Chapter 11

92 0 0
                                    

"Dali kailangan na nating makaalis dito!sabi ni Pete. Hindi natin alam kung ilan ang   at baka narinig na nila ang tunog nang baril ay posibleng nagulo sila dahil sa ingay."

"Takbo, lakad ang ginawa nila upang makalayo sa pinangyarihan kanina, hanggang isang kalsada ang bumulaga sa kanila. Natuwa sila sa nakita dahil alam nilang posibleng may gumawing mga sasakyan doon, habang walang sasakyang nagdaraan ay naisipang nilang maglakad na lang muna pero inabot na sila nang alas kwatro ay ni bike ay walang dumaan. Labis ang pagod nila kaya naisipan nilang maupo sa kalsada, kumuha naman si Pete nang tubig at uminom dahil na rin sa uhaw, ganun na rin ang ginawa nang dalawa. Nagpatuloy uli sila sa paglalakad hanggang sa may natanaw silang boungalow na bahay. Dahil sa nakita ay natuwa ang tatlo dahil alam nilang posibleng masagot kung anong lugar ang kanilang napuntahan. Tumakbo na ang tatlo sa bahay dahil padilim na rin ang paligid, nang makarating ay agad nilang siniyasat ang bahay kung may panganib ba doon at kung may tao. Nang makitang okey naman at walang tao ay agad nilang binuksan ang pinto. Tumambad sa kanila ang may kaguluhang kusina na parang may nang galing na mga tao doon at iniwan ang pinag kainan sa lamesa

"Asan ang mga tao?Bakit iniwan nila na hindi malinis ang kusina?" naguguluhang sabi ni Winston.

"Iba ang kutob ko Winston, maaring nakarating lamang ang mga tao dito at nagpalipas lamang dahil kung ikaw ang may ari nang bahay hindi mo iiwan ito nang ganito karumi kung aalis ka nang bahay hindi ba?"sabi ni Clyde.

"Tama ka dahil maski ang front door ay nakabukas, hindi man lang nakalock,"sabi rin ni Pete.

"Kung ganun asan ang totoong may ari nang bahay at sino ang mga taong iyon?" ani ni Winston.

"Hindi kaya si Andrew o ang dalawang piloto?"ani ni Pete.

"Anong ibig mong sabihin magkakasama sila?tanong ni Clyde. Pero bakit kung talagang magkakasama sila?"

"Isa lang ang masasabi ko dyan, maaring nagkainteres sila sa katawan ni Andrew dahil dala nya ang antidote. Maaring sabihin nila na sila ang bayani dahil nakasalalay ang kaligtasan nang tao kay Andrew. At dahil hawak nila si Andrew ay magiging bayani sila dahil pwede nilang sabihin na protektado nila si Andrew. O di kaya pwede nilang gamitin si Andrew upang yumaman o magpayaman, maaring bayaran sila nang gobyerno nang malaking halaga o yung mga mayayamang tao na magkakainteres sa antidote,"mahabang paliwananag ni Winston.

"Maaari yan, kung ganun biktima rin si Andrew,"ani ni Pete.

"Yan ang di ko alam, kung pumayag si Andrew o biktima rin sya. Maari kasing pumayag si Andrew upang yumaman din or sumikat alin man sa dalawa," sagot ni Winston.

"Kaya siguro wala sila sa pinangyarihan nang aksidente, inakala nilang patay na tayo," sabi ni Pete.

"Pero si Dr. Morgan panong nangyari sa kanya iyon?" tanong ni Clyde.

"Hindi kaya sila ang may gawa kay Dr. Morgan dahil alam nilang buhay ito kaya pinatay na lang nila dahil magiging hadlang si doktor sa kanilang plano?"sagot ni Winston.

"Posible nga na sila ang may kagagawan, dahil ganid sila kaya pinatay nila si Dr. Morgan upang hindi malaman na mismong ang doktor ang may gawa nang antidote,"sabi ni Clyde.

"Tumpak!sabi ni Pete. Ngayung alam na natin hindi na dapat silang pagkatiwalaan, at hindi tayo papayag na mapunta lamang sa kanila ang pinaghirapan ni Dr. Morgan. At aabusuhin lamang nila ang antidote upang magpayaman na para sa lahat nang tao, kawawa ang mahihirap kung nagkataon. Kaya kailangan nating mapigilan sila sa lalong madaling panahon kaya kailangan na makita na sila!"

Tumango ang dalawa at napag usapan ang panibagong plano upang mapadali ang misyon, sa bahay na rin sila nagpalipas at naghalungkat na pwedeng makain at sa awa nang Diyos ay may natagpuan din sila. Dahil ilang araw na walang kain nang masarap at napasarap ang kain nila.

"Iba talaga pag hindi de lata ang kinakain," natatawang sabi ni Clyde.

"Oo nga buti na lang at may natira pang manok sa ref at gulay,"sang ayon ni Winston.

"Kailangan na nating magpahinga at maaga tayong aalis bukas!" sabi ni Pete. Kailangan nating makakita nang tao na pwedeng mapagtanungan."

"Sandali, dito pwede tayong makakita nang clue kung nasaan tayo!" biglang sabi ni Clyde.

"Tama si Clyde sa pamamagitan nang mga gamit o anumang bagay meron dito,"sang ayon ni Winston.

"Kung ganun tayo na!"sabi ni Pete.

Agad namang kumilos ang tatlo at nagtungo si Clyde sa isang kwarto na may kaliitan, agad nyang hinalungkat ang mga drawer at sa kanyang tinging ay kwarto ito nang babae dahil may mga make up syang nakita. Sa isang lamesa ay may nakita syang mapa agad nya itong binasa.

"Map of the Philippines?"basa nya sa nakita. Maari kayang nasa Pilipinas kami bumagsak?"

Agad nyang kinuha ito ay tinupi saka nilagay sa bulsa, naghagilap pa sya nang pwedeng makita pero wala na.

Samantala si Winston ay sa isang kwarto rin na may kalakihan napunta, agad nyang pinagtitignan ang mga drawer pero walang palatandaan na pwedeng magturo sa kanilang lokasyon. Isang bagay ang napansin nya isang notebook na maliit agad nya itong kinuha at binuksan at napag alaman nyang diary ito. Ilang pahina ang lanyang binasa hanggang sa makakita sya nang lugar na nakalagay ay Ilocos Norte. Kinuha nya ito at dinala upang ipakita sa dalawa, habang si Pete ay nasa living room at walang makitang palatandaan hanggang sa mahagip nang mata nya ang isang photo album na nakasiksik sa isang cabinet at kanyang binuklat  ito. Kanyang binasa ang mga notes na nakalagay kung saan kuha ang mga ito. At nang magharap ang tatlo at nilabas ang nakuhang palatandaan nang kanilang lokasyon ay saka nila napagtanto na nasa Pilipinas at ang lokasyon ay Ilocos Norte.

The Walking ZombiesWhere stories live. Discover now