"Oo. May pasok sya eh.

"Hmm- asikasuhin mo muna sya.

Tumango ako. Nagulat kami ng makita ko na sa ibaba si Vlad. Di ko napansin nakababa na pala sya ng hagdan.

"Oh? Drake?"gulat na sabi nya ng makita si Drake. Ngumiti lang sya at binati lang nya ito ng goodmorning. Lumapit sya sa amin. Saka tinapik sa likod si Drake.

"Kumain kana ba?" tanong nya kay Drake. Tumango lang ito. Naupo si Vlad at kinuha ang plato na nilapag ko.

"Love. Baka malate ako umuwi mamaya. May professors meeting. Pakipaalala nalang kay Aries. Pupunta naman sya dito mamaya.

Tumango ako. Tahimik lang kumakain si Vlad. Habang kami ni Drake nagtitinginan lang. Pagkatapos kumain ni Vlad ng agahan. Nagready na sya para maligo. Tinulungan naman ako ni Drake maghugas at ng magising si Feena. Binuhat naman nya yun saka nilaro habang nagliligpit ako.

"Mukhang hawig kay Vlad ito'ng si Feena?" napataas ang isang kilay ko ng marinig ko ang sinabi nya.

"Hindi ah. Grabe ka. Ako ang kamukha nyan." natawa si Drake sa reaksyon ko. Sa totoo lang lumalaki si Feena na ang nagiging kamukha ay si Veena, may wangis lang namin ni Vlad.

"Pero mukhang lalake ito na kasing ganda mo.." natatawang sabi ni Drake.

"Nang aasar ka lang eh."natawa sya. Nakita kong pababa na ng hagdan si Vlad. Naka long sleeve syang carnation pink at inaayos nya ang pagkakatupi ng sleeves nya. Hindi pa din nakaayos ang kwelyo nya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko pagkalapit ko para ayusin ang kwelyo nya.

"Yes love. Nagmamadali lang ako.

Hinagod ko ang kwelyo nya. At kinuha ko na din ang isang sleeve nya para ayusin.

"I'm sorry love. I really need to go." he said pag kaayos namin ng damit nya. Sabay kuha sa bag nya sa couch at humalik lang sa akin.
Pingmamasdan ko lang sya ng lumapit sya kay Feena at hinalikan ito. Nitong mga lumipas na araw napakabusy nya. Sa bagay ganun talaga kapag masyadong dedicated sa trabaho.

"Okay lang ba si Sir Vlad?" tanong ni Drake sa akin habang karga karga si Feena.

Tumango ako. Sigurado naman ako'ng okay sya. Talagang madalas lang pagod si Vlad dahil nagiging busy sya. Umuuwi sya dito halos gabi na. Then maaga pa sya pumapasok.

"Mabuti pa, tawagan ko na sina Jelly at Yanie para makapunta na sila dito..

Ngumiti si Drake sa akin at kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa lamesa. Dinial ko ang number ni Jelly para tawagan.

----

"Ahh--" napahawak si Vlad sa dibdib nya habang hawak nya ang manebela. Malapit lapit na sya sa Holy Angel. Ilan araw ng masama ang pakiramdam nya pero nakakalimutan nyang magsabi kay Aly. Ayaw naman nya itong mag alala pa.

"Huh?" umikot sya sa kabilang gate papasok ng parking lot. Doon na sya dumadaan palagi at mas malapit ang parking lot dun papunta sa Commerce Building. Pagkapark nya ng kotse, lumabas sya agad dala na ang gamit nya at mga books. Nagmamadali syang umakyat ng 3rd floor. Mabilis syang hingalin sa pag akyat.

"Sir? Okay lang po kayo?" nagulat sya ng bigla syang napansin ng isang estudyante. Nakahinto pala sya sa paglalakad. Medyo nakaramdam sya ng pagkahilo kaya sandali syang huminto.

"Ah oo. Salamat." pinilit nyang ngumiti sa estudyante para hindi na ito mag alala. Nagtuloy tuloy sya sa paglalakad papuntang deans office.

Binuksan nya agad ang pinto. At tuloy na pumasok sa loob. Automatic na nagbukas ang aircon. Nilapag nya ang mga gamit nya sa table. Huminga sya ng malalim.

"Ano bang nangyayari sa akin?" napahawak sya sa noo nya. Medyo nahihilo pa din sya at naninikip ang dibdib nya. Habang tumatagal, nahihirapan syang huminga.

Kinuha nya ang susi ng kotse nya at ibinulsa yun. Balak nya magpunta sa clinic sana para magpacheck up pero tatapusin muna nya ang meeting.

Nagvibrate ang phone nya.

Love. Ingat sa work. I love you. Nandito na sina Yanie at Sir Aries.

Napangiti sya sa text ni Aly. Aabutin nya na sana ang phone nya ng biglang.

"AH!" nanakit ang dibdib nya. Hindi na sya tuluyan makahinga.

"Anong nangyayari sa akin? Tanong nya sa sarili nya.

Napakapit syang mabuti sa upuan nya. Hindi sya makagalaw sa kinatatayuan nya.
Bumibilis ang tibok ng puso nya at umiikli ang paghinga nya.

----

TOK!TOK!TOK!

Kumakatok si Catherine sa pintuan ng Deans Office.

"Vlad? Andyan ka ba?

TOK!TOK!TOK!

"Nandito na kaya si Vlad?" napaisip si Catherine. Hinawakan nya ang doorknob at dahan dahan inikot yun. Hindi naka lock.

"Vlad?" sumilip sya sa loob.

OH MY GOD!!

Napahawak si Catherine sa bibig nya ng makita nya si Vlad na nakahandusay at wala ng malay.


----

ENJOY READING AND DONT FORGET TO VOTE!
Sorry for super late updates 😗
Salamat sa mga walang tigil na naghihintay for updates 💟

I'm Married To A Professor ✔️Where stories live. Discover now