Chapter 1 Itigil ang kasal!

7.8K 186 45
                                    

Chapter 1 Itigil ang kasal!

Isang engradeng kasalan ang magaganap ilang minuto mula ngayon at lahat ng dadalo ay masayang Masaya…bukod sa bride.

Napilitan si Julia na magpakasal sa lalaking hindi nya gusto at ngayon milagro na lang ang makakatulong sa kanya para makaiwas sa mangyayari sa araw na ito.

Halos mapanganga lahat ng guests nang bumukas ang pinto ng simbahan at mareveal ang napakagandang bride na si Julia Schnittka. Half German, half Filipino at nag-iisang anak ng Schinittka Family na isa sa pinakamayamang pamilya sa Germany.

Walang mapaglagyan ang tuwa ng groom na si Clifford Von Prairrie habang nakatitig sa bride nya. Matagal na nyang gusto si Julia, mula pa noong mga bata sila, at ngayon ilang sandali na lang magiging ganap na pag-aari na nya ang dalaga na pinapangarap makuha ng halos lahat ng binata sa bansa nila. Kahit na arranged marriage lang, proud pa rin sya na sya ang magiging kabiyak ng napakagandang si Julia.

Habang humahakbang palapit sa altar, lalo namang lumalakas ang kabog sa dibdib ni Julia. Napahigpit ang hawak nya sa bouquet ng bulaklak at lalo syang nahihirapang ngumiti sa sobrang lungkot nya. Kung magkakaroon lang sya ng pagkakataong makatakas gagawin na nya pero mukhang Malabo nang mangyari yon.

Unang una, hindi nya alam kung saan sya pupunta. Pangalawa, walang tutulong sa kanya dito dahil kadarating lang nila dito sa Pilipinas nung isang linggo at wala pa rin syang kakilala rito. Kahit ang mga kaibigan nya na nasa germany walang nagawa.

“You’re beautiful.” Bulong ng ama nyang si Martin Schnittka sabay offer ng braso nito para iescort si Julia sa altar. Nagsimulang tumugtog ang isang malumanay na musika kasabay ng marahang paglakad ng ama at ng kanyang napakagandang anak sa isle papunta sa mapapangasawa nito na naghihintay sa kanya.

Hanggang sa dulo nang walang hanggan…

“Dad, I’m so nervous.” Bulong ni Julia pero sa totoo lang naiiyak sya. Naiiyak sya lalo na sa kanta. Pakiramdam nya namatayan sya. Hindi ito ang pangarap nya. Pangarap nya na maikasal sa boyfriend nyang si Daniel Von Prairrie na namatay sa sakit na cancer 2 years ago.

Hanggang matapos ang kalian pa man…

“lahat ng bride nararanasan yan anak. Just relax. This is your day.” Pinisil ni Martin ang kamay ni Julia para suportahan ang anak.

~~~

Ikaw ang syang mamahalin…

Bumaba si DJ sa sasakyan at tumingin tingin sa paligid. Hindi makausad ang sasakyan nila dahil sa traffic pero kailangan nyang humabol sa kasal at tutulan ang pag-iisang dibdib nina Katerina at Nathan.

At lagi nang sasambahin…

“Manong! Pahiram po ng motor nyo! May kailangan po akong habulin! Parang awa nyo na po!” Nilapitan ni DJ ang isang lalaking nakamotor. Kahit nagulat, pumayag ito ang ibinigay.

Managlig kang di ka na luluha giliw…

Pinaandar ni DJ ang motor at sumingit sa mga sasakyan sa kahabaan ng daan. Nanakunot noo na hindi mapakali si DJ. Kasunod nya ang ilan pang sasakyan.

~~~

At kung sadyang sya lang ang yong mahal…

‘Daniel…sana ikaw na lang yung nandito…magiging Masaya talaga ko kung ikaw yung pakakasalan ko at hindi ang kapatid mo.’ Parang nananalangin at bumubulong sa langit si Julia habang nakatingin sa magiging asawa nya. Lalo syang nalungkot. Kabaligtaran ni Daniel ang kapatid nyang si Clifford.

Princess and I - JulNielWhere stories live. Discover now