Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen

71.8K 830 121
                                    


Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen


Kendrick's POV


Sa lahat ng plano ni Belle eto ang pinaka hindi ko sinasang ayunan.


"Come on Ken. Wag kang KJ! This is all for fun!"


"But this is ridiculous,"


Sino ba naman ang lalabas ng bahay ng madaling araw at gagawa ng prank? Tss. Dapat talaga pinatulog ko na siya kanina at hindi na nakisabay sa pagdadaldal niya sa akin. Hindi ko na dapat hinayaan na i-blackmail niya pa ako.


"Eh! Nag agree ka na sa deal natin kanina ah! Sabi mo sa akin payag ka na sa lahat ng sasabihin ko kapalit ng pag erase ko sa scandal mo!"



Scandal.


Psh.


Laking pagsisi ko talaga at nagpabaya ako noong araw ng birthday ko. Kung hindi ako nagpakalasing nang araw na yun hindi sana nalagyan ng droga ang alak na iniinom ko. Hindi sana ako nakuhanan ni Belle ng video na sumasayaw ng malaswa.


Psh. Miski si Justin wala din siyang takas dahil kasama ko siya dun sa video.


Iwinasiwas ulit ni Belle yung hawak niya na CD. Kanina nagulat na lang ako nang bigla niya itong isinalang sa TV at nakita ko na lang yung sarili kong halatang nakainom na sumasayaw dun sa may stage.


"You are drunk Belle. Lika na uuwi na talaga kita,"


"Hindi ako lasing! Look, just drink this para hindi ka kabahan!"


"Ano yan? San Mig?"


"Dami mong tanong. Light lang yan pampalakas ng loob. Bilis bottles up!"


Ininom ko  diretso yung sa bote. Tama nga siya masyado akong kinakabahan sa gagawin ko. Kung wala akong natitirang kahihiyan sa katawan baka hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ng baliw na'to pero wala eh, pinakita niya sa akin yung video.


Tss.


Nakakahiya talaga. Naghubad pa ako sa madaming tao.


"Sige na Kendrick? Please? Kukunin mo lang naman yung boxers na nakasampay dun. Ayun oh," Sabi niya sabay turo dun sa  sampayan ng mga damit.


 Nakita ko yung kanina niya pang napagiinitang superman boxers. Nadaanan lang namin 'to kanina habang pinilit niya ako mag joyride ng alas tres ng umaga.


"Paano Kung mahuli tayo ng pulis? "


Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon