Chapter 32

13K 279 22
                                    




Nagulat ang mga estudyante sa ambulansyang dumating. Nagsitakbuhan sila patabi para makadaan ito. Nagmamadali naman ilabas ng mga nurse ang isang stretcher at inakyat sa 3rd floor ng Commerce Building. Nagkagulo ang mga estudyante at ang iba naman ay nakiusisa sa mga nangyayari.

"Sino kaya yun isusugod sa hospital?" tanong ng isang Accounting student sa kasama nya.

Napailing ito. Wala din silang ideya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Mr. Perez na kadadating lang.

"Hindi po namin alam sir." sagot ng isang estudyante sa kanya.

Maya maya nakita nilang hatak hatak ang stretcher at isang lalake ang walang malay at nakahiga. Naka oxygen na sya. At kasunod na bumaba si Catherine at si Jacob.

"My god? Is that Vladimir? " Gulat nyang tanong. Isinakay si Vlad ng mga nurse sa ambulance.

"Anong nangyari?" tanong nya pagkalapit nya sa dalawa. Maluha luha naman si Catherine.

"Nakita ko nalang sya na walang malay sa office nya.

"Ano?

"Sumunod nalang tayo sa ospital at tatawagan ko na agad sina Aries at Aly." said Jacob. Pinasakay nya sa ambulansya sina Catherine at Mr. Perez para samahan si Vlad sa ospital.

"Susunod ako. Magdadrive nalang ako." paalam nya sa dalawa. Sinara na agad ang pinto ng ambulansya at nagsimula na itong umandar. Mabilis naman tumakbo si Jacob papunta sa kotse nya at nagdrive papuntang ospital. Ilan minuto lang naman ang layo nun sa university.

----

"AH!" nagulat ako ng mabitawan ko ang basong hawak ko.

"Oh? Anong nangyari!" gulat na tanong nina Draje at Jelly sa akin.

"Nadulas lang sa kamay ko." patawa kong sagot. Kumuha ako ng walis at dustpan para ligpitin ang kalat.

"Baka mabubog ka pa. Ako na." inagaw ni Drake ang walis at dustpan at sya na ang nagligpit ng nabasag ko. Karga karga ni Yanie si Feena habang si Sir Aries nasa harap ng laptop at nagsesearch ng venue para sa reception. Si Jelly gumagawa naman ng invitation.

"Magugustuhan ni Vlad ang ginawa mong invitation." sabi ko kay Jelly ng maupo ako sa tabi nya.

"Naman. Pambawi ko na to' dahil sa ginawa nyang pagtulong sa akin sa paghabol kay Chris.

"Nako. Kasalan na pagbalik ni Chris!"sigaw ni Yanie at nagtawanan kami. Nagblushed naman si Jelly at natawa ako.

"Naasikaso na ba ni Vlad yun sa simbahan?" tanong sa akin ni Sir Aries. Tumango ako.

"Buti naman. Pansin ko dun laging pagod yun. Akala ko nga nalimutan nya na yun tungkol dun.

Nagulat ako. Nakalimutan?

"Oo nga eh. Lagi syang pagod. Then ang aga nya pa pumapasok? Talaga bang madami syang ginagawa sa school?"

Tumango si Sir Aries."Oo. Kaya nga hanga ako dun eh wala syang napapabayaan kahit kayo, kahit trabaho sa school. Minsan tumatanggap pa sya ng cliente nya sa law office nila kapag nirerefer pa sa kanya.

"Nag aalala ako kay Vlad. Kailangan din nya magpahinga.

"I know. Pero kaya lang naman sya ganun eh ayaw nya mapabayaan ang ang mga nasa list of priorities nya lalo na kayo ni Feena.

Napangiti ako sa sinabi ni Sir Aries.
Hindi ko naman napansin ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng dining table.

[Vlad's Calling]

I'm Married To A Professor ✔️Where stories live. Discover now