Chapter 1:

7.1K 121 1
                                    

Ito siya pinagmamasdan ang bagong kasal na sila Lane at Kirro..Habang siya ay tahimik na naka upo.

Bakit ba siya nandito?

Nililipad ang buhok niya kaya hinawi niya.Hanggang sa dumako ang tingin niya kay Hunter na kanina pa siyang pinagmamadas sa malayo.

Nagtiim bagang siya sa ka tumayo sa pagkakaupo.

Bakit ba bumalik siya dito.Habang naalala niya ang nakaraan ay hindi niya maiwasan na masaktan.

Ang gusto lang ni Leigh ay kalimutan ang bangungot na nangyari.

Pero hanggang ngayon ay hinahabol siya ng nakaraan.Habang naglalakad siya ay napadpad siya sa gazebo.

Naiinis siya para kay Hunter umusbong ang galit sa puso niya.Nawala lahat ang pinaghirapan at masakit mawalan ng trabaho, bilang artista na biglang bumagsak sa industriya dahil sa scandal na kumalat.

Ilang araw na siya nito sinusuyo pero para sa kanya ay basura na ito wala itong ginawa kundi bwesitin ang araw niya.

Naalala na naman niya ang nakaraan na minsan ay hindi niya ginusto na aabot sa gantong kalala na sitwasyon.

Nagbago na ang lahat at tanging na isip ni Leigh ay ang galit,sakit at takot na muling masaktan at magtiwala na mahirap ng mabuo.

Muling nag balik ang alaala niya sa nakaraan.

***

WAlang isinayang na oras si Leigh kundi ang matapos ang shooting nila na malapit ng matapos subrang pagod na niya ngunit kailangan niyang tapusin ito upang makapagpahinga na siya at makabawi sa ilang araw na puyat.

"Cut!Good job everyone!"anunsyo ng kanilang director na siyang ikinatuwa ni Leigh..

Mabilis na inayos niya ang gamit napahikab pa siya dahil kanina niya pang pinipigilan ang antok.

Nagpaalam na siya sa kanyang Director at sa ibang kasamahan at nagtungo sa kanyang sasakyan at pinausad na patungo sa kanyang condo.

Antok na antok na siya ang gusto ni Leigh ay matulog ng buong araw at 'yon ng ang balak niya.

Nang makarating na si Leigh sa condo ay bagsak agad siya sa kanyang kama.

NAgising na siya na mga alas kwatro na ng hapon dahil hinahalungkay na ang kanyang sikmura dahil sa gutom.

Walang ginawa si Leigh kundi ang kumain at magkasarap sa kanyang pagpapahinga.Napangiti siya dahil hindi na siya magda-diet gaya ng utos ni Ree sa kanya.

Humalakhak siya sa kanyang na isip naglalaway ang banggang niya sa mgapagkain na pumapasok sa kanyang utak.

Naligo at nag-ayos siya.Nag disguise si Leigh para hindi siya makilala ng mga tao.

Gusto niyang kumain ng kwek-kwek, Isaw at kung ano-anung pagkain na siyang makita niya.

Pagbaba niya sa parking lot sumakay siya at napadpad sa bangketa at masayang kumain ng kwek-kwek,isaw,fishball hanggang sa nabusog siya.

Balak niyang pumunta sa entertainment para dalawin ang isa sa mga kaibigan niya si Becca.

Nakangiting naglalakad siya papasok hanggang napadpad ang  kanyang paa sa opisina nito.

Hindi na siya kumatok ng pumasok kaya lang sa hindi niya inaasahan na nangyari ang kanyang kaibigan na si Becca ay may kahalikan na lalaki at walang iba kundi ang kanilang boss na si Hunter mabilis na nag-iwas siya ng tingin saka siya humingi ng pasensya sa dalawa at nagtungo sa C.R.

Nasaktan siya sa nakita.

Masakit para sakanya 'yon.Pinagkatiwalaan niya si Becca sa lahat sinabi niya ang sekreto at ang nararamdaman niya para kay Hunter, pero ito lang ang gagawin nito sa kanya sinira ni Becca ang tiwala niya.

Pinahid niya ang luhang umalpas sa kanyang mata.

'Wag kang papaapekto Leigh, wala naman alam si Hunter sa nararamdaman mo maging pormal ka lang.

Pilit na ngiti lang ginawa niya sa repleksyon ng salamin saka siya lumabas ng C.R.

Bakit ba nahulog ang puso niya kay Hunter na malabong sasalo sa kanya.Bumuntong hininga siya siguro pagkatapos ng shooting nila ay tatanggapin na niya ang isa sa movie na inaalok sa kanya na isang libro na sumikat na gawa ng kanyang kaibigan na si Rose, isang Erotic novelist.

Napaisip siya bigla, dati ay simple lang pagkacrush niya kay Hunter ngunit para kay Leigh ay nagbago 'yon minsan na niyang nakasama si Hunter sa mga Program na dunadaluhan nito kapag may award itong nakukuha, napalapit siya sa lalaki na hindi niya naman inaasahan na mapapamahal na pala siya kay Hunter.

Nakita niya si Becca na papalapit sa kanya pero mabilis niya itong iniwasan, ni hindi nga niya ito tinapunan ng pansin.

Nakasalubong pa niya si Hunter na hindi man lang siyang tinapunan ng tingin kaya mas lalo siyang nakaramdam ng sakit.

Huwag kang bumigay Leigh, hindi pa ito ang oras mahaba pa ang panahon para paghandaan niya ang mga balak na matagal na niyang nabuo sa kanyang isipan.

***

Social Media Accounts.

FB:Sheandra Drilon Gevero

IG: Shasha_0109

Twitter: seandra09gevero

Villaluz Series 2: The Actress(Hunter Villaluz)Where stories live. Discover now