Chapter 83

36 0 0
                                    

"Aahh!mahinang sigaw ni Robbie habang ginagamot sya.Dahan dahan naman Anne ansakit na nga mas lalo pa atang sumakit."

"Ganyan talaga tiisin mo, ismid ni Anne. Saka betadine lang to anong hinihiyaw hiyaw mo dyan!"

"Eh ansakit sakit eh,"reklamo uli nang binata.

"O sige ayaw mo bang gumaling?"nakasimangot na tanong nang dalaga.

"Gusto syempre!"

"Oh di magtiis ka ah!"

"To naman ang sungit, kiss mo na lang ako kaya, hehehe!"

"Yan dyan ka magaling, nakangiting sabi ni Anne. Pero betadine lang humihiyaw ka na."

"Sige na please kiss mo na ako!"

"Ano ka ba nakakahiya kaya,"sabay nilingon ni Anne si Angie na abala rin sa panggamot ka Robbie di kalayuan sa kanila.

"Sus mahihiya ka pa, ok lang yan mga tropa naman yan," sagot ni Robbie.

"Eh, mamaya na lang gagamutin muna kita."

"Sige pero dapat marami ha!"pang aasar ni Robbie.

"Oo nah!"

Sa kitchen nang hotel ay abalang tumutulong si Xiana kay Duane sa pagluluto nang kakainin nila. Mapapansin ang pag kailang ni Xiana kay Duane marahil dahil nahihiya sya dito.

"Ok ka lang?"tanong ni Duane.

"Hah, oo naman!"mabilis na sagot ni Xiana.

"Sigurado ka na ok ka lang talaga?"

"Oo, bakit may mali ba?"nahihiyang tanong nang dalaga.

"Yung plato kasi kanina pa puno nang kanin," nakangiting sabi ni Duane.

Napatingin si Xiana at dali daling inilapag ang platong puno na nang kanin sa lamesa at natapon na ang iba habang sumasandok sya mula sa kaldero. Pinamulahan naman nang pisngi ang dalaga dahil napahiya sya sa ginawa.

"P-pasensya na,"nauutal na sabi nito.

"Ok lang mabuti pa maupo ka na dyan ako na ang magsasandok."

"No, ok lang ako talaga may inisip lang ako kaya nakalimutan ko!"

"Ok lang Xiana, I insist ako nang bahala dito. Maupo ka na lang dyan!" at iginiya pa nya ang dalaga paupo.

"S-sige, salamat."

"Kumusta naman ang pagpapahinga nyo?"tanong ni Duane habang nagsasalin na nang ulam.

"Ok naman, nakaligo na rin kami at nakapagbihis nang maayos."

"Mabuti kung ganun."

"Ah Duane salamat pala kung hindi kayo dumating baka kung ano na ang nangyari sa amin."

"Ayos lang yun, sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo di ba."

"A-ah kasi Duane kasalanan ko rin naman kung hindi ako naging ma pride sana hindi napahamak ang mga kasama ko."

"Wala kang kasalanan Xiana, inisip mo lang kung ano ang tama. Nagkataon lamang na may mga taong demonyo kaya nangyari ang di dapat."

The Walking ZombiesWhere stories live. Discover now