Chapter 6

3K 136 16
                                    


Gulat ang makikita sa mukha nilang dalawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gulat ang makikita sa mukha nilang dalawa. Pareho silang nanlalaki ang mga mata. Nagkatitigan at parehong hindi makagalaw.

Si Zoey ang unang nakabawi sa pagkagulat. Itinulak niya si Cyrus at mabilis siyang tumayo.

"Z-Zoey.. I- I did not mean it." nauutal na sabi ni Cyrus.

"U-uwi na ako Cy, mauuna na ako!" 'yun lang ang sinabi ni Zoey at mabilis na itong tumakbo.

"ZOEY, WAIT!" sigaw ni Cyrus pero patuloy pa rin sa pagtakbo palayo ang dalaga.

Napaupo si Cyrus sa damuhan habang hawak niya ang labi niya. Paulit ulit na pumapasok sa isip niya ang mukha ni Zoey habang gulat na nakatingin sa kanyang mga mata. Pakiramdam din niya ay nakadikit pa rin sa labi niya ang malambot na labi ni Zoey.

Napangiti siya habang iniisip ang reaksyon ni Zoey kanina.

"First kiss niya siguro ako." natatawang sabi ni Cyrus.

Mabilis na Pumasok si Zoey sa bahay nila, hindi na niya napansin ang pag tawag sa kanya ng Mama n'ya at ng kuya niya. Lutang na lutang siya. Paulit ulit din na pumapasok sa isip niya ang nangyari kanina. Pagpasok niya sa kanyang kwarto ay agad nyang ibinalibag kung saan ang dala niyang bag at basta basta na lang siyang humiga sa kama.

"AAAAAARRRRRRRGGGHHHHH!!! BAKIT BA KASI NANGYARI 'YUN?!" sigaw niya habang sinasabunutan ang kanyang sarili.

"ZOEY! ANONG NANGYAYARI D'YAN?! MAY PROBLEMA BA?! BUKSAN MO 'TONG PINTO!" napatigil siya sa paghuhumerintado n'ya nang marinig niya ang tawag ng kanyang Kuya sa labas ng kwarto n'ya.

"ZOEY!"

"AH-ANO-WALA! WALA LANG KUYA! NAGULAT LANG AKO SA DAGA." sigaw niya. Mabilis siyang pumunta sa pintuan para buksan iyon. Bumungad naman sa kanya ang Kuya n'ya na nakakunot ang noo.

"DAGA?! Paanong magkakadaga sa bahay natin e araw araw nag ge-general cleaning si Mama?" nagtatakang tanong ng Kuya n'ya.

"M-may daga nga Kuya. Tumalon pa nga sa bintana kasi hinabol ko. Akala siguro ng dagang 'yun e kamag-anak n'ya si Superman." sabi niya at pilit na tumawa.

Napalunok siya nang Makita niyang matamang nakatitig sa mga mata niya ang Kuya n'ya dahilan naman kung bakit umiwas s'ya ng tingin at tinulak nya palabas ng kwarto ang Kuya n'ya.

"Oh sya! Lumabas ka na Kuya, matutulog pa ako. Gisingin mo na lang ako kapag nakaluto na si Mama ng hapunan." hindi na niya hinintay pang makasagot ang Kuya n'ya, agad na niyang sinarado ang pinto at pabagsak na humiga ulit sa kama.

Muli na namang sumagi sa isip n'ya ang nangyari kanina. Ramdam niya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, biglang pag init ng paligid n'ya at ang pagbagal ng kanyang paghinga.

I'm in Love with a Ghost (Completed)Where stories live. Discover now