Chapter 1 Itigil ang kasal!

Magsimula sa umpisa
                                    

Asahan mong ako’y di hahadlang…

Narating ni Julia ang groom ang kinuha ang braso nya mula sa kanyang ama. Nakita pa nyang napaiyak ang nanay nya sa tuwa habang sya naman naiiyak sa lungkot.

Sabay na humarap sa altar sina Julia at Clifford at nagsimula na ang seremonya ng kasalan. Walang kaabog abog na sumagot si Clifford sa tanong ng pari. Samantalang nang tanungin si Julia…hindi ito makasagot. Nagkakatinginan na ang mga tao at nagtataka habang titingin tingin si Julia sa paligid na parang may hinihintay pa.

‘Daniel…pwede ka bang mabuhay kahit saglit lang…ialis mo ko dito. Ayokong magpakasal sa kanya.’ Panalangin ni Julia pero alam nyang imposible itong mangyari dahil patay na ang boyfriend nya at wala na itong magagawa.

~~~

Habang ikaw ay maligaya…

Nagmamadaling bumaba ng motor si DJ nang makita ang simbahan. Nagbuntong hininga sya at hinanap ang mga cameraman. May dalawang nakatayo sa labas ng simbahan.

Ako’y maghihintay…

Naghanda si DJ at mabilis na tumakbo papunta sa entrance ng simbahan.

Maging hanggang sa dulo nang walang hanggan…

“ITIGIL ANG KASAL!!!!!” Malakas na sigaw ni DJ na hihingal hingal pa sa pagkakatakbo nya. Lahat ay napatingin sa kanya at natahimik na parang mga nakakita ng multo.

Lumingon si Julia sa sumigaw na parang hindi pa makapaniwala sa nangyari. Dahil nakatakip ng belo ang mukha nya hindi nya masyadong Makita kung sino ang nakatayo sa entrance ng simbahan pero sa aura nito isa lang ang pumasok sa isip nya…si Daniel!

“DANIEL!” Sigaw ni Julia na parang nasa isang panaginip.

“Teka, sino ba toh?” Tanong ng isa sa mga guests na malapit kay DJ.

Napatingin si DJ sa paligid nya at biglang kinabahan ng marealize nya kung anong nangyayari.

“Sh*T!” Nasabi nya sabay atras.

Nagtataping sila ng teleserye at ang scene ay tututol sya sa kasalan ng kasintahang si Katerina (Kathryn bernardo) at Nathan (Enrique Gil) pero hindi ito ang kasalan na yun!

Nagbulungan ang mga tao at lalapit sana si Martin kay DJ nang biglang mag ring ang phone nito.

“Hello direk…” Sagot ni DJ na nanginginig pa ang kamay habang pinagmamasdan ang mga galit na mukha ng guests sa kasal na ginulo nya.

“DJ! Nasan ka ba? Sabi ng mga staff umiba ka daw ng direksyon kanina!  Yung pangalawang simbahan hindi sa una! Asan ka na ba?” Naiinis na tanong ni Direk Lauren.

“Guards!” Sigaw ni Clifford at sumenyas na dakpin ang nanggugulo sa kasal nya.

Hindi na nakasagot si DJ at naibulsa ang phone nang makitang may mga armadong taong papunta sa kanya. Sa takot nya, umatras sya at magtatatakbo na sana nang biglang may humablot sa kamay nya.

“Itakas mo ko dito bilis na!” Mahigpit na hawak ng bride na si Julia ang kamay ni DJ. Napatingin si DJ at parang nag-iisip kung anong gagawin. Sa itsura ng mga lalaking papalapit sa kanya mukhang masasamang tao ito.

“Parang awa mo na itakas mo ko dito..ayoko dito! Please ayoko dito!” Nagmamakaawa si Julia at nagsimula nang tumulo ang luha nya. Nalungkot sya na hindi pala si Daniel na boyfriend nya ang tumutol sa kasal at kahit hindi nya alam ang dahilan kung bakit tumutol ito, nagpapasalamat pa rin sya at naisip nya baka pinadala talaga sya ng langit para iligtas sya.

“Miss hindi kita kilala! Nagsshooting kami namali ako ng pinuntahang simbahan!” Paliwanag ni DJ na naglalakad paalis sa simbahan.

Bumilis ang paglakad ni DJ hanggang sa mapatakbo sya nang habulin sya ng mga gwardiya. Sinundan naman sya ni Julia na hawak pa ang manggas ng jacket ni DJ.

“Ilayo mo ko dito! Kahit saan!” Sigaw nya hanggan sa marating ni DJ ang motor na sinakyan nya kanina.

Nakita nyang itinutok sa kanya ng mga lalaki ang mga baril nito at lalo syang natakot. Anong gulo ba yung kinasangkutan nya!

Nakita rin ni Julia ang ginawa ng mga tauhan ni Clifford.

“Papatayin yata nila tayo!” sigaw nya. Napalingon ulit si DJ.

“Ano?!?!? Sumakay ka bilis!” walang nagawa si DJ kundi isama ang bride at mabilis nyang pinaandar ang motor.

Sumunod sa kanila ang mga tauhan gamit ang kotse na nakaparada sa labas ng simbahan.

“Julia!!!! Julia!!!!!!!!” galit na sigaw ni Clifford habang pinanonood na umalis ang lalaking nakajacket tangay ang bride nya.

~~~

“Miss ano ba wag kang malikot jan malalaglag tayo parehas!” Sigaw ni DJ habang patingin tingin sa salamin ng motor para icheck kung sinusundan pa sila.

“Bilisan mo pa baka mahabol tayo!” Utos ni Julia na kala mong reyna.

“Wow ha! Utusan daw ba ko?! Sabi ko sayo nasa taping ako! Akala ko yung kasal mo yung set naming! Wag mo kong utusan sikat na artista kaya ako!” Naiinis na sagot ni DJ.

“Malay ko ba! Isang linggo pa lang ako dito. Napilitan lang ako magpakasal dun pero ayoko talaga! Bilisan mo na kahit saan mo ko dalhin basta wag mo kong ibabalik don!” Sagaw rin ni Julia na pilit inilalakas ang boses nya na nadadaig ng ingay ng motor na halos lumipad na sa bilis.

Ilang paliko-liko ang ginawa ni DJ at nailigaw nila ang mga humahabol sa kanila. Dahil hindi na makakabalik sa set, naisip ni DJ na pumunta na lang sa isang lugar kung saan alam nyang safe sila at hindi sya masyadong pagagalitan. Ang bahay ng TIta Bebe nya.

~~~

Bakit kaya napilitang magpakasal si Julia sa hindi nya gusto? Ano kaya ang pagkatao ni Julia? At anong gagawin ni DJ? Mukhang malaking eskandalo ito sa career nya knowing na sikat na sikat sya? ANo kaya ang mga papel na gagampanan nila sa buhay ng isat isa?

Nanonood ako ng walang hanggan nung isang araw habang naglalakad sa isle si Julia at nagtweet si DJ na hindi daw sya mkasmile sabayan p ng tweet ni Julia na hindi umabot si Daniel :( ayun pumasok sa isip ko ang story na toh…sana nagustuhan nyo..senysa na din busy si Ate ngayon kasi closing accounts pero babawi ako. ^_^

Don’t forget to like, vote, comment, become a fan at promote my stories n din po..also read my other stories at wait nyo ang video trailer nya bukas ^_^

~Marikit

Princess and I - JulNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon