"Thanks buddy, si Dad kasi parang praning. Parang hindi niya pinagdaanan ang pinagdadaanan ko ngayon." Anang kausap ni X sabay hinga nito ng malalim.

Natawa naman si X sa tinuran ng pinsan niya. "Ginawa mo lang ang alam mong tama bro, you love her. Kung ako ang nasa katayuan mo ay gagawin ko rin ang gaya ng ginawa mo." Ani X. Naisip niyang kung si Jham ang ipagkait sa kanya ay gagawa at gawa siya ng paraan para makuha niya ito at makasama. Wala siyang pakialam kung wala pa siyang trabaho na matatawag basta makasama niya lang ang babaeng mahal niya ay makakaya niya ang lahat suongin.

"Thanks bro, hindi pa naman siguro kami magugutom dalawa. Okay naman ang pasweldo nila tita sa akin. At gusto kung panindigan ang sinabi ko kay Dad na hinding-hindi ako hihingi ng tulong nino man." Anito kay X.

"Okay. Basta lagi mong tatandaan na nadito lang ako, bro" sagot niya dito. "By the way, yung favor na ipapagawa ko sayo ay gusto kung magpasuyo sayo na maghanda ng lunch for two." Ani X. "And bro, take out ha. Dadaan namin dyan ni Jham." Dagdag pa nito.

"Okay! copy that bro at mukhang inlove narin tayo ha." May panunudyong anang kausap niya. "Hindi ko itatanggi yan bro, I am." Sagot nitong napangiti sabay lingon niya sa kasama.

Taas kilay namang tiningnan ni Jham ang binata dahil hindi nito alam ang usapan ng dalawa. Hindi kasi nakaloudspeaker ang tawagan kaya si X at ang pinsan lang niya ang nagkakarinigan.

Matapus makausap ni X ang nasa kabilang linya ay muling ibinalik ni Jham ang tawagan niya sa kanyang bag.

"What happen with your cousin?" Maya ay tanong ni Jham kay X. Hindi kasi nito alam ang totoong dahilan kung bakit naisipang magtrabaho ng pinsan ni X sa restaurant na pag-aari ng ina ng binata.

"Ayun wala siyang ATM, credit card at kotse. Kinuha lahat ni tito Karl. Kaya nagwork siya ngayon sa restaurant." Sagot nito.

"Why?"

"Kasi mas pinili niya ang girlfriend niya kesa sa sundin ang gusto ni tito Karl na pasukin niya ang mundo ng musika. I think sinunod lang niya ang dikta ng puso niya kung saan siya magiging masaya." Paliwanag nito kay Jham.

MAKALIPAS ang ilang minutong byahe nila X at Jham ay narating nila ang tuktuk ng burol na kinakunot ng noo ni Jham. Matapus kasi nila makuha ang ipinahanda ni X na take out food sa pinsan niya ay umalis din agad sila. At dito nga ihininto ni X ang sasakyang dala sa tuktuk ng burol na unang beses pa lang narating ni Jham.

"A-anong ginagawa natin dito?" Takang tanong nito sa binatang ngumiti lang bilang sagot. Agad na lumabas ng sasakyan si X at mabilis itong gumawi sa kabilang side ng sasakyan at ipinagbukas niya ng pinto ang nobya.

"Halika dito sa labas," aya nito kay Jham sabay lahad niya ng kamay. "Tingnan mo ang nasa baba ng burol na 'to." Malambing nitong utos kay Jham sabay pulupot niya ng kamay sa baywang ng dalaga.

"Oh! My God. Alexander, paano mo nalaman ang lugar na ito. Ang ganda ng view mula dito." Naibulas nitong makikita mo sa mukha niya ang paghanga at kasiyahan.

"Kay Dad, madalas daw siya dito noon. Noong mga panahong hindi pa niya nakikilala si Mommy. Kapag gusto daw niyang patahimikin ang utak niya or lumayo sa ingay sa city ay dito siya pumupunta." Paliwanag nito kay Jham na napangiti.

Agad binuksan ni X ang back seat ng kotse niya at may kinuha siya doon. Sinundan naman siya ni Jham at lihim siyang natawa ng makita niyang kinuha ng binata ang dala nitong blanket. Agad inilatag ni X ang dalang blanket sa lilim ng punong kahoy na nandoon kung saan sa silong nito ay makikita mo ang berding kulay ng mga damo.

You Belong With Me(Completed)Where stories live. Discover now