Halos napangiti ako sa aking narinig pero Ramdam ko pa din ang matinding Galit, Galit at tuwa ang nararamdaman ko.

Galit Dahil sa nangyari sa akin pero Tuwa Dahil Nakakasiguro akong Hindi makaka-Graduate ang lahat ng Gumawa nun sa akin lalong lalo na sila Lorna at mga kaibigan niya.

"Yes ma'am!"


Ken POV

After namin makalabas nang Principal office ay nakita kami ni Lorna at naruhina, Iiwas ko sana si Ambo pero mabilis siyang lumapit kay Ambo at niyakap niya ito

"Ambo...alam ko na ang totoo,bulag ka" Malungkot na sabi niya

Napataas ang kilay ni ambo sa kanya kahit  di siya nakikita"Eh ano ngayon sayo,Ano naawa ka?!tsk!Well Hindi ko kaylangan ng awa mo!"

"Please Ambo,makinig ka sa akin..wala talaga akong kinalaman sa nangyari!Ambo ma-"

"STOP LYING LORNA!hinding-hindi na ako maniniwala sayo" sigaw ni Ambo sa kanya "Ken ilista mo ang pangalan nilang magkakaibigan bukod lang kay naruhina"

"Yes Of course"

"Anong ililista?"

"Nagpalista ang Principal ng mga taong may kinalaman sa nangyari sa akin and I will sure you na Hindi ka makaka-graduate! KAYO NG MGA KAIBIGAN MONG BASURA" Naka ngiting sabi ni Ambo pero nakikita ko sa kanya ngayon ang Matinding Galit.

"Ambo wala kaming kasalanan maniwala ka naman please!" Sabi ni lorna at kita ko ang pagtulo ng kanyang luha." Ambo maniwala ka, hindi ko magagawa yun kasi ma-"

"Shut up!Tara na ken!I Don't have a time For this kaya umuwi na tayo!" sabi ni Ambo at inalalayan ko sya sa paglalakad

  Dumating ang gabi at nire-review ko ang video nang cctv noong prom, nagtaka ako dahil pilit kong tinitignan kung anong ginagawang masama nila lorna at nang mga kaibigan niya pero wala akong makita, ang nakikita ko lang ay nag aayos sila nang pagkain,kumakain at nag se-selfie.
si lorna naman ay kasama lamang ni ambo at nagsasayaw Dahilan para labis akong naguluhan.

Muli kong ni-review ang video at nakita ko sila christian at barkada niya, muli kong naalala ang sinabi ni lorna na wala silang kasalanan at napaisip ako kung totoo ba iyon o baka si christian at barkada nito lang talaga ang inutusan niya para gawin iyon upang hindi siya mapagbintangan?

"sa-sabihin ko kay ambo ang tungkol dito"

After ko mag lista nang pangalan ay nagpahinga muna ako,pumunta ako sa ref at kumuha nang pagkain at juice

"Bro gusto mo ba kumain?"tanong ko kay Ambo na nakaupo lang.

"No"

"Ah ngapala may sa-sabihin ako sayo,i'm sure hindi ka makakapaniwala sa-"

"Napaka sinungaling talaga ni Lorna,akala niya maniniwala ako sa kanya na Wala siyang kasalanan tsk napakasama niyang babae!katulad din siya nang iba.magmula ngayon ken huwag mo nang babanggitin ang pangalan niya sa harap ko"

"Huh...Okay"

"Ano nga pala ang sa-sabihin  mo?" tanong niya

'hmmm...'Sa-sabihin ko ba o hindi' tanong ko sa isip ko."Ah nakalimutan ko na eh hahaha ulyanin na ako"

"Pwede ba uminom ka nga nang  Barley  para hindi ka maging makakalimutin!"

"Hahaha Okay lang yan,hindi nakaka-bawas nang kapogian ang pagiging makakalimutin" Biro ko

"Ang hangin mo pa din,haha pero Maraming Salamat sayo kahit wala na akong nakikita Nandiyan ka pa din Hindi mo ako iniiwan"

"Hahahha Ewan ko sayo,Ang Drama naman nang Bestfriend ko hahaha sige mag li-lista pa ako" sabi ko at hinatid ko siya sa kwarto upang matulog na siya at ako ay patuloy parin sa Pag lilista at pag re-review nang Video.

--

A few days later came the long-awaited day for all,The Day Of Graduation.Ang Lahat ay masaya bukod lang kay Ambo dahil narinig niyang tinawag sa Stage ang Pangalan nila Sassy,Mira at Lorna.Nagalit siya kay ken nang oras na iyon dahil hindi ginawa ni ken ang paglista sa pangalan nila Lorna pero kaagad niya din itong pinatawad nang maisip niyang tama lang ang ginawa ni ken para sa Paghihiganting gusto niya nang oras na iyon.
After graduation ay masayang masaya sila lorna at mga kaibigan niya dahil dumating sa Graduation ang mga magulang nila pero habang masaya si Lorna ay nakita niyang paalis sila Ken at Ambo,hinila niya si Naruhina at hinabol nila sila Ken at Ambo at laking gulat nila nang makitang may kinuhang mga maleta si ken sa Security guard at inilagay niya ito sa kanyang kotse namay iba nang Driver.noon din ay nalaman niya ibinenta na ni ken sa iba ang kanyang Kotse at nakiusap lamang ito sa pinagbentahan na ihatid sila papunta airport,lumapit si ken kay naruhina at pinitik ang noo nito"Good bye...the word I hate the most,since my dad died,so what can I say...hmm...Hanggang sa muling pagkikita,Pangako Babalik ako :) "iyon ang salitang sinabi ni ken noong oras na iyon at tuluyan na silang lumisan ni Ambo.

Nerd and the The Bully GirlWhere stories live. Discover now