Chapter 29

65 2 0
                                    

"Quiet class, everyone sit down! Alam kong nangyari na ang lahat at wala na tayong magagawa pa. Gemma gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi tama ang ginawa mo. Kaklase mo..."

"Sir pati ba naman kayo naniniwala sa kanila, galit lang sila sa akin kaya nila sinasabi yan! putol nito sa sabihin nang kanyang guro. Kaibigan ko si Jelyn kaya hindi ko sya pwedeng ipahamak kaya hindi totoo yung sinasabi nila!"

"Oo kaibigan mo sya pero ano ang ginawa mo, trinaydor mo sya!sigaw ni Camille. Saka wag kami ang baliktarin mo na sinungaling dahil ikaw ang sinungaling!"

"So pinagtutulungan nyo ako?kunwaring naiiyak na sabi ni Gemma. Ako na nga ang nawalan ako pa ang masama dito, sir for once makinig kayo hindi ko magawawa yun kay Jelyn!"

Nakadama din nang awa ang iba habang ang tatlong kasama nya ay masama ang tingin.

"For now wala munang magsasalita at ako lang ang pwede,makinig kayo magkakaklase kayo damayan nyo ang isa't isa. Sa ngayon ayaw ko muna ang manghusga kung ano ang totoo o hindi, pero Gemma ang sinasabi ko lang maging maingat ka sa lahat nang bagay lalo na kung buhay ang pinag uusapan!"

"Sir para nyo na ring sinabi na sumasang ayon kayo kina Camille," humihikbing sabi ni Gemma.

"Just what I've said before ako lang ang magsasalita!"pigil na inis ni Gerald kay Gemma.

Tumahimik naman agad si Gemma at yumuko. Samantala nagpatuloy lang ang kanilang guro sa pagsasalita.

"Sa ngayon aalis na tayo dito, ang kailangan nyo lang gawin ay magpahinga muna. Siguro naman ay ligtas na tayo once na makalabas na tayo sa Laoag. So class ayoko nang maingay ang kailangan ko ay kapayapaan at kailangan ko mag isip sa sasabihin sa mga magulang nila Alma at Jelyn!"sabi nito at umupo na sa likuran nang driver.

Nakaramdam naman sila nang awa sa kanilang guro, alam nilang malaking pasanin ang kaakibat nito. Tyak sya ang masisi at ang eskwelahan dahil part ito nang educational trip. Sumang ayon na lang ang lahat sa sinabi nang guro at sa unang pagkakataon nakakabingi ang paligid sa loob nang bus dahil sobrang tahimik.

Samantala nakatingin lang sa labas nang bintana si Kimmy, napansin nya kasi na tulog na ang iba kaya naisip nyang tumingin na lang sa labas. Napansin nya na normal naman ang mga tao sa labas na nadaan nila. Napatanong sya sa isip kung alam na ba nang mga tao doon ang nangyayari sa museum, kung may iba na bang rumesponde na mga pulis o may reporter na bang dumating para maibalita na ito at nang maging aware ang tao sa labas nang Laoag. Naisip nya ang mga magulang upang kamustahin sila kaya agad nyang kinuha ang cellphone. Nang buksan ay naka 15 misscall ang lumabas sa screen mula sa kanyang mama, napatapik naman sya sa noo dahil naka silent ito at hindi nakavibrate kaya hindi nya narinig ang call nito. Isa pa abala sila sa nangyayari sa museum kaya hindi nya napansin, at mas lalo syang nainis nang makitang one bar na lang ang battery. Inisip nyang magtext na lang dahil kung tawag ay baka malowbat pa lalo sya. Nang matapos makapagtext ay hindi nya muna binalik ang cp sa kanyang bulsa hinintay nya muna magreply ang kanyang mama. Titingin sana uli sya sa labas nang bintana nang kalabitin sya ni Joy na katabi nya.

"Bakit, akala ko tulog ka?"nakangiting sabi ni Kimmy.

"Umidlip lang ako, sagot ni Joy. Ikaw mukhang di ka ntutulog?"

"Oo di nga ako makatulog eh."

"Bakit dahil ba sa nangyayari?"

Napatango naman si Kimmy.

"Ako din, bakit kaya nangyari to? Educational fieldtrip lang naman ang sadya naten tapos eto nawalan na tayo nang kaklase."

"Joy may tatanong ako ha pero wag kang magagalit?"

"Sige ano yun?"

"Zombies ba yung nakita nyo?"

"Siguro, parang, oo, ewan."

"Hah ano ba talaga doon?"nalilitong tanong ni Kimmy.

"Ewan ko hindi ko naman nakita na may kinakain talaga na tao, like yung napapanood natin sa mga pelikula. Siguro kasi kung ano ang napapanood natin sa pelikula yun ang mga kilos nila ganun din mababagal ang kilos at puro ungol lang ang lumalabas sa kanilang bibig at ang dami nilang sugat at dugo sa katawan.Oo kasi diba sa kwento nila sir at Camille nakita nila kung paano namatay sina Jelyn at Alma sa kamay nang mga zombies."

"So totoo nag eexist pala talaga sila, ang tanong sino kaya nag gumawa nun? I mean paano nagkaroon nang zombies dito, or dito lang kaya o kalat na sa Pinas?"mahinang tanong ni Kimmy.

"Ewan ko lang pero sana naman wag kalat sa Pinas. Kalurkey naman kung ganun syempre paano naman yung mga mahal natin sa buhay at sino naman ang magliligtas sa atin kung sakali na kalat na sa buong Pinas."

"Sabagay sana nga makarating na to sa media para naman maagapan agad, nakakatakot kaya," yapos pa ni Kimmy sa sarili na tila natatakot.

"Maiba ako Kimmy, sa tingin mo magagawa ni Gemma yung sinasabi ni Camille?"

Sandaling nag isip ang tinanong saka sumagot ito.

"Hindi ko rin alam saka wala tayo doon kaya hirap mag conclude."

"Pero hindi naman siguro gagawa yung tatlo nang kwento para lang isisi kay Gemma yung pagkamatay ni Jelyn. Isa pa alam mo naman na may pagkasadista yang babae na yan eh!"mahinang sabi ni Joy.

Humagikgik naman si Kimmy sa huling sinabi ni Joy.

"Natawa ka?"

"Sadista talaga, grabe ka ang hard mo talaga sa tao. Kaibigan nya rin si Jelyn hindi naman nya siguro sinasadya yun."

"Ah basta ako naniniwala kaya hindi na ako maglalapit sa kanya."

"Uy wag kang ganyan, kaklase pa rin natin sya!" saway ni Kimmy.

"Alam mo Kimmy sa panahon ngayon wag ka basta basta nagtitiwala, at sa panahon ngayon madaling mawala ang mga mababait. What I mean is pag mabait madaling kunin na ni Lord."

"So mabait ako ganun?"

Wala akong sinabi na ikaw, yung mga mababait!nakangiting sabi naman ni Joy.

Sira ka talaga!nakangiting sabi ni Kimmy. Mabait naman ako ah!

Tse! Wag ka maingay at pagalitan tayo ni sir.

The Walking ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon