaktawan ka sa mga dapat mangyayari. Kung may iniiwasan ka. Mas magiging komplikado lang ang lahat kung patuloy kang iiwas, kung patuloy kang magpapanggap.”

Hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Parang may malakinh batong ipinukpok sa ulo ko. Pumasok bigla sa isip ko ‘yung mga sinabi ko kagabi kay Cyrus.
Ang tanga mo Zoey! Ang tanga tanga mo! Kung sino pa ‘yung lalaking nagmamahal sa’yo, siya pang sinasaktan mo.

I'm in Love with a Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon