"Kung ganon, ano ang ipapakahulugan mo don?", Panghahamon pang tanong ni Hunter. Muli niyang tinungga yung beer.

"Hey, hey... Tama na yan. Sumasakit na ang ulo ko sa inyo. Kanina pa kayo nagbabayangan diyan.", Singit na rin ni Lennox.

Narinig ko ang "Tss!", ni Hunter at Light.

"Kahit ang pamilya ko nag-propose na rin sa kanya. They really love her at talagang gusto siya ng parents ko para sa akin. Ganoon din naman ang pamilya ni Lei sa akin. Halos ipagtulakan na nga nila kami sa isa't-isa, eh. That's why, hindi ako susuko sa kanya.", Pagsasalita pang muli ni Light.

Tumingin ako kay Hunter. Nakita kong umigting ang mga panga niya habang masamang nakatingin sa bestfriend ko. Masama ba loob niya sa sinabi ni Light? May nararamdaman pa ba siya sa akin? Dahil kung wala, bakit ganoon na lang siya maka-react, hindi ba? Pero sinabi niya ring nakalimot na siya at wala na akong karapatan pa sa kanya.

I came to terms with the fact that I deserved everything that has happened to me. It was my mistake. I ruined our relationship. With my luck, God had only punished me by Hunter's avenge and enduring the worst.

It was at the time I felt the emptiness and the countless questions came to mind.

Why keep being in agony any longer?

Inagaw ko kay Light yung beer niya saka ko iyon walang humpay na tinungga. Ni hindi ko na nga ito nakitang napanganga habang pinanonood akong inuubos yung beer niya.

"Hailey!", Tawag ni Trisha sa pangalan ko.

Nang makita ko pa ang beer sa mesa ay agad ko iyong kinuha bago pa ako mapigilan. One shot ko iyong ininom.

Padarag kong inilapag ang bote ng beer na wala ng laman sa mesa. Tuwing naiisip ko ang lahat ng katangahan ko ay gumagapang sa katawan ko ang kaba sa nadaramang galit at inis sa aking sarili. Nagngingitngit ako sa sobrang galit na nararamdaman.

Kalaunan ay natagpuan ko ang sarili kong tila ba gumuguho ang paligid. Masyado iyong magalaw at malikot. Ilang beses pa akong kumurap subalit lalo lamang iyong dumagdag sa pagkahilo ko.

"Ihahatid na kita.", Duet nung dalawa.

"Leave her alone, man. Ako na ang bahala sa kanya.", Ani Light.

"I can't trust a guy like you. She's going with me.", Sunod na pagsasabi ni Hunter.

"Mga sakit kayo sa ulo.", Napapailing na tanong ni Xander at Lennox.

"Who will you choose, Hailey?", Nag-aalalang tanong ni Trisha.

Nang lingunin ko ang dalawa kapwa sila seryosong nakatingin sa akin.

Ang sagot, wala! Ginulo ko pa ang buhok ko sa pagkairita pero bago pa ako makalagpas sa kanila ay pareho nilang hinawakan ang magkabilang braso ko. Sa kaliwa si Light at sa kanan si Hunter.

Wala na akong nagawa pang hilahin ako ni Hunter saka padarag niya akong hinila palayo. Hindi ko nga alam kung paanong sa konting panahon ay nasa loob na ako ng ferrari niya.

Tinitigan ko siya ng masama. Tumingin siya sa akin ng walang emosyon.

Tsk! Asar talaga ang mukha niya ngayon. Nagmana na ata kay cyborg, eh!

Bago pa nito paandarin yung sasakyan niya ay hinila ko agad ang kamay niya.

Maybe this is my chance... to tell him how I really feel....

Kaya nga uminom ako ng beer kanina upang madagdagan ang determinasyon kong masabi iyon.

"H-Hunter...", Panimula ko.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now