C11: Secrets are about to unfold

359K 6.8K 1.9K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

----

Nichole's POV

Papunta na sana ako sa classroom at paakyat na ng hagdanan nang may napansin akong pinagkakaguluhan sa labas ng library. Nasa first floor ito kaya madaling mapansin. Kitang kita ko na pilit na pinapaalis ng mga pulis ang mga estudyante pero sadyang hindi nila kaya ang kakulitan ng mga ito. Mas lalo akong naging mausisa sa kung ano ba talaga ang nanyayari sa labas ng library.

Lumapit pa ko nang kaunti. Naramdaman ko na gumuguhit sa ilong ko ang masangsang na amoy lalo na nang mas nakalapit ako sa nakahandusay na bangkay ng librarian namin. Iba na ang kulay ng balat niya, putol ang mga kamay at kaunting hiwa na lang ay mapuputol na rin ang kanyang ulo. Pero ang pinakanakakakilabot sa lahat ay ang kanyang mukha. Puro sugat ito at halos makita mo na ang laman. Ang mga mata niya ay nakatingin sa taas na para bang tinitignan ako.

Narinig kong nag-uusap ang mga pulis sa may kanan ko.

"Maaring konektado ito sa dating patayan... at maari ring hindi." Narinig ko ang pamilyar na boses ni Chief Guevarra. "May mga bakas ng paa akong nakita. Ngunit nakakapagtaka kung bakit napakadami. Naisip ko rin na maaring  higit sa dalawa ang pumatay? o may mas naunahang nakatuklas sa bangkay bago ito makita ng guard?" pagpapatuloy ni Chief. Tumango tango lang ang kausap niya na para bang naiintindihan ang buong sitwasyon.

"Pero maari ring pinatay ito dahil sa mga exam papers na nakatago para sa susunod na Periodical Exam?" sabi ng kausap ni Chief Guevarra.

"Ngunit kung iyon ang dahilan ng killer. Hindi ba gagawin niya ang pagnanakaw sa oras na sarado na ang school? Dahil sinabi sa akin ng guard na nakita niya ang bangkay bago pa niya isara ang buong school." Tugon naman ni Chief Guevarra. "Sa tingin ko ay hindi planado ang pagpatay sa biktima di katulad ng nanyari noon." Ang tinutukoy niya siguro ay yung nanyari kay Kuya Kevin.

"Bakit hindi mo pa ba hinuhuli ang salarin sa krimen na naganap noong una tayong napunta dito?" tanong sa kanya ng kasama niyang pulis. Nakatingin lang ako sa baba habang patuloy na pinapakinggan ang usapan nila. Hindi ko naman sinasadya na maging tsismosa ngunit sadyang may parte sa akin na gustong gustong marinig ang pinag-uusapan nila.

"Maghintay lang tayo. Hindi natin siya makukuha nang mabilisan at sa tingin ko hindi lang siya nag-iisa. Impossible na magawa ng iisang estudyante ang ganoong ka-brutal na pagpatay. May mga kasama siya at iyon ang tutuklasin natin. Tutal, sa edad nilang iyan hindi sila pwedeng makulong. Wala rin tayong makukuhang hustisya para sa mga biktima." Sabi ni Chief Guevarra habang may binabasa sa maliit na kwaderno niya.

Nagulat ako at halos mapasigaw nang may humawak sa balikat ko.

"Relax lang." sabi ni Vince sa akin habang abo't tainga ang ngiti. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Ano bang nasa isip mo?" tanong niya sa akin

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon