Chapter 50: Craftsman

Magsimula sa umpisa
                                    

"To-tal.....aw-----awaken? Total awaken, huh?" Naguguluhan kong sambit.


Nagkibit balikat na lamang ako, nang akma na akong babalik, agad akong nabunggo sa isang pader.


"Aww." Daing ko habang sapo-sapo ang aking noo.


"Bakit nasa iyo iyan?"



Napalingon ako sa tinig na iyon. Nadatnan ko ang isang mukha na nagpakakaba sa akin. Seryosong nakatitig sa akin ang kanyang itim na mga mata na animo'y may nagawa kang isang malaking kapalastanganan.


"Iyan?" Patanong kong sabi.



Itinuro nya ang hawak kong salamin, ayy pashnea! Eto lang pala.


Iniabot ko sa kanya ang salamin na ikinakunot nya ng noo.



"Bakit mo isinasauli?" Takang tanong nya na ikinataka ko rin.


"Nakita ko iyan dyan dahil naagaw nito ang aking atensyon ngunit heto ka at tinatanong kung bakit na sa akin diba? Obviously na-curious ako at binasa ang mga letra kaya ko kinuha."


Nanlaki naman ang kanyang mga mata at agad akong ininspeksyon.


"I-Ikaw....."



"Oh ano ako?"



"S-Sa iyo na i-iyan binibini." Nauutal nyang sabi bago napangiti. "Kay tagal kong hinintay na iyan nga'y makuha."


"Makuha? Kung ganoon i-ikaw ang craftsman?" Nanlalaking mata kong sabi.


"Oo, at ibinibigay ko na iyan ng libre dahil alam kong ikaw ang makakapangalaga sa salamin na iyan base sa iyong mga mata. Nararapat iyan sa iyo na maging iyong sandata." Paliwanang nya.


Napakunot noo naman ako at ininspeksyon ang salamin. "Sandata? Paano?"


"Cashmere!"



Agad naman napabaling ang aking atensyon kay Ferresa na nakataas ang kaliwang kilay.


"Aalis na ho tayo, kanina ka pa namin hinihintay." Mataray na dugtong pa nya.


Akma na sana akong magpapasalamat sa craftsmen nang wala na akong madatnan pa na ibang lalaki roon sa shop maliban sa matandang lalaki na nakasalamin na nasa counter at nagbibilang ng pera.

"Nasaan na iyon?" Takang tanong ko sa sarili.


Nilapitan ko ang matanda sa counter na ikinalaki ng mata nito. Napako ang mga mata nito sa salamin bago napangiti.


"Nasa iyo na pala iyan."



Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ang kanyang boses. "Craftsman? P-Paanong naging ganyan ang itsura nyo? Binata lang k-kayo kanina ah!"


"Ang gandang nilalang ko noong kabataan ano?" Natatawa nyang sabi sa akin na ikinataka ko. "Ako nga ang craftsman at ang nagpakita sa iyo iha ay ang kabataan kong nakulong sa salamin na iyan. Salamat naman at ngayo'y nasa pangangalaga na ito nang itinakdang magmamay-ari."


Lalo akong nalito sa narinig mula sa kanya. Hindi ko sya gets promise. Ang sabi nya kabataan nya na nakulong?


"Waaaaahh! Ikukulong din nitong salamin na ito ang kabataan ko Manong?" Hiyaw ko bago bitawan ang salamin sa lamesa.


Natawa naman sya sa inasal ko. "Hindi dahil ikaw ang totoong nagmamay-ari nyan. Tama nga ang salamin sa pagpili. Maaari ka nang humayo iha, naiinip na ang iyong mga kasama."


Napangiti na lamang ako bago damputin ulit ang salamin bago magpasalamay. Nalilito pa rin ako ng kaunti katulad sa bagay na sandata. Babasagin ko kaya ito at ang bubog nya ang magigi kong sandata? No no no no! Masyadong maganda ang salamin.


"Ang tagal mo sa shop tapos yan lang ang binili mo?" Naiiritang sambit ni Rosby.


"Ibinigay ito sa akin at hindi ko binili." Sabi ko na ikinalaki ng mata nila.


"What?! Nakakuha ka na nang libre at sa craftsman pa?! Bat ang daya!" Maktol ni Ferresa.


Nagtaka naman ako sa ikinilos nila. "May mali ba sa sinabi------"


"Makakakuha ka ng pera once na makalabas ka na dito sa island. Diretso yun sa pocket mo o kung saan mo nilalagay ang pera mo, and take note that's a gold coins girl, malaking halaga rito iyon." Paliwanag ni Ana na nakadapo sa ulo ni Michelle.


"It depends sa kasikatan nang magbibigay sa iyo ng libre." Mataray namang sabi ni Ferresa na tumigil na sa pagdadabog.


"And luckily, ang craftsman pa ang nagbigay. Isa sa mga sikat na tao rito sa village and islands!" Nanggigigil namang dugtong pa ni Rosby.


"You're lucky." Bulong pa ni Vanessa. "Kami nga nagpapacute na sa vendors wala pa rin. Sigh."


Napailing-iling na lamang ako. "Parang yun lang pala."



"Lang ka dyan? Hmpf! Tara na nga gutom na ako." Pagtataray ni Ferresa bago magmartsa papunta sa nakita naming coffee shop sa gitna ng island.


Agad kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko pa lang ang mga pagkain sa loob ng coffee shop.


"Girls! Here!"



Napalingon kami kina Carlos at Andrei na kumakaway sa amin, nasa gilid sila ng coffee shop. Kumaway rin kami ni Michelle pabalik bago magtungo sa kanilang pwesto.


Nilibot ko ang paningin ko sa kanila. Mukhang may kulang ah. Andrei, Carl, Carlos, and Jayden. Wait, bat aapat lang sila?


"Where's Allen, Master Rence, Patrick, Frank, Gray and Dennis?" Naunang tanong ni Ana.


Umiling-iling naman si Carl bago humigop ng kape sa tasa nya. "Sina Gray and Allen nasa mini bar nang Island------"


"WHAT?!" Sabay naming sigaw ni Ana dahilan upang mapatingin ang mga ilang customers sa amin.


Agad kaming humingi nang paumanhin bago tignan ng masama ang mga lalaki.


"Chill okay? Ang nagyayang pumunta roon ay si Dennis at ewan ko ngayon kung napilit na nya sina Rence, Frank and Patrick na sumama. Hindi naman kasi kinailangan pang pilitin ang dalawang fairies na iyon dahil sabik na sabik si------"


Agad kaming nagbato ng kutsara nila Ana at Ferresa sa gawi nila Carl, mabilis naman nilang naiwasan yun.


"Sabi nang relax lang eh." Nakangusong singit naman ni Andrei.


"At hindi nyo pinigilan si Dennis na pilitin si Patrick?!" Galit na giit ni Ferresa

"And my Master huh." Dugtong naman ni Ana.


"Si Allen....Allen....Allen." Singit ko rin na napapasapo na lang sa noo.


"Hayaan nyo na girls." Pag-aalo sa amin ni Vanessa.


Maya-maya pa'y kumalma na kami pero napansin namin si Michelle na nagiging asul na asul ang mga mata.


"This is bad." Bulong ni Vanessa bago utusan si Jayden na buhatin si Michelle gamit ang abilidad nya.


"Yari si Frank." Bulong naman ni Carl habang iiling-iling.


Hahayts. War na ata to. She's mad. Really really mad. Hohohoho.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon