CHAPTER 4

32.1K 697 72
                                    

Kyla POV

Matapos nang nangyari kahapon ay hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Like Duh! Sino'ng t*ngang tao ang lalabas pa pagkatapos nang nangyari? Pinutukan ako ng baril!

Napalingon naman ako sa may pintuan ng may kumatok mula dito.

"Ma'am nandito na po ang pagkain niyo." Narinig kong sabi ng isang maid sa labas.

"I don't want to. You don't understand my pain!" malakas na sigaw ko mula sa kuwarto.

"Pero Ma'am, tanghali na po at hindi din kayo kumain kaninang umagahan." Paalala niya na lalong nakapag pakulo ng tiyan ko.

"Oh? E, ano namang pakialam mo? Ikaw ba ang magugutom? Ikaw ba ang mamamatay? Ikaw ba ang mamamatay sa diabetes?"

"Kayo po ang bahala, Ma'am. sayang kasi karne pa man din 'tong pagkaing dala ko with three cups of rice isama mo pa ang malamig na malamig na orange juice with bread and salad."

"Inaakit mo ba ako!?" tanong ko at napatayo sa pagkahiga ko sa kama.

"Ay naku, hindi po ma'am. Sinasabi ko lang ang sinayang niyo" .Tsaka ako nakarinig ng yabag papalayo kaya dali-dali akong lumabas ng kuwarto at hinigit ko ang buhok niyang naka pony sa magkabilang gilid.

"Aray, Ma'am!" sigaw nya at muntikan pang matapos ang pagkain ko.

"Ibigay mo sa akin iyan!"

"Oo na. Sandali lang. Chuu!" sabi niya at ibinigay sa akin.

Sa sobrang gutom ko ay nilantakan ko na ang nasa plato at wala akong pakialam kung pini-picturan ako ng g*gang 'to.

"Sige Ma'am, ubusin nyo na po 'yan." tsaka siya bumaba habang ako ay patuloy na lumalamon.

"Mukhang gustong-gusto mo." Narinig kong sabi mula sa likuran ko kaya naman napalingon ako kahit na punong-puno na ang bibig ko at nakakita ako ng d*monyong guwapo.

"Pake mo? Inggit ka naman. So difficult. Wala ka bang pambili?"

"A-anong--! Hoy babae, para sabihin ko sa'yo sa'kin galing 'yang kinakain mo." sabi niya.

"Oh talaga sa'yo? Ikaw ang nagtanim? Ikaw ang nag ani? Ikaw ang nagluto? Isaksak ko kaya sa'yo 'tong tinidor na hawak ko?"

"At talagang sumasagot ka pa ah, baka gusto mong tuluyan kita?" sabi n'ya na nakapag patahimik na naman sakin.

"Alam mo Zyne, biruan lang tayo dito. Tropa tropa lang. Sige, bye." tsaka ako tumakbo pabalik sa kwarto at nilock kaagad 'yon.

"Boset! Kulang pa ang kain ko eh" sabi ko at nagpalakad-lakad sa kuwarto ko ng isang idea ang pumasok sa utak ko.

Pumunta ako sa may tabi ng bintana ng kwarto ko at tinanaw kung gaano kataas ang tatalunin ko pababa.

"Easy pumpkin" tsaka ako umakyat sa tungtungan at bumwelo bago tumalon."Gotcha" sabi ko ng nagawa ko.

Tumingin ako sa paligid dahil baka may makakita sa akin at ng makita ko na wala ay napangiti ako."Clear" sabi ko at mabilis akong tumakbo at inakyat na para bang si spiderman at tinalon ang gate ng mansion ni Zyne.

Pinagpag ko pa ang dalawa kong kamay nang sa wakas ay malaya na ako sa mansion na iyon pero bago ang lahat, uuwi muna ako sa apartment ko at ng makapaligo muna.

Wala akong pera kaya naman no choice ako kundi ang maglakad papauwi. Nang malapit na ako sa bahay ko ay may nakita akong tao na pamilyar na pamilyar sa akin habang hirap na hirap sa dinadala nya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at tumalon bago sinipa ko s'ya sa mukha.

"Aray!" sigaw nang g*go.

"K-Kyla?" sambit n'ya pagkakita sa akin.

"G*go ka Nikolas" malakas na sigaw ko. "Gusto mo na bang mamatay, ha?" sigaw ko sa mukha n'ya.

"Teka naman bes, I can express."

"Anong express?"

"Ha? Basta magpapaliwanag ako."

"Tara sa bahay ko." sabi ko at nauna na maglakad.

"Ganito kasi iyon, bes." panimula n'ya ng makapunta na kami sa bahay ko.

"Hep hep!" awat ko sa kaniya

"Hooray?"

"B*bo! Maliligo muna ako. Limang araw na akong walang ligo eh" sabi ko at nakakita naman ako ng pandidiri sa mukha niya.

G*gong 'to. Nandiri pa samantalang s'ya nga natatagalan ang isang buwan na walang ligo. Ako pa lokohin ng g*go.

Umakyat ako sa kuwarto ko para kumuha ng damit at nagdaretso sa banyo. Halos isang oras din ang itinagal ko sa banyo 'yong tipong aabot ng dalawa pang araw ang amoy ko.

"Express now," sabi ko

"Ganito kasi yun bes, alam mo naman ang buhay natin diba? Hirap na hirap na ako sa buhay kaya naman kumapit na ako sa patalim"

"Buti hindi ka nagdugo. Kumapit ka pala sa patalim eh" pabalang kong sabi sa kanya

"Tch, so ayun na nga, may nakilala akong tao na hindi ko alam na sindikato pala at inalok nya ako ng trabaho. Noong una ay hindi ko alam kung anong trabaho yun kaya pumayag pero ng malaman ko na tungkol pala sa droga yun ay aayaw na sana ako pero ang sabi ay papatayin daw ako kapag daw umatras ako" paliwanag nya at kahit paano ay naintindihan ko naman.

"Pero anong atraso mo dun kay Zyne?" tanong ko.

"Ninakawan ko sya ng malaking halaga" pag amin niya.

"Oh talaga? Penge" sabi ko at nakalimutan ng tanungin kung bakit

"G*go ka din eh, 'no?" Sabi niya at bumunot ng pera sa pantalon n'ya at makapal na perang papel ang binigay sa akin.

"Tch, sibat na ako. Salamat nga pala at dumating ka do'n." sabi n'ya pero abala ako sa pagbibilang ng pera at sinenyasan ko na lang sya na umalis.

"25 thousand" pagbilang ko sa huling papel.

May pang mall na ako. May silbi din pala ang pag padpad ko sa lugar na 'yon. Kinuha ko ang lahat ng natitira kong gamit sa apartment ko at babalik na ako sa mansion.

Pumara ako ng taxi at sinabi ko ang direksyon papunta sa mansion nina Zyne. Pagkatapos kong magbayad ay pumasok ako sa gate ng mansion at pagkabukas ko pa lang ng pinto ay inulan na ako ng bala mula sa baril kaya naman nagsisisigaw ako habang nagtatago sa pader.

"P*t*ngina mo talaga, Zyne!" sigaw ko. "Papatayin mo ba ako?"

"Saan ka na naman ba nagpunta?" sigaw nya sa akin. "Gusto mo ba na putulan kita ng mga paa?" kaya naman napahawak ako sa mga paa ko.

"Umuwi lang ako sa bahay ko at naligo. Ano na naman ba ang problema mo? Nandito na ako!" sigaw ko at sa wakas ay tumigil na sya sa pagpapaputok

"You mean, hindi ka tumakas?" tanong nya at napaharap ako sa kanya

"Tumakas ako para umuwi ng bahay at maligo tsaka kumuha ng damit. At kung tatakasan talaga kita ng bongga edi sana hindi na ako bumalik diba?" naiinis kong sabi sa kaniya habang paakyat sa kuwarto ko.

"B-bakit ka bumalik dito?" tanong niya at napaharap naman ako sa kaniya.

"Hindi ba obvious?" tanong ko.

"Ano?"

"Duh! Mas malaki ang bahay mo kesa sa apartment ko, mas masarap ang pagkain dito, nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw kapag nandito ako, maliban na lang nung nag inarte ako. Sa tingin mo aalis pa ba ako dito? G*go lang?" tsaka ko sya inirapan at nag flips hair pa ako bago umakyat sa kwarto ko.

Kahit kelan talaga g*go 'yon.

🎉 Tapos mo nang basahin ang That Stupid Pervert Girl [PUBLISHED ON DREAME] 🎉
That Stupid Pervert Girl [PUBLISHED ON DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon