Season 2 | ñ|>> #First Love, Frenemies, Promises & Other Bullsht

68.3K 786 236
                                    

 (Play the vid on the side :3 if you want Song: Out of my league)

Season 2 | ñ|>> #First Love, Frenemies, Promises & Other Bullsht 

|First Love|

 

NICO’S POV

 

>>|3 YEARS AGO|<<

 

“Fvck, ano yan?!”

 

“Pre gusto mo?”

 

“Ano yan?”

 

Lumapit ako at tiningnan ko yung bagay na inaabot sa akin ni Kaizen.  Ano’to? Nag yoyosi na sila?

“Dude, kung ayaw mo niyan may Space Cake si alfie.Ay meron din pala siyang weed brownies kung gusto mo,”

 

Bigla naman akong kinabahan sa mga pinagsasabi niya. Ano ba ‘tong mga to? Seryoso sila sa pag da-drugs? Ano bang problema nila?!

 

“Pare pass ako, ano bang trip nyo ngayon? Pag kayo nahuli niyan…” pagbabanta ko sa kanila. Ngayon lang sila nagdala ng mga ganyan dito sa tambayan namin.  At wala sa tipo nila ang mag bisyo kaya nga laking gulat ko ngayon nang maabutan ko sila ditong nag gaganyan.

“Weak, bro. Come on, just try it. Wala namang makakahuli sa iyo. There are no adults here,”

Umiling lang ako sa alok ni Alfie.

“Tsk, you’re weak bro.”

Tinapik ko siya sa balikat at kinuha na yung helmet ko sa may couch. Eto lang naman ang binalikan ko dito. “O saan ka na niyan pupunta?” sabi ni Axel. Katulad ng iba may hinihithit din siyang kakaibang bagay na hindi katulad ng yosi na inalok sa akin ni Kaizen kanina.

“Kila Isabella,” tipid kong sagot.

Alam kong maloko ang barkada ko kaso hindi ko naman aakalain na pati to susubukan nila.

“Una na ako mga pre, wag kayong magpapahuli!” Yun na lamang ang nasabi ko bago ako pinaandar ang motor ko at dumeretso sa bahay nila Isabella.

Pagkadating ko sa kanila, agad naman akong sinalubong ni Tita.

“Hijo, si Belle ba? Nandun siya sa kwarto niya. May project atang ginagawa,”

“Sige po, puntahan ko na lang po,”

 

Nasa hagdanan na ako nang pigilan ako ni Tita. “Nico, hijo. Can I talk to you for a second?”  Wala na akong magawa kung hindi bumaba ulit ako at tinabihan siya sa sofa. Bigla naman akong kinabahan. May problema ba? Ayaw niya na kaya sa akin para sa anak niya?

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon