Chapter 58

47 1 0
                                    

"Wow andami nito!"sabi ni Angie matapos halungkatin ang dala ni Xiana at Clay.

"Teka lang wala pa sina Chester?" tanong ni Xiana habang sumusubo nang kanin.

Naghanda na kasi nang tanghalian ang mga naiwan at kasalukuyang kumakain na sina Xiana at Clay.

"Wala pa nga eh, kayo andito na pero halos sabay lang kayo umalis!" sagot ni Anne.

"Baka naman may kalayuan ang nilakad nila?"sabat ni Robbie.

"Kow maya andito na yun!"singit din ni Ryan.

"Mabuti pa ayusin nyo na yang dalahan namin siguro naman medyo sapat na yan sa ngayon!" sabi ni Clay.

"Oo wag lang dumating yung may ari kundi yari tayo!sabi ni Robbie. Tyak pupulutin tayo sa kalye nito."

Napangiti na lang sila sa sinabi ni Robbie habang kumakain pa rin ang dalawa. Agad naman pinagtulungan ni Angie at Anne ang mga dala nang kasama at iniayos nila yun sa cabinet. Pansin ni Anne na tila di mapakali si Angie habang nag aayos sila nang mga de lata.

"May problema ba Angie?"

"Kinakabahan ako?"

"Bakit ka naman kinakabahan?"

"Nag aalala ako kina Maricar at Chester, hindi pa kasi dumadating eh."

"Baka nga malayo lang yung napuntahan nila kaya wala pa din sila!"sabi ni Anne.

"Sana nga Anne, sana nga!"

"Sus wag ka ngang nag iisip nang kung anu ano, pati tuloy ako kinakabahan eh!"

"Di mo maiialis sa akin na mag alala, ala una na nang hapon pero wala pa sila!"

"Ok ganito pag three to four pm na kailangan sundan na natin sila!" paliwanag ni Anne.

"Mas mabuti talaga nang malaman natin kung ano ang nangyari sa kanila."

Matapos ang pag uusap nila ay tahimik na silang nagpunta sa balcony at sinamahan ang mga kaibigan na nagkukuwentuhan. Pansin ni Anne na panay ang tingin ni Angie nang relo, kaya nang di makatiis si Anne ay nagsalita na sya.

"Ahh guys, ano sina Chester wala pa din!"

Napatingin naman sila kay Anne at napatingin sa kanilang orasan sa kamay.

"My God, ano bang nangyari sa kanila?" napatayong sabi ni Xiana.

"Kailangan sundan natin sila past three na pero wala pa sila!" suhestyon ni Angie.

"Ok kami na lang ang susunod!"sabi ni Clay.

"Kami sinong kami?"tanong ni Xiana.

"Boys?"sagot ni Clay na napatingin si Robbie at Ryan.

"Pero kailangan may maiwan na lalaki dito!" sabi ni Robbie.

"Ok sino ang gustong sumama, tatlo o apat lang ang sasama?"tanong ni Clay.

"Ako!"sabi ni Angie.

"Me too!" si Robbie.

"Sasama na din ako si Anne!"

The Walking ZombiesWhere stories live. Discover now