C12: Conflicts

Magsimula sa umpisa
                                    

"Summer, wala kang kwenta. Tignan mo, ako na ang sikat. Ako na ang nasa pwesto mo. Sa tingin mo kailangan ka pa nila? Alam mo ba ang ginagawa sa lumang damit? Tinatapon, parang katulad mo... pinagsawaan... wala ng kwenta." Naalala ko ang mga sinabi sa akin noon ni Amanda.

Maari ngang tama siya... siguro nga pinagsawaan na ko... wala ng gustong lumapit at makipagkaibigan sa isang katulad ko. Ipapaalala ko sa kanila si Summer na kilala nila dati.

The Queen is back.

"Summer."

Nakita ko si Ash na tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko. Ngumiti siya. Ang ngiti na hindi nagpapalyang magpagaan ng loob ng sino man. Sobrang nakakagaan ang mga ngiti niya.

"Ano bang nanyari sa balikat mo? Kanina ko pa napapansin yan." Napansin ko kasi na kanina pa siya nakahawak dito lalo na habang tumatakbo siya papunta sa akin. Nagulat siya sa tanong ko at tinignan agad ang balikat niya.

"A-Ah. Naaksidente lang ako kagabi. Pinagamot ko nga ka nurse kanina eh kaya hindi ako nakapasok. Ano ba talaga ang nanyari? B-Bakit ganun ang nadatnan ko? Bakit umiiyak si Denise? Nasaktan ba siya? Sinong nanakit sa kanya?" napasimangot ako sa tanong niya. Bakit iba na tong nadarama ko? May dapat na ba akong ipag-alala?

Tumahimik ako ng ilang sandali. Ngunit kahit gaano katagal ang binigay kong katahimikan, hindi ko sinagot ang tanong niya. Tinignan ko lang siya na seryosong seryoso ang mukha ko.

"B-Bakit?" tanong niya.

Kinuha ko ang kamay niya at hinatak siya palayo.


Denise's POV


Kanina pa kami dito sa Principal's office. Nasa harap namin si Chief Guevarra at kinakausap niya ang lahat... nagtatanong tungkol sa mga nanyayari ngunit wala siyang makuhang matinong sagot. Walang gustong umamin. Kahit ang nanyari kay Angie, ang tawag, pati na rin ang nanyari kay Maeri... lahat ay nanatiling sikreto ng klase.

Kahit ako, ayaw kong sabihin lahat ng nalalaman ko... mahirap na... kasama ko lang ang mga killers... nandito lang sila sa room na ito kasama ko. Natatakot ako. Sobra. Nakaalis na si Chief Guevarra at kasabay ng pag-alis niya ay nag-ring ang phone ng lahat. Sabay sabay... sobrang nakakapagtaka. Napakunot ang noo ko nang kinuha ko ang cellphone ko.


Sender: Unknown number.

Message: Natatakot na ba kayo? Higit pa diyan ang makukuha nyo kung hindi aamin ang may sala... kung hindi lalapit at magmamakaawa. Gaano ba kayo katapang? Maaring matatakasan nyo ang batas pero di kayo makakatakas sa akin.


Nanatili ang katahimikan sa apat na sulok ng kwarto.

Napatingin ang lahat nang tumayo si Anne at nilapitan si Amanda. Nagtitigan lang sila ng ilang sandali at nagulat ang lahat lalong lalo na si Amanda nang sinampal siya ni Anne.

"What the fck?!" Napatayo si Amanda at humarap kay Anne. Nanggagalaiti na ngayon ang itsura niya. Nanlalaki ang mga mata at halatang pinipigilan ang sarili.

"Huwag ka ng magkaila pa Amanda." Sabi ni Anne habang nakatingin kay Amanda nang deretso sa mga mata. "Ikaw lang naman ang kayang gumawa niyan eh. Ikaw ang killer diba?!" sigaw ni Anne sa kanya. "Kung kaya mong maging traydor noon ... mas lalong kaya mo ngayon!" Nakapaligid sa kanila ang buong klase. Sasabunutan na sana ni Amanda si Anne ngunit humarang sa kanila si Andy. Pilit niyang inaawat ang dalawang babae ngunit hindi sila nagpapapigil. Ang karamihan sa klase ay nanonood lamang.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon