Season 1 |38|>>#Taken

89.8K 1K 258
                                    

A/N

Music: Taken by One Direction (Super bagay sa update)

Warning: Medyo SPG :D

~~

Kendrick's POV

"You're late Mr. Adriano,"

Mas hinigpitan ko 'yung hawak ko strap ng bag ko. Oh man, hindi ko akalain na magiging pangit ang first day ko. Tss! Kasalanan 'to lahat nung baliw. Kung hindi ko hinintay siyang magising at pinaghanda ng almusal 'edi sana, hindi ako mahuhuli sa pangalawa kong subject.

Tapos, si Mr. Ramirez pa ang professor kong natapat sa akin sa Economics. Tss. Bad shot ako dito, nako.

"Sorry sir, hindi na po mauulit,"

"Just be reminded Mr. Adriano that I don't take late comers easily. This is my first and last warning, you got that boy?"

"Yes sir,"

"Where's you registration form?"

Medyo ilang akong pumasok sa room. Nakatingin kasi sa akin ang lahat ng estudyante. Hindi ko din naman sila masisi dahil ang tagal na nilang magkaka-block tapos ako ngayon lang sumalta sa kanila.

Tss. Dapat isipin ko na lang na maswerte ako dahil hinayaan ako ng Admin na mag advance ng mga units matapos kong i-tama lahat sa exam na ipinakuha nila para sa mabilisang acceleration sa course na'to dahil kung hindi baka mas malala pa ang pagtanggap na makuha ko galing sa mga freshmen.

"Mr. Adriano? You registration please." Ibinigay ko yung reg form ko kay Mr. Ramirez at naghintay ng sasabihin niya.

"Sige maupo ka na dun sa vacant seat sa likod. And try to keep up with my lesson,"

Tumungo lang ako sa kanya at dumiretso nang tingin sa ding-ding sa likod. Ayokong makipag eye contact sa mga ibang estudyante na nasa loob ng kwarto. Lalo na sa mga babaeng grabe makatingin na akala mo ngayon lang nakakita ng lalaki sa buhay nila at sa mga lalaking parang isang tingin pa lang sa akin ay kaaway na agad ako.

Tss... hindi ko talaga mainitindihan minsan kung ano ang mga tumatakbo sa isip ng ilang tao. Nung pangit pa ako, pinagtitinginan ako tapos ngayong nag ayos naman ako sa sarili ko, pinagtitinginan pa din ako. Nakakainis, ang gulo nila.

Nang marating ko ang pinakalikod, umupo na agad ako sa bakanteng silya. Nasa may pinakasulok siya at nasa may tabi ng ding-ding. Ayos na siguro 'to para wala na din akong maka-usap.

Pero wala pa ngang ilang minutong pagkakaupo ay may sumutsot na agad sa akin.

"Psst!"

Lumingon ako sa gilid ko at may nakita akong isang magandang babae. Mahaba 'yung buhok niya at medyo kulot. Maputi din siya at parang artista 'yung ganda. Nakasuot din siya ng green na dress, ewan parang 'yung mga suot ni Belle kung minsan, y'ung mga sobrang ikli at sobrang hapit ba. Nakangiti din siya sa akin na parang magkakilala kami.

Teka... si...si Glorie ata 'to ah!

Ano ginagawa niya dito?

"Hi, Jules right? Nice to meet you again,"

"K-Kendrick ang pangalan ko,"

"Eh? Hindi Jules? Saan nakuha 'yun ni Isabelle?"

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ako nakikipag-usap sa kanya. Baka magtampo na naman sa akin ang baliw at nakikihalubilo ako sa taong kinaayawan niya.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon