Kabanata 4

101 6 0
                                    

Iron's POV

Nakaramdam ako ng gutom kaya bumangon na ako at bumaba. Tinignan ko ang orasan namin at alas-sais na pala ng umaga. 8 pm na pala kami nakauwi ni kuya kagabi.

Pagbaba ko, nakita ko si mommy na nagluluto ng aalmusalin namin. Napansin ko na si mommy lang ang mag-isa kaya tinanong ko siya kung nasaan si daddy.

"Hi my good morning! Asan nga pala si daddy? Tsaka ano niluluto mo?" Usisa ko

"Good Morning rin anak, nauna ng umalis. May emergency meeting raw sila together with the board of directors. Adobong manok anak. " Sagot ni mommy

"Mukhang masarap." sabi ko sabay halik sa noo ni mommy.

Habang hinihintay kong matapos magluto si mommy, inopen ko muna yung facebook ko, as what I expected, ang dami ko na namang friend request, tapos puro babae pa. Tsk. Pogi ko talaga.

Habang ini-iscroll ko ang newsfeed ko, biglang may nagpop-up na notification kaya binuksan ko ito. Nagulat ako kasi si Ashton Villa ang nagsend ng friend request, ang traydor naming kaibigan. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagiscroll sa feed ko. 

"Anak, kain na tayo, gisingin mo na ang kuya mo at sila Rica." Utos ni mama

"Sige po." sagot ko

Umakyat na ako at kinatok ang pinto ni kuya.

"Dude, gising na raw! Kakain na!" Sigaw ko

Naghintay ako ng sandali at inulit ang pagkatok.

"Oo sandali! Pababa na!" inis na sigaw ni kuya

Napakamainisin niya talaga, pinuntahan ko na ang room nila Rico at ginising na.

Bumaba na ako kasama sila Rico at sinabi kay mommy na pababa na si kuya.

Naghain na kami at umupo na, syempre kwentuhan kami ng mga nangyari sa school kahapon.

"Akala ko ba susunod ang kuya mo Iron?" tanong ulit ni mommy.

"Pababa na raw po siya, wait, akyat ko po ulit." sabi ko.

Umakyat ulit ako at tumungo sa kwarto ni kuya. Kakatok na sana ako ng may narinig ako na parang iyak.

"Dude? Tinatawag ka na ni mommy!" Tawag ko. Anyare dun?

"Sige pababa na!" Sagot niya

Rafael's POV

Itinulog ko na lang yung sakit na naramdaman ko sa likod kagabi.

Medyo napasarap yung tulog ko non pero may nangistorbo na naman.

May kumatok ng malakas at panigurado, si Iron na naman ito. 

"Dude gising na raw!! Kakain na!" Sigaw ni tukmol

Hindi ko ito pinansin at itutuloy sana ang pagtulog pero mas lumakas ang katok nito.

"Oo, sandali! Pababa na!" Inis kong sigaw

Babangon na sana ako pero bigla na namang sumakit yung upper right portion ng likod ko kaya napaiyak na ako sa sakit.

"Aray ko fvck!" pabulong kong daing.

Umiiyak na ako sa sakit ng kumatok ulit si Iron.

"Dude? Tinatawag ka na ni mommy!" sigaw ni Iron.

"Sandali, pababa na" sigaw ko pabalik

Nang medyo nawala na yung sakit, bumaba na ako kasi baka pagalitan pa ako.

"Kuya, bakit ang tagal mo po bumaba?" Tanong ni Rico

"Medyo napagod lang si kuya kaya nahirapan akong bumangon." Sabi ko

"Hi my,Hi dy,Good evening!" Bati ko sabay halik

Nagdasal muna kami bago magsimulang kumain.Habang kumakain kami bigla namang nagtanong si tukmol.

"Dude bat ka umiiyak kanina?"

Nagulat ako kasi akala ko di niya narinig yun. Nagisip agad ako ng pwedeng ipalusot.

"Ah, ringtone lang yun ng phone ko." Sagot ko at kumain na lang para di na ulit sila magtanong.

Pagkatapos kumain, dumiretso muna ako sa study room para magadvance study tungkol sa subject namin. Habang nagbabasa ako, napaisip naman ako kung bakit sumasakit likod ko.
Siguro cause yun ng natutuyuan ako ng pawis sa likod kapag nagbabasketball kami ni Iron. 

Nagulat na lang ako kasi biglang may tumulak sakin, paglingon ko si tukmol tawa ng tawa.

"G*go!" Sigaw ko

"HAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA" tawa nito

"Manahimik ka nga! kita mong nagbabasa ako rito. Attention seeker?" inis kong saad.

"Ang epic ng mukha mo!" Sigaw nito

Di ko na lang pinansin para manahimik na yan at iginugol ko na lang sa pagbabasa ang libre ko pang oras.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong magse-seven am na pala. Kaya tinawag ko na si Iron na linisan na ang dalawa.

Habang nililinisa ni Iron ang dalawa, inayos ko naman ang mga uniform naming apat. Buti na lang at natapos ko ito agad kaya nagkaroon pa ako ng time to check my social media accounts. 

Habang nagchecheck ako ng newsfeed ko, nakita ko na naman ang mukha ni g*gong Ashton na to. Nabadtrip na naman ako kaya hinintay ko na lang silang matapos.

Iron's POV

Pagkatapos kong pagtripan si kuya, bumaba muna ako sandali para magtoothbrush. After nun, tinawag ako ni kuya para liguan na ang dalawa. Binilisan ko ang pagligo rito kasi baka malate na naman kami. After ko silang liguan, pinapunas ko na sila ng towel at hinanap na ang damit nila. Buti na lang at niready na 'to ni kuya. Binihisan ko na sila para makaligo na rin ako, tinignan ko ang oras at nagulat ako kasi 7:32 am na pala. 

"7:32 am na pala! Baka malate kami. Ang bilis talaga ng oras." bulong ko sa sarili

Hinanda ko muna ang mga gagamitin ko at naligo na.

The Hidden SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon