Chapter 13

2.1K 104 18
                                    

Pagpasok ko pa lang sa loob ng university, iba na agad ang pakiramdam ko. Parang may mali. 'Yung mga tingin ng estudyante sa'kin, iba. Parang may nagawa akong mali.

Agad kong kinuha ang cellphone ko nang maramdaman ko na nag ba-vibrate 'yon.

Si Kyla? Ano naman kaya ang problema ng babaeng 'to?

"Kyla—"

"Nasan ka Zoey?"

"Nasa school na. Sa tapat ng BA Building. Bakit? May problema ba? Bakit natataranta ka?"

"Mamaya ko na sasabihin. D'yan ka lang. 'Wag kang aalis."

Binaba na niya ang tawag. So may mali talaga?

Ilang minuto lang akong naghintay, dumating na rin siya.

"A-Ano bang nangyari?" tanong ko agad sa kanya. Hindi naman siya sumagot. Basta hinila niya lang ako. Tumakbo kami hanggang sa huminto kami sa tapat ng freedom wall.

"Tignan mo." sabi ni Kyla. Tinignan ko ang tinuturo niyang mga pictures na nakadikit sa freedom wall.

Pictures namin ni Cyrus na magkasama. 'Yung pagpunta namin sa restaurant, sa amusement park, sa palengke, sa mall at maging sa park.

"Bakit nakadikit 'yang mga 'yan?!" gulat na tanong ko.

Inabot naman sa'kin ni Kyla ang newspaper ng school. Binasa ko ang nasa front page ng newspaper.

"ZOEY SANDOVAL, INAGAW ANG BOYFRIEND NI KATHLEEN GERONIMO"

"Hindi lang 'yan, meron pang interview 'yang impakta na 'yan."

Inabot niya sa'kin 'yung cellphone niya. Isang video ang pinanuod niya sa'kin.

"Hindi ko alam na ganoon pala siya. Idol ko pa naman siya pero isa pala siyang mang-aagaw. Una si Patrick tapos ngayon naman ay si Cyrus ang nilalandi niya. Masakit para sa'kin 'yon. Pinagkatiwalaan ko siya. Magkaibigan pa naman kami pero 'yun pa ang igaganti niya. Ahas. Napaka ahas niya."

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ni Kyla. Biglang kumulo ang dugo ko.

"Bes, nasa cafeteria siya ngayon." sabi ni Kyla.

Agad akong tumakbo papunta sa cafeteria. Nakita ko naman siya agad kasama ang mga kaibigan niya. Hinila ko ang buhok niya at sinampal ko siya.

"Ouch!"

"Hindi lang 'yan ang dapat sa'yo! Ang kapal ng mukiha mo na siraan ako sa lahat ng tao! Ang kapal kapal ng mukha mo!" sigaw ko sa kanya.

"Bitawan mo ako! Totoo naman ang sinasabi ko! Inagaw mo sa'kin si Patrick tapos ngayon naman si Cyrus ang aagawin mo! Mang aagaw ka! Ahas ka!"

Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya kaya napaupo siya sa sahig ng cafeteria.

"Wala kang karapatan na sabihing mang aagaw ako dahil ni minsan, wala akong inagaw sa'yo! Ex boyfriend ko si Patrick. Nakipaghiwalay siya sa'kin noon dahil sa'yo. Pero ano, may narinig ka ba sa'kin? Siniraan ba kita sa ibang tao? Hindi 'di ba?! Nanahimik ako! Tapos ngayon, sasabihin mong inagaw ko sa'yo si Patrick? Paano ko siya aagawin sa'yo kung sa una pa lang naman ay ikaw naman talaga ang mang aagaw?!"

"Sinungaling! 'Wag kayong maniwala sa kanya! Lumalapit lang siya kay Patrick para maging bokalista siya ng banda nila Patrick!" sigaw ni Kathleen.

"Pwede ba Kathleen! Wag ka na nga magsinungaling!"

Lumapit sa'kin si Kathleen at sinabunutan niya ako. Sinabunutan ko rin siya.

"Malandi ka! Lahat na lang nasa'yo! Lahat na lang ng gusto ko napunta na sa'yo tapos pati ba naman si Cyrus, aagawin mo! Malandi ka!"

"Wala akong inaagaw sa'yo! Hindi ko inaagaw sa'yo si Cyrus!"

"TAMA NA!"

Gulat na gulat ako nang may malakas na tumulak sa'kin. Agad kong tinignan kung sino ang lalaking iyon.

"Cyrus.." tawag ko sa kanya.

"Babe! Buti na lang at dumating ka. 'Yang babaeng 'yan ang nagsimula! Basta basta na lang siyang sumugod dito tapos bigla na lang niya akong sinabunutan!"

"Hindi naman ako susugod dito kung wala kang ginawang masama! Ang kapal ng mukha mong magkalat ng mga maling impormasyon! Ang kapal ng mukha mong siraan ako sa mga tao!"

"Sinabi ko na sa'yo na wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo!"

"Pwede ba Kathleen, 'wag ka nang magpaawa pa. 'Wag ka nang magsinungaling. Sabihin mo na ang toto—"

"Zoey tumigil ka na!" sigaw ni Cyrus.

"Pero Cyrus, siya naman talaga ang nauna! Siya—"

"Tama na Zoey! Ano ba! Puro ka kasinungalingan e!" muling sigaw niya.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

Tang*na lang. Tang*na lang talaga. Hindi porket siya ang mahal mo, siya na agad ang kakampihan mo!

Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ako ng pagkirot doon. Nahihirapan na rin akong huminga.

"Kyla.." tawag ko kay Kyla.

"Zoey?! Oh my God Zoey! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko e!"

"A-Anong nangyayari?" rinig kong tanong ni Cyrus.

"Zoey!" boses naman 'yon ni Patrick.

"Kyla! Tawagan mo sila Tita. Ako na ang magdadala kay Zoey sa hospital!"

"Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko, sisiguraduhin kong mapapaalis ko kayo sa University ko! Lalong lalo ka na Kathleen! Sisiguraduhin kong mawawalan ng trabaho ang mga magulang mo!" sigaw ni Kyla.

"Pat.. H-Hindi ko na k-kaya.. S-Sobrang sakit ng p-puso ko."

"Dadalhin na kita sa hospital. 'Wag kang mag alala Zoey. Magiging okay ka."

'Yun na lang ang narinig ko hanggang sa tuluyang nang dumilim ang buong paligid.

I'm in Love with a Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon