Chapter 3

34K 675 33
                                    

Kyla POV

Nandito ako ngayon sa may kusina na napakalayo pala mula sa kuwarto ko haba ang nangungulangot ng mapansin ko si Zyne na dumaan.

''Zyne," tawag ko dito pero hindi ako pinansin ng guwapo kaya naman sinundan ko ito paakyat sa hagdan. "Zyne." tawag ko ulit pero dedma na naman kaya isang kapilyuhan ang pumasok sa isip ko.

Bigla kong ipinasok ang isa kong daliri sa ilong ko at nangapa ng kulangot at ng may makapa ako ay kinuha ko iyon at pinitik ko kay Zyne na tumama naman sa braso niya. Ang galing ko talaga umasinta. Talagang tamang-tama sa braso ni Zyne.

"What the h*ll?" nandidiring wika ni Zyne. "What the f*ck is this?! Gross!" sabi n'ya sa akin pero ngumiti lang ako noong masama niya akong tinignan dahil sa ginawa ko.

"Zyne nagugutom na ako. Ayaw akong pakainin noong mga maid mo." Pagsusumbong ko dito.

"Then?" pagtatanong niya na para bang wala siyang pakialam. "At bakit ka pagala-gala sa bahay ko? Pinayagan ba kitang lumabas ng kuwarto mo?" mataray na sabi nito.

"Hindi," sagot ko. "Pero nagugutom na ako tsaka wala rin akong damit. Apat na araw na nga akong hindi naliligo E." untag ko sa kaniya. G*go ba siya? Sino'ng t*ngang tao ang gustong makulong sa boring na kuwarto na iyon? Wala 'man lang T.V o Radyo. Isang kama lang tapos baniyo. Bwiset, tapos tatanong -tanong s'ya kung ano ang ginagawa ko at bakit ako lumabas? B*bo e?

"Yuck! Disgusting!" pandidiri nito. "Lumayo ka nga sa akin." Pagtataboy n'ya at nagtakip pa ng ilong bago ako talikuran at lumayo.

"Hmp! Ang sama ng ugali mo!" nakanguso kong sabi tsaka tumalikod na rin at tsaka ko kita si Mine na siyang nakapagpaliwanag ng madilim kong mundo.

"Mine!" nagagalak na sigaw ko at nagtatakbo papalapit sa kaniya bago yumakap.

"Hoy, Seven! huwag mo nga yakapin ang babaeng iyan. Nakakadiri. Hindi pa naliligo ng apat na araw!"

Ohmygad! Bakit n'ya sinabi? Sinisiraan n'ya ba ako kay Mine? Wala na, turn off na siya sa akin.

''Ow? Halata nga sa amoy.'' Pagtawa ni Mine bago bumitaw ng yakap sa akin dahilan para mapasimangot ako. Nakakainis naman kasi itong ZYne, nagseselos yata sa amin ni Zyne kaya ako sinisiraan.

"Kayo kasi, kinidnap niyo ako ng wala akong dalang damit tapos makiki-amoy na nga lang kayo, mag rereklamo pa kayo? Respeto, ha.'' pagsabi ko nang biglang tumunog ang tiyan ko.

"Gutom na ako." Bored kong sabi nang nagreklamo na naman ang tiyan ko.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ang sa akin ni Mine.

"Ayaw kasi akong bigiyan ng pagkain ng mga maid. Ang sabi nila, hindi daw sila pinayagan ng g*gong ito na bigyan ako ng pagkain." Sabi ko sabay turo kay Zyne para malaman n'ya na s'ya ang g*gong sinasabi ko. Papatayin ba niya ako sa gutom?!

"Aba't--

"Oh bakit? Kakasa ka?" tanong ang ko nang may bigla siyang binunot sa likod niya at tinutok niya sa akin tsaka ako nakarinig ng pagkasa ng b-baril?

"Oh? Naikasa ko na, Putok na lang ang kulang. Iputok ko na kaya sa'yo para okay na?" tanong niya na nakapag patahimik sa akin.

"T-teka, Alam mo ba iyong kasabihan na biruan lang, walang personalan?"

"No, at wala akong balak."

"Pero ngayon narinig mo na. Kaya ibaba mo na iyang hawak mo dahil nagbibiruan lang naman tayo." Kinakabahan kong sabi pero poker face pa rin si Lady Gaga.

Jusko, kinakabahan ako. Paano kung iputok nga niya? Sasabog ang utak ko. Kakaunti na nga lang ang laman. Tsaka okay lang sana kung iyong iba ang putok e, iyong tipong sarap ang mararamdaman ko. Ang kaso mukhang hindi sa sitwasyon kong ito. Ang kaibahan nga lang, ang putok ni Zyne sa heaven ang dala ko, ang putok naman na sinasabi ko heaven din ang dala sa akin pero huwag naman sana iyong literal na heaven.

"M-Mine." Pagtawag ko kay Mine pero ang hayop nakaupo na sa sofa at kumakain ng popcorn. Kung binibigiyan niya kaya ako? Ang dupang talaga!

"Z-Zyne, natatakot na ako. I-ibaba mo na iyan." sabi ko.

"In one condition."

C-condition? Ano ba ang condition iyan? Conditioner? Kung sabagay, mukha ngang gumagamit no'n si Zyne kasi ang smooth ng buhot niya. Mukhang madulas.

"A-ano?" kinakabahan kong tanong habang nakatitig sa baril ni Zyne na nakatutok sa akin.

"Bumalik ka sa kuwarto mo at huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi."

"Pero gutom na ako!" pagdadabog ko pero isang malakas na tunog at putok ng baril ang nakuha ko mula sa kan'ya.

"P*tang*na!" sigaw ko nang bigla niyang iputok ang baril niya sa paanan ko na kung hindi pa ako nakatalon ay malamang danak na ang dugo ko.

"Manang, pakainin niyo nga po muna ito bago niyo ikulong sa kuwarto niya." Sabi ni Zyne at maya-maya ay ibinaba na niya ang baril niya kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.

"Now, go!" Sabi niya sa akin kaya naman nagtatakbo na ako sa kusina at kumain bago pumasok sa kuwarto ko pero bago iyon ay sumigaw ako.

"Mine, break na tayo!" sigaw ko kay Mine na nakapagpatawa sa kanilang dalawa.

Hapines ang mga fre.

February 23, 20** Relationship Over. Single na ulit ako. t*nginang twentitri iyan. Na tyempuhan ako! 

Ngayon na nandito na ako sa loob ng aking kuwarto ay naiinis akong umupo sa aking kama habang naka crossed-arms at naka pout dahil pakiramdam ko ay cute ako sa ganoong anggulo. Kung sakali man talaga na tinamaan ako noong bala ng baril ni Zyne ay marahil ay iika-ika ako ngayon at hindi makalakad. Nagkapagtataka lang na kahit ang lakas noong tunog ng baril ay bakit parang hindi man lang nagulat ang mga kasambahay ni Zyne dito. Ganoon ba talaga sila ka-bingi para hindi marinig iyon o normal na lang sa kanila ang ganoong pangyayari?

"Killer siguro iyon?" hindi ko siguradong tanong sa aking sarili. 

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto para naman kahit na hindi ako makalabas ay may magawa ako. Sana nga lang ay palabasin pa rin ako ni Zyne nang walang nakatutok na baril sa akin na handang pumutok anomang oras.

That Stupid Pervert Girl [PUBLISHED ON DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon