[Ch.37] Patched Up

Start from the beginning
                                    

“Oo,” maikli kong sagot.

“Yes!” sigaw niya. Bahagya pa nga akong napalayo nang hilig sa cell phone ko nang sabihin niya ‘yon dahil sobra yatang napalakas. “Kita naman tayo!” Napasimangot naman ako nang sabihin niya ‘yon. “One week na lang mahihiwalay na si Liz sa atin! Kailangan natin ‘tong sulitin.”

“Ella,” I called her using her name, “Pagod pa ako sa biyahe.”

“Hindi ko naman sinabing ngayon, ah! Bukas! I’ll text you the details and you can’t say no, Bes.” She hanged up. Napa-iling na lang ako. Maybe being with them would make things a little lighter for me. Siguro nga, sana nga.

Bago ako bumaba ay sinulyapan ko ang pintuan ng kwarto ni Paolo. Nasa labas pa ng kwarto niya ang mga gamit namin. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mainit na likido sa pisngi ko. Agad kong pinunasan iyon. I’ll miss every moment we have shared, Paolo.

“Si Paolo naman ay kararating lang, umalis na naman!” sabi ni mama habang ipinaghahanda niya ako ng makakain. Napatingin ako sa kanya. Wala si Paolo sa kwarto niya?

“S-saan po pumunta?” I asked.

 “Sa Ilocos. Sa Tita Lorraine ninyo. Babalik din naman daw siya agad.”

“Bakit daw po?” usisa ko. I was biting my lip to stop any urge for me to cry. Ewan ko ba pero naiiyak na lang ako nang walang dahilan. Gusto ko siyang makita. Gusto ko nariyan lang siya. Kahit hindi niya ako pansinin, basta malapit siya sa akin…

“Ewan ko roon. Kumain lang saglit at umalis na agad. Hindi naman siya mago-ovenight doon.”

Napabangon ako sa sofa namin nang marinig kong may nagbubukas ng pinto. Maga-alas singko na pala nang umaga. Naka-on pa rin ang TV. Ito kasi ang dahilan kung bakit hinayaan ako ni mama na hindi muna matulog kagabi. Nagsalang kasi ako ng DVD ng isang Koreanovela na hindi ko naman alam kung ano. Dinahilan ko lang na tatapusin ko ito kahit na gusto ko lang namang hintayin si Paolo na umuwi.

“Aya.” Bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita niya ako. “What are you doing here?” sabi niya habang sinasara ang pinto.

“Waiting for you,” I told him straight. Umiwas ako ng tingin.

Nilapitan niya ako at umupo siya sa tabi ko. “Remember what we’ve agreed upon?” tanong niya sa akin na may tono na para ba akong bata at mayroon siyang itinuturo sa akin na dapat kong intindihing mabuti. His voice was very soft.

Tumango ako. “Pero Paolo, I don’t think I can do it.”

He shook his head. “You can, you just don’t want to.” Narinig ko ang paghinga niya nang malalim bago magpatuloy, “Umakyat ka na at matulog. Don’t waste your time on me.”

Napataas ang kilay ko. “You call all these wasting of time? Then news flash, Paolo: I’m willing to waste all my life.”

“But you won’t. I won’t let you to.” Pinatong niya ‘yung kamay niya sa ulunan ko. “I love you. I did. I do. I will. But what we had was enough, Aya. At least you know, and please do remember this, I will always love you. That’s one thing that wouldn’t change. Kaso tapos na, time’s up na. It would be hard, but we have to.”

He's My Cousin!Where stories live. Discover now