The Prey

91.7K 2.6K 28
                                    

Chapter 2:

Serena's POV:

She moaned when something feathery yet warm touches her right ear, pinaalis niya iyon dahil gusto pa niyang matulog.

Pero lumipat iyon sa leeg niya, ano ba kasing istorbo iyon napagod na nga siya kahapon dahil sa paghabol sa kanya ng isang malaking tao..

Paghabol?

Malaking tao?

Umuwi ba siya ng matiwasay kahapon-

Suminghap at napadilat siya.

"At last,.. the sleeping beauty is awake" sabi ng isang malagom na boses na narinig na niya.

Hinanap niya ang may ari ng boses at nanlaki ang mata niya ng makitang ito ang humabol sa kanya kahapon at-

Tumili siya.

Ang inaasahan niya ay tatayo ito para takpan ang bibig niya pero tinaasan lang siya nito ng kilay as if saying 'he doesn't really care'.

"A-a-anong gi-ginagawa ko dito? Papatayin mo din ba ako? Hindi pwde! " sabi niya sabay lundag patayo at sumiksik sa gilid, sinilihan siya ng takot ng makitang tumayo ito palapit sa kanya.

Naghanap siya ng pwdeng armas at nakita niya ang isang alarm clock.

"H-huwag kang la-lapit! Ipupukpok ko ito sayo! Ano ba!!" Tumili siya ng lumalapit pa din ito.

"P-please para mo nang awa, huwag mo akong p-patayin" napaiyak na lang siya.

Mukhang ito na ang katapusan ng maikling buhay niya, ni hindi man lang niya naranasang magka boyfriend.

"Are you done with the drama"? Biglang sabi nito, napataas siya ng tingin, at tinitigan ito ng saglit.

Ang gwapo naman niya para maging killer.

"H-huh?" Takang tanong niya.

He smiled .

Napatitig siya sa mga labi nito, mamula mula iyon.

Teka?

Dala ba ng takot niya kahapon at naisip niyang hinalikan siya nito?

Hindi eh, natatandaan niyang hinalikan siya nito pati na din ang paghawak nito sa dibdib niya, namula siya.

"Manyak! Balak mo akong gahasain tapos papatayin mo ako ano! Killer na rapist! Tulong! Tulungan niyo ako!" Nagsisigaw siya.

"Woman! Cut it out! Bago pa tuluyang magbago ang isip ko at talagang papatayin kita" sabi nito at tuluyan niyang itinikom ang bibig.

"Good! Now answer all the things I will ask, aye?" Sabi nito, ambaba ng boses nito at ang accent nito ay kakaiba, foreigner ito.

Ano kaya ang lahi nito?

"O-oo" nauutal na sabi niya, sa laki ng katawan nito.. siguradong pag hindi siya nagbehave isang pitik nito sa kanya..

.. ay tiyak na magkikita na sila ng magulang at tiyahin niya.

"What and why are you inside my building?" Tanong nito habang titig na titig sa kanya.

Ohmygawd ang gwapo mooo.

Hindi! Erase! Erase!!!!

Tumikhim siya.

"Hinahanap ko kasi ang HR department, at n-nawala ako" sabi niya dito, he squinted his eyes while staring at her.

"I don't believe you, Lassie" sabi nito at titig na titig sa kanya.

"Ano?! Bakit? Totoo ang sinasabi ko! Kahit ano, tama! Kahit tanungin mo ang HR department, nandoon iyong resume ko!" Pigil ang hiningang sabi niya, kailangan siyang paniwalaan nito, gusto pa niyang mabuhay.

"Are you a spy?" Tanong nito.

Nanlaki ang mata niya.

"Hindi noh!" Matigas na tanggi niya.

"Please maniwala ka sa akin" giit niya nang hindi ito nagsasalita, nangilid ang luha niya, hindi pwdeng mamatay na siya agad, bata pa siya!

Madami pa siyang gustong gawin! Hindi ba ito naawa sa kanya?

"Work for me" biglang sabi nito.

"Ha?" Napakurap siya,ano daw?

"I want you to work for me"

Bakit?

Bakit siya inaalok nito ng trabaho?

Di'ba dapat pinatay na siya nito para wala na itong sabit?

Ayaw niya.

Umiling siya.

Dumilim ang mukha nito.

Lumunok siya.

Huminga siya ng malalim dahil baka last na niya iyon.

Nakakapanghinayang naman...ang ikli ng buhay niya.

Pero kailangang sabihin niyang ayaw niya.

"A-ayoko" diretso ng sabi niya.

Para kasing ito ang mga nababasa at napapanood niya.

Kapag magtrabaho siya dito tapos marami na siyang nalalaman, papatayin na siya.

Lumunok siya nung dumilim mukha nito.

"And why?" Manghang tanong nito.

Parang hindi ito makapaniwala na may tumanggi dito.

"A-ayoko talaga, kasi alam kong p-papatayin mo ako eventually" nanginginig na sabi niya.

Ngumiti ito ng saglit.

Tila amuse na amuse itong tumingin sa kanya.

"No, work for me"

---

(A:N)

Scaryy papi

Ruthless Men: Drustan (completed)Where stories live. Discover now