Chapter 55- Heartache

796 21 2
                                    

"I feel like my heart is stuck in bumper to bumper traffic I'm under pressure"
-KimberlyPamatong 

Angel's POV

I walk away from him and from everyone. I run as fast as I could just to get away from them

huminto ako ng bumuhos ang ulan how lucky could I be? Ano pang malas ang darating sa buhay ko?
napadpad ako sa park ng subdivision walang ingay at payapa lamang ang paligid na tila ba'y sumasabay sa aking nararamdaman. umupo ako sa swing at bahagya itong tinulak.

Ilang buntong hininga narin ang aking pinakawalan. hindi ko alam ang gagawin at kung paano ko ito haharapin. Sa lahat yata ng aking pinagdaanan tila itong laban na ito ang aking kinaduduwagan. maari kong masira lahat.

"B-bakit ako?" nahihirapan kong tanong.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko at binuhos lahat ng natitirang luha na meron pang ilalabas. naninikip at tila ba nahihirapan akong huminga

"akala ko okay na ang buhay ko eh...akala ko magiging masaya nako... b-bakit ako? di ko maintindihan"

"Ang sakittt" sabi ko at hinihimas himas ang dibdib ko nagbabasakaling maibsan ang sakit.

naramdaman ko nalang na hindi na ako nababasa ng ulan. akala ko tumigil na kaya inangat ko ang mukha ko and to my surprised I saw Kim standing infront of me. inabot ko ang kamay sa kanya at nakatayo na ako ng maayos ngunit parang nanghihina ang mga tuhod ko. inayos ko ang mukha ko at tumingin sa kanya

"W-what brought you here?" I tried to be casual.

Ngumiti lang sya.

"It's okay to cry" she said and my tears escape my eyes.

"I-im o-okay" I said as my tears continue to flow down.

"But your eyes says no" malakas syang napabuntong hininga. "Follow me I'm not really good in giving advice but I am a good listener anyways"

Umiling ako "I'm fine" hinawakan nya ako sa kamay "no you're not" sabi niya at hinila ako patungo sa kotse nya ng makapasok kami sa kotse binigyan nya ako ng jacket at hindi inon ang Aircon

"Here wear this" sabi nya kinuha ko naman ito at binalot sa katawan ko.

"Pano mo pala ako nakita?" Tanong ko sa kanya.

"Papunta dapat ako sa bahay ni Iya para ibigay to" sabi niya at inabot ang cookies "cookies?" Tanong ko

Tumawa naman sya "Yup. i tried to bake at ipapatikim ko dapat kay uncle"

"Si papa?"

"hmm.. Masarap kasi gumawa ng cookies si uncle kaya hihingin ko sana ang opinion nya. then i saw you..." Tumingin sya sakin "crying. kaya nilapitan kita" sabi pa nya

Di nalang ako sumagot at tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa labas.

___________

"Angel...wake up" nagising ako ng bahagyang niyuyogyog ang balikat ko. Dahan-dahan akong gumising naka idlip pala ako.

"We're here"

My Accidentally Boyfriend ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon