CHAPTER 11- One Night Only

Start from the beginning
                                    

Narinig ko pang napamura siya kaya hindi ko na talaga napigilang tumawa. Wala akong pakialam sa paligid at Sige lang sa pagtawa. Ginusto niya yan ehh.

"Ahm!" sabay kaming napalingon sa pinangalingan ng boses na iyon. Kunot na kunot ang noo nito.

The stranger just stand tapos ay hinawakan ang kamay ko at hinalikan pa niya ako. Kinilabutan tuloy ako at gusto kong manapak.

pagkatapos niya iyong gawin ay umalis na ito at hindi man lang binati si Ian imbes ay nakita kong naka smirk ito.

Hinawakan ni Ian ang kamay ko saka ako hinila palabas.

"Ian! Aray! Nasasaktan na ako! Ano ba?" Sigaw ko dito. Hindi ko alam kung bakit parang mainit ang ulo nito.

Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Damn it!" he cursed. " I told you to don't talk to strangers pero ginawa mo parin!" Sigaw niya.

"Loon Hindi ko alam kung bakit ka ba nagkakaganyan. Kaibigan mo naman siya kaya hindi naman siguro masamang makipagkaibigan sa kaibigan mo." depensa ko sa sarili ko.

"He. Was. Never. My. Friend." diing sabi nito.

"Well he told me his your friend. At lumapit lang naman po siya dahil iniwan ako ng boyfriend ko." ;3

"I'm sorry." sabi niya at saka ako binitawan. "Get in."

"Tsss. Nagugutom pa man din ako." padabog akong sumakay sa kotse niya. Akala ko ay iuuwi na niya ako pagkagaling sa party pero iba ang pinuntahan namin. isa itong mamahaling italian restaurant.

Pagpasok namin ay pinagtitinginan na naman kami Gaya ng sa birthday party at sa mall.

"Bat ba talaga nila tayo tinitignan?" tanong ko.

"Kasi ang ganda ng girlfriend ko." sagot ni Ian.

Naramdaman ko na naman ang pag iinit ng mukha ko.

"Hindi ako kinikilig noh!" napalakas ata ang pagkakasabi ko kasi pati yung kaninay hindi nakatingin sa Amin ay nakatingin na. Nakarinig pa ako ng isang babaeng sabi ay 'defensive'. Magsasalita pa sana ako kaso ay biglang tumonog ang tiyan ko. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko ehh. Dahan dahan kong tiningala si Ian. Nakita kong pigil na pigil nito ang pagtawa. Hinampas ko talaga siya ng malakas.

"Umorder ka na nga. Tsss." Ito talaga tong lalaking to Kung hindi manyakis ay hudyo.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng may babaeng lumapit kay Ian.

"Ian sweetheart." hinalikan pa nito si Ian sa harap ko. Ito namang pangit na manyak mukhang gusto ang ginagawa ng sawang ito.

"Excuse me." putol ko sa kahalayang ginagawa nila. "Sa pagkakaalam ko po ay boyfriend ko ang lalaking nilalandi mo." I heard someone gasp but it's not Ian or this snake. Lumingon ako sa kanan at nakita ko ang isang grupo ng kabataan na mukhang chinicheer ako.

"Ohh!" sagot ni sawa saka ngumiti. " I was once his girlfriend and believe me. Pagkatapos ng isang araw ay wala na kayo."

Sapol!!! Nakalimutan kong pang ngayong gabi Lang pala to.Hindi tuloy ako makasagot.

Katahimikan mga kaibigan. Pati ang paligid ay wala na ring nagsalita. Nakakuha na kasi kami ng atensyon mula ng maglandian ang mga hinayupak na to.

"She's different from all the girls I've dated. From all the girls I've met. I love her. And sorry to disappoint you but I intend to keep her." makahulugang sabi ni Ian yung parang totoo talaga? Walang sabi sabing nagbackout ang sawa. Nakarinig naman ako ng palakpakan. Yun pala yung grupo ng kabataan kanina at iba ring customer.

Seducing Mr. PervertWhere stories live. Discover now