CHAPTER 42: Jana's Face

Depuis le début
                                    

Pulang pula ang mukha niya at nakahawak siya sa kanyang bibig. Natulala naman ako sa kanya. Ang ganda niya!

"OMG! Kier!"

Pinapasok ako ng bouncer sa backstage para hindi pagkaguluhan si Valerie kung lalabas pa siya sa kinaroroonan ko.

Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang dala dala kong bouquet kahit hiyang hiya pa ako.

"Uhmm... Para sa'yo nga pala."

Mukhang kinilig naman si Valerie sa ginawa ko. Nakangiti niyang niyakap ang binigay kong bouquet, "Yiieeh! Ano 'to? Thank you, Kier!"

Tumingin ako sa paligid at kunwaring may hinahanap.

"Nasaan si Shane?"

Tumawa naman si Valerie, "Joke lang 'yon. May meet and greet siya sa MOA hindi talaga siya pupunta."

What? Naisahan ako ng dragon na 'to a.

"Pero mukhang effective 'yong joke ko," sambit niyang muli. "Napapunta kita dito."

"Huh? So gusto mo lang ako papuntahin dito. Bakit naman?" Tanong ko.

"Na-miss kita."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ngiting lagpas pa sa tenga.

"May gagawin ka ba pagkatapos ng show?" Tanong ko kay Valerie.

"Bakit? Lalabas ba tayo?" Tanong ni Valerie.

"Hindi, uuwi na kasi ako e." Tumawa ako at pabiro niya akong pinalo sa braso. "Joke lang! Oo sana, kung pwede ka."

Ngiting ngiti naman si Valerie, "Sige magpapa-alam lang ako."

Bumalik si Valerie sa room nila pero bago 'yon lumingon muna siya sa akin.

"Kier!"

"Yep?"

"Bakit ang pogi mo?"

Nginitian niya ako at pumasok siya sa room nila. Naiwan naman akong ngiting ngite.

Pagbalik niya ay pumunta kami sa isang korean fine dining restaurant. Ayaw niya dito dahil 'di naman daw kailangan na sa mamahalin pa pero no choice kami. Pagkakaguluhan siya sa public places eh. At least dito malaya kaming makakapag-usap.

We spend the night eating her favorite food, talking about us and our adventures, at siyempre asaran. Hindi talaga mawawala sa amin 'yon.

Pagkatapos ay hinatid ko siya sa kanilang bahay. Naging napakasaya ng gabing iyon para sa aming dalawa. Sana tuloy tuloy na.

***

Kinabukasan, balik trabaho. Siya naman balik pag pe-perform.

Matapos ang mahabang araw ng trabaho sa opisina. Time to attend my last appointment which is a dinner with Agent Mia.

Bago ako pumunta nag-message ako kay Valerie.

Me: Dragon, may dinner nga pala ako with the NBI agent na nag ligtas sa atin kay Andrew.

Valerie: Sige. Ingat ka ah. Thank her for me. Kami na next na sasalang after ni Shane.

Me: Sige. Galingan mo. See you again. Soon.

Lumabas ako ng opisina at nagpunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Agent Mia. Buti na lang napagbigyan niya ang alok ko. 

Nauna ako sa restaurant at umupo sa pina-reserve kong upuan para sa amin.

Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin siya. Napatingin na lang ako sa aking relo. Naiinip na talaga ako.

"Late na siya. Ang tagal naman niya. Sana naman hindi ako indyanin 'non."

Until I'm Over You (Published under LIB)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant