Chapter 4: Her Family

3K 139 4
                                    

( Zoey's POV )

Pabagsak akong umupo sa sofa na nasa kwarto ko.

" Cyrus. Paano natin mahahanap ang mga magulang mo kung hindi naman natin alam kung saang lugar tayo mag sisimula? " tanong ko kay Cyrus na ngayon ay nakahiga sa kama ko.


" 'Yun na nga Zoey eh. Bakit di ko kasi maalala? Bakit wala akong maalala? " malungkot na tanong nya .


" Ang misyon mo siguro ay ayusin ang problemang ginawa mo noon pero paano? " tanong ko din.

Tumayo ako. " Samahan mo na lang ako mag gala. Baka may makita tayong mga bagay na makapagpapabalik sa alaala mo. " Hindi ko na hinintay ang sagot nya. Tumayo na ako at dumiretso ako sa CR.

***

Marami na kaming lugar na napuntahan ni Cyrus. Mall.. Simbahan.. Palengke at kung saan saan pa. Hanggang sa dito sa park ng subdivision namin ang bagsak namin.



" 7pm na ng gabi pero wala pa rin tayong mahanap " sabi ko.

Nakahiga kami sa damuhan. Nakatingin ako sa mga bituin. Milyong milyong mga bituin na kumikinang .

Napatingin ako kay Cyrus dahil bigla nyang hinawakan ang kanang kamay ko habang nakahiga kaming dalawa.

" Anong pakiramdam na nag mamahal Zoey? "
tanong niya habang nakatingin sa mga bituin.

" Masaya.. Minsan masakit " sagot ko.

" Sa tingin mo ba may minamahal din ako bukod sa mga magulang ko? "

tanong nya ulit.

" Oo naman. Malabo naman siguro kung wala di ba? Ang gwapo mo kaya. " huli na para bawiin ko ang sinabi ko dahil nakatingin na sya sakin na may nakakalokong ngiti.


" So nagagwapuhan ka sakin ganun? Hahaha. Baka pinagnanasahan mo na ko nyan Zoey ah? " tanong nya habang tumatawa pa.

Hinampas ko sya. " Ang kapal talaga ng mukha mong multo ka! " patuloy lang ako sa pag hampas sa kanya.

" Aray! Aray! Zoey! Tama na hahaha. Di porket nahahampas mo ako hahampasin mo na ako. Aray Zoey! Tsansing na 'yang ginagawa mo ah "

Napatigil ako sa paghampas sa kanya.
Tinignan ko sya ng masama at tsaka ko sya inirapan.

Bwisit na multong 'to. Ang kapal ng mukha! Tsansing? Mangarap sya!

" Oy Zoey. Anong makapal ang mukha? Sadyang gwapo lang talaga ako " sabi nya habang nakasunod syang naglalakad sakin.

Ugh! Yeah. Yeah. He can read my mind. Bakit ko ba nakalimutan? Kakayahan ba 'yun ng mga multo?

" I think no. Hindi kayang basahin ng mga multo ang iniisip ng mga buhay. Sadya lang siguro na may koneksyon tayong dalawa kaya nababasa ko ang iniisip mo " sabi nya.

Bahala ka sa buhay mo! Bwisit.

" So Zoey, ibig sabihin ba nyan ako na ang bahala sayo? Ikaw kasi ang buhay ko " sabi nya. Napahinto ako sa paglalakad at sinigawan sya.

" Wag ka ngang malandi! Napakalandi mong multo ka! "

Tawa sya ng tawa habang ako naman ay inis na inis na sa kanya.

I'm in Love with a Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon