CHAPTER 2

41.6K 810 115
                                    

Kyla POV

Kanina pa ako sulyap nang sulyap sa guwapong mukha ni Mine habang siya naman ay kanina pa hinuhuli ang tingin ko at kapag kita niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngingiti siya sa akin at dahil dakila akong pabebe, kinilig ako in pabebe way.

"Mine," tawag ko. "Saan ba talaga ang bahay na sinasabi no'ng Direk? Magkasama ba tayo sa iisang kuwarto? Promise hindi ako behave." Kinikilig na sabi ko habang excited na hinihintay ang kaniyang sagot.

"No Kyla, hindi tayo magkasama sa kuwarto kasi ikaw ang titira doon. May sarili akong bahay pero promise dadalawin kita. Ang bahay naman ay malapit na."

"Ay, Boring naman pala kasi wala ka doon, Mine" nakanguso kong sabi.

Bakit pa kasi may bahay siya? Sana masunugan si Mine para naman doon na lang siya tumira sa bahay na sinasabi niya at para magkasama na kami.

"Okay lang iyon Kyla," sagot niya sa akin. "Kasama mo naman si Zyne"

Sinong Zyne?

"Zyne?" pagtatanong ang ko. "Mas magaling ba siya kaysa sayo?" tanong ko at napahagalpak naman ito ng tawa.

Aba, mabuti nang malaman ko para kung mas magaling si Zyne, edi sa kaniya na lang ako.

"Ewan ko," sabay kibit-balikat nito. "But I'm sure that his surname won't be Fvcker if it has no meaning." tsaka siya lumingon at ngumiti sa akin.

Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ang sasakyan ni Mine sa isang napakalaking bahay. Wait--? Bahay? May 'bahay' ba na ganito kalaki? E, parang Mall na nga ito sa laki e.

"Wow!" Namamangha kong sabi habang nakatingin sa malaking bahay o mansion na nga yata ito kung maituturing. "Ang laki naman niyan."

"Tara na sa loob." Yakag niya sa akin at pumasok naman kami sa loob tsaka namin nadatnan iyong Direk na kanina pa masama ang tingin sa amin simula pa lang ng pagpasok namin.

"Problema mo?" maangas kong tanong ang na ikinatawa naman ni Mine.

"What the-- You st*pid girl!" bawi niya at tipong lalapit pa sanan sa akin kaya naman hinanda ko ang dalawa kong kamao.

"Bukod sa top one ako noong kinder, boksingera rin ako sa lugar namin at wala pang nakakatalo sa akin." sambit ko. "Ano? Sige lapit."

"Kakaiba talaga." Bulong niya na narinig ko naman. "Hoy ikaw babae!" tawag niya sa akin. "Simula ngayon ay hindi ka na maaaring lumabas ng bahay na ito. Naiintindihan mo?"

"At bakit naman hindi puwede?" mataray kong tanong. "Ayoko sa'yo kahit na guwapo ka. Sasama ako kay Mine at magtatanan kaming dalawa at dahil pabebe ako, walang makakapigil sa akin!" sabay kapit ko sa braso ni Mine. Libreng tsansing mga 'dre.

"What the-- Mine? Seriously, Seven?" tanong ni Direk kay Mine.

"Hayaan mo na, Zyne." natatawang sagot ni Mine kay Direk. "Maganda naman si Kyla ah." Sabi ni Mine at dahil dakila akong pabebe kinilig ako in pabebe way.

Kung ganoon, siya pala 'iyong Zyne. Kung pagkukumparahin ko silang dalawa ni Mine. Aaminin ko na mas guwapo si Zyne kaysa kay Mine dahil sa bilugan nitong mga mata na itim na itim pa ang kulay. Kissable lips din ito at katamtaman ang katawan pero halata naman na may abs. Naka dagdag pa sa appeal nito ang kaniyang messy hair pero dahil loyal ako, si Mine pa rin ang pipiliin ko kung liligawan nila akong dalawa.

"D*mn it!" pagmumura nitong si Direk. "Hoy Seven, Ikulong mo iyan doon sa taas at huhuwag na huwag mong palabasin. Sumasakit ang ulo ko sa kaniya." Tsaka nag walk out si Zyne pero bago siya makalayo ay sumigaw ako.

"Anong ulo? Iyong sa baba o iyong sa taas? Iyong edukado o iyong delikado?" concern na tanong ko.

Sandali itong napatigil sa kaniyang paglalakad bago ako nilingon at pi-p*naky*han niya ako? Oh mygad. Sabi ng kapitbahay ko na kapag daw p*naky*han ka ng lalaki ay ibig sabihin noon ay gusto daw niyang makipag jugjugan sa'yo.

"Tara na Kyla, ihahatid na kita sa kuwarto mo." Sabi ni Mine kaya napatingin ako sa kaniya.

"Promise walang mangyayari?"

"Huh?" sandali itong naguluhan ngunit maya-maya lamang ay napatawa na. "Walang mangyayari."

"Ay, KJ!" sagot ko. "Bakit kasi next time pa? ngayon na, Mine, promise walang malisiya. Atin-atin lang." Tsaka ako kumindat dito pero tinawanan niya lang ako.

Zyne POV

Abala ako sa pagbabasa ng files para sa Company ko nang biglang pumasok sa office ko si Seven na akala mo ay ginahasa dahil sa itsura niya.

"Oh?" gulat na sabi ko. "Ano ang nangyari diyan sa mukha mo? Wait-- Is that a lipstick?" natatawa kong tanong ang sa kaniya.

"Si Kyla kasi hindi nakapagpigil. Dinakma ako. Kung hindi ko pa tinali sa kama hindi ako makakalabas."

Pambihirang babae. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"And about doon kay Nikolas."

"What about him?" tanong ko.

"Sinabi sa akin ni Kyla na sa dati niyang bahay ay kapitbahay niya si Nikolas. Meaning, kilala niya si Nikolas nang lubusan dahil magkaibigan din sila. Magagamit natin ang impormasiyon na makukuha natin kay Kyla para mahanap ulit iyon."

Para sa kaalaman, malaki ang atraso sa akin ni Nikolas, ninakawan lang naman niya ako ng napakalaking pera at kanina nga tinanong ko kung sino ang amo niya pero sa kamalas-malasan nabulilyaso pa dahil kay Kyla.

Napatigil ang pag-uusap namin ni Seven ng may biglang tangang babae na pumasok sa office ko na may dalang tali?

"Mine," maluha-luha na tawag ni Kyla kay Seven. "Bakit mo naman ginawa iyon? Ikaw ha. Gusto mo pala iyong mala fifty shades, sana pala sinabi mo."

"Teka, paano ka nakawala doon?'' gulat na tanong ang ni Seven.

"Bukod sa top one ako at boksingera, minsan din akong naging akyat bahay kaya sanay ako sa mga bagay na ganito." Proud na sabi nito.

S-seryoso? Nagpapasok ba ako ng magnanakaw sa bahay ko?

"Tara na Mine, ituloy na natin. Ikaw naman kasi iniwan mo ako. Nagpatali na nga ako kasi akala ko mag f-fifty shades tayo pero bigla kang tumakbo noong natali mo ako." Malungkot na sabi ni Kyla.

"Kyla may lakad pa kasi ako kaya bye." Mabilis na sabi ni Seven bago tumakbo paalis.

"Mine!" tawag ni Kyla. "Don't leave me my Christian Grey!"

Isang kapilyuhan ang pumasok sa isip ko kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa upuan ko at binuksan ang dalawang butones ng suot kong polo at lumapit kay Kyla tsaka ko siya tinulak sa pader at hinawakan sa baba niya para magtagpo ang mga mata namin.

"If you don't mind, I can be your Christian Grey my lovely Anastasia." Sabi ko bago nilapit ang mukha ko pero malakas niya akong sinuntok sa mukha!

"The f*ck!" sigaw ko matapos niya akong suntukin.

"Well, if you don't mind too, Mister. You are not my Mine so don't talk to me and i don't want to talk to you because you are not my Mine. Basic." Masungit na sabi n'ya tsaka siya umalis sa office ko at iniwan akong nakatanga do'n.

What the-- nakapag english siya ng daretso? Pero, did she just punched me!? The f*ck! My name is Zyne F*cker and no one ever did that to me!

That Stupid Pervert Girl [PUBLISHED ON DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon