THE FINAL CHAPTER

Começar do início
                                    

May mga pangyayri lang talaga na ginagawa ang tadhana para subukan sila. At isa na roon ang paghihiwalay ng landas nila. At pinapangako niyang hindi na muling mangyayari iyon. Kamatayan na lang ang makakapaghiwalay sa kanila.

Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan tanaw niya ang bintana ng kwarto kung nasaan si Abigale Marie.

Kamusta na kaya ngayon ang bride niya?

NAKATANAW si Abigale sa bintana. Hinihintay niyang dumungaw si Timothy sa bintana ng kwarto kung saan ito pinatuloy ng ina. Kasal na nila ngayon, ito na ang oras na pinakahinihintay niya. Ang oras na maging pormal siyang kabiyak ni Timothy. Hindi lang bilang ina ng mga anak nito kung hindi ang asawa nito.

Sa loob ng dalawang taon ay naging napakasaya ng pamilya nila. Nangangamba man mula kay Gabriel ay mas pinili na lang nilang mamuhay ng normal. Hindi man naging madali ang buhay sa paglipat niya sa bansang ito ay nasanay rin siya. Mapayapa ang bansang ito, maayos ang pakikitungo sa kanya ng mga tao. Malayong-malayo sa nangyari sa kanya sa Japan. Mabuti na lang at kasama niya si Timothy kaya naman nawala na ang takot niya na tumapak sa ibang bansa. Halos lahat ng mga home owners ay mabubuti ang pakikitungo sa kanya, kahit na walang siyang dugong griyego. Alam niya na kung bakit nalapit na sa kanyang mommy Trinity ang bansang ito. Bukod sa napakaraming lugar na magagandang mapuntahan ay mababait ang mga tao.

Mabuti na lang at nakilala ng kanyang ina ang mga magulang ni Timothy. Paano na lang kung hindi, edi sana ay hindi sila pinagtagpo ng tadhana.

Napatingin siya sa engagement ring na ibinigay sa kanya ni Timothy.

Hindi naituloy ang pagpapakasal nilang dalawa sa Pinas. At buong akala niya ay hindi na iyon matutuloy kailanman. Naging busy kasi masyado si Timothy noong mga unang taon na naging presidente ito ng Hellenic Village.

Kaya naman nagulat siya ng biglang mag-propose ito sa kanya noong pumunta sila sa Prague two months ago. Buong akala niya ay isasama lang siya nito sa isang business-related charity ball. Pero nagkamali siya. Tumakas sila sa charity ball na dapat attend-an ni Timothy at inikot siya nito sa magagandang lugar sa Prague. Kasama na roon ang charles bridge kung saan ito nag-propose. Wala ng masyadong nagdaraan doon ng gabing iyon dahil malalim na ang gabi.

Hindi niya inakalang magpo-propose sa kanya si Timothy. Akala niya ay kinalimutan na nito ang pangarap niya. Ang pangarap ng halos lahat ng kababaihan.

"You're so beautiful Lady Abigale Marie." wika ng babaeng naglalagay ng make-up sa mukha niya.

Nginitian niya lang ito. Saka tinignan ang repleksyon sa salamin. She looks like a princess now. Her black hair dyed into blonde. The head dress is a crown that was also wear by her mother-in-law, Trinity on her wedding day. She's admiring herself now.

"C'mon Lady Abigale."

Tinulungan siya ng make-up artist na tumayo. Iniharap siya nito sa malaking salamin. Mas lalo lang siyang namangha sa sarili. Hindi niya akalaing sarili niya ang nakikita niya sa salamin. Her wedding dress is a lace long sleeve and sexy backless wedding dress with a cascading ruffles tiered skirt.

"You are an epitome of beauty. Are you a daughter of Aphrodythe? I envy your body and beautiful face." pambobola pa sa kanya nito.

"Hey woman!"

Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Queen Trinity kasama ang mga kaibigan ni Abigale na babae.

Nakakunot ang noo ng reyna habang naglalakad papalapit sa kinaruruonan nila.

"Spit on her three times!" utos nito sa make-up artist.

Parang natauhan ang babae kaya sinunod nito ang reyna.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora