Chapter 8.2 [A Little Angel]

Magsimula sa umpisa
                                    


EHHHHH?

Naisahan ako dun ah! Kala ko pa naman mabait siya! Isa lang din pala siya sa mga galit sakin. Haaay.

"Class dismissed!" Haaayyy.

"Bes! Musta?" Sabi sakin ni Jade pag lapit niya.

"Eto, kailangan kong bilhin lahat ito."

"EHH? Ang dami niyan ah?  May kasama ka bang bibili?"


"Wala nga eh :< "


"Hala! Sayang. Hindi naman ako pwede kasi may family gathering kami ngayon. Sorry bes!"


"Ayos lang. Di mo naman kasalanan."


"JAAAAADE! Nandito na si Papa!" Sigaw ni Mia sa may pintuan ng classroom namin.

"Sorry talaga bes. Una na ko ha?" Tapos ayun. Umalis na si Jade. 

Pano ako ngayon? Nagpaalam pa naman mag day-off yung driver namin kasi may emergency daw. OA naman kasi sa dami yung pinapabili eh!

"Yumi, ayos ka lang?"

"Ay palaka ka!" Tinignan ko yung nagsalita. Eeek! Si Kyle!

"Di ako palaka." Tapos ngumiti siya. Haayy. Mukha talaga siyang anghel pagngumingiti.

"Sorry Kyle! Nagulat lang talaga ako."

"Ayos lang." Ngiti ulit. Yaman sa ngiti ng taong 'to ah? "Ano pala yung hawak mo?"


"Ah. Wala. Mga kailangang bilhin para sa props natin. Ako yung bibili eh."


"Ikaw lang mag-isa?"


"Oo.."


"Dami niyan ah? Samahan na kita."


"Eh? Sure ka?" Tumango naman siya. "Sige, salamat." EEEEEH! Kinikilig ako! Kahit pa sabihing natural na gentleman si Kyle at nagmamagandang-loob lang siya dahil para rin naman sa group namin 'to, KINIKILIG PA DIN AKOOO! ><

* * * 

"Ba-Bahay niyo 'to?" Gulat kayo noh? Haha. Sinabihan kasi ako ni Kyle na kung pwede daw dumaan muna kami sa bahay nila dahil may kailangan daw siyang iuuwi documents para sa school. Kasi di ba sila nga yung may-ari. ^^

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon