THE FINAL CHAPTER

Start from the beginning
                                    

"Ang weird ng mga tradisyon sa wedding niyo Tim. Hindi ko alam na may ganitong klase pala ng tradisyon na meron dito sa mundo. Sobrang weird." komento naman ni Sebastian.

May dinukot sa bulsa si Sebastian. Isa iyong box na kulay blue.

"Inabot sa akin 'to ni tita." inilabas nito ang laman ng box at inilagay sa bulsa ng kanyang suit jacket. "A piece of iron to ward off the evil spirits."

"Hindi naman evil spirits ang dapat na itaboy. Buhay pa 'yung evil na dapat mawala sa landas niyo ni Abigale, Tim." singit ni Keisaki habang dala ang kanyang sapatos na susuotin. Naupo siya sa gilid ng kama upang masuotan siya nito ng sapatos. "At sana lang hindi niya guluhin ang kasal na 'to."

"I'll assure you he will never gonna step to this country land again." nakangiting wika naman ni Jaxon. Ang may-ari ng pinakamalaking airlines sa Greece.

"Do you have any news about that guy Tim?" tanong ni Orion. Nitong nakaraan lang narinig ni Orion ang tungkol sa nangyari kila Tim at Gabriel. Wala kasi itong balita tungkol sa mga pangyayari sa eleksyon magta-tatlong taon na ang nakalipas. "Just tell to me if that guy messed with you again. I'll chase him. My gun misses to shot the head of assholes."

Tumayo si Keisaki dahil tapos na ito sa pag-aayos ng sapatos niya. Umakto itong nagtataboy ng malas gamit ag isang panyo.

"Bad vibes! Bad vibes!" wika pa nito habang patuloy na giagawa ang ka-weird-duhan nito.

"Ano ba?! Keisaki!" anas ni Orion ng sa kanya naman hinahampas ang hawak na panyo.

Nagtawanan silang magkakaibigan maliban na lang sa dalawa.

"H'wag mo ngang dalhin dito ang pagiging gangster mo." masungit na wika nitong si Keisaki.

Kinagat ni Orion ang kanyang pang-ibabang labi at iningusan ang kaibigan.

"Psh, I'm a mafia boss son. What do you expect from me? I admit I'm a ruthless and merciless person. It's on my blood." parang proud pa na wika nito.

It's Orion. The only heir in their clan. Hindi lang ang kompanya nila ang mamanahin niya, kasama na rin ang mafia group na binuo ng kanyang lolo sa tuhod. Ipapasa ito sa kanya ng kanyang ama sa tamang panahon.

"You're giving us goose bumps."

Tumingin si Timothy sa kaibigan. Nang mapatingin rin ito sa kanya ay nginitian niya ito.

Orion is one of his good friend. Kaya kahit alam niyang marami na itong napatay ay malapit pa rin ito sa kanila. His family was one of the hidden protector of the Vidales'. Naputol lang iyon ng humina ang mafia ng ama ni Orion. Dahil sa nakapangasawa ito ng isang pinay na walang kaalam-alam sa kanilang lihim. Kinailangan magtago ng pamilya ni Orion dahil sa kasalanang nagawa nito sa pamilya ng babaeng dapat na pakakasalan nito. Mas pinili ng kanyang ama ang kanyang ina kaya nawala ang malakas na grupo na meron sila.

Ngayon ay paunti-unti na silang bumabawi. Binawi ni Orion ang dati'y sa kanila.

Nilibot ni Timothy ang kanyang paningin. Ang mga kaibigan niyang maasahan sa oras ng pangangailangan. Hindi huwad katulad ng inakala niyang kaibigan na ngayon ay banta pa rin sa mga buhay ng pamilya niya.

"Ready ka na bang matali bro?" tanong sa kanya ni Dray.

"Very ready."

Matagal na siyang ready. Kahit siguro noong panahong grade one pa lang siya at tatanungin siya ng ganito ay iyon pa rin ang isasagot niya. Matagal niya ng mahal si Abigale Marie. Nasa sinapupunan pa lang sila ng kanilang mga ina ay nakatadhana na ito sa kanya. Kaya naman binantayan at minahal niya ito ng todo.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now