Halos hindi tangkain ni Linley ang huminga dahil sa narinig.

"Hindi rin pwedeng kalimutan na ang earth style ay may wide-ranging protective spell na tinatawag na 'Pulsating Guard'. Sa oras na ito ay gamitin, ang lugar sa ilalim, itaas at palibot ng buong lungsod ay mapoprotektahan sa lahat ng atake. Hindi ito matitinag kahit pa gumamit ang kalaban ng 'Heavenly Lightning of Absolute Destruction' spell."
Nagsimulang bumilis ng bumilis ang pagsasalita ni Doehring habang tumatawa, "Siyempre, ang sinasabi ko ay laban lamang sa wide-range destruction spells, hindi sa one-on-one battle magic."

Tumango si Linley.

Pati siya ay naobserbahan na puro tungkol sa wide-range catastrophe-level magic ang binabanggit ng kaniyang bagong lolo.
"Lolo Doehring, parang mas marami yata ang mga forbidden spells ng Earth style? Bakit ganoon?"

"Linley, mukhang may hindi ka naiintindihan. Ang totoo niyan, bawat elemento ay balanse pero iba-iba ang epekto nila depende sa lugar. Halimbawa, sa isang lugar na mayaman sa tubig ay tiyak na mas magiging mas malakas sa karaniwan ang isang water-style magic. Sa mga lugar naman na malalakas ang hihip ng hangin ay siguradong mas malakas din doon ang mga mahikang wind-styled."

Nagsimulang pumasok sa isip ni Linley ang komprehensyon.
Nagpatuloy si Doehring sa sinasabi. Nasa mukha ng magus ang isang ngiti, "... Sa buong mundo, hindi ba't totoo na karamihan ng mga labanan at karamihan din ng mga magi ay nasa kalupaan? Dahil dito kaya naman mas epektibo ang mga earth-style magic, dahil ginagamit ito habang nakatungtong sa kalupaan. Habang nasa lupa ka, mararamdaman mo ang walang hanggang lupain na siyang magsisilbing tulong sa iyo."

Naunawaan na ngayon niya.

Ang bawat elemental style ng mahika ay epektibo at mas malakas sa ilang espesyal na lugar.
Pero halos lahat ng mga labanan ng mga magi sa kontinente ng Yulan ay nagaganap sa kalupaan, at nangangahuluhan iyon na laging nakakalamang ang mga earth-style magi.
"Sa lahat ng istilo ng mahika, dahil sa earth-style magic ay nakakakuha kami ng elemental essence para sa aming katawan, ang earth style ang may pinakamabisang kakayahan sa pagpapalakas ng pisikal na katawan. Laging mapagbigay sa amin ang Inang Lupa." Nasa mukha ni Doehring ang paghanga bago nagpatuloy sa sinasabi, "Kapag kaming mga earth-style magi ay nakasalampak sa lupa ay nararamdaman namin ang kalawakan nito. Nadarama rin namin ang pintig nito at ang pagmamahal ng Inang Lupa sa aming lahat."

"Pagdating sa mga atake, ang earth-style magic ay may one-on-one na 'World Protector' forbidden battle spell, at mayroon ding mga destructive spells na gaya ng 'Heavenly Meteor's Descent' at 'Heaven Collapses, Earth Shatters'. Kung depensa naman ang pag-uusapan, sa mga forbidden spells namin ay may wide-range protective spell na tinatawag na 'Pulsating Guard', at personal protective spell na 'Earthguard'. Pagdating sa personal na proteksyon, walang makakatalo sa earth-style elemental spells!"

Nag-uumapaw ang pagmamalaki sa hitsura ni Doehring.
Napatingin si Linley dito ng may halong pagkalito. "Personal na proteksyon? Lolo Doehring, sinasabi mo ba na ang earth-style ang mayroong pinakamatinding personal protection spells?"
Tumawa naman si Doehring Cowart saka sumagot, "Sa pinakaunang mga antas, ang mga earth-style magi ay may kakayahan lamang gumamit ng mga simpleng spells gaya ng 'shield of earth' o kaya ay 'wall of earth'. Pero sa oras na sila ay maging isang magus ng fifth rank ay makakagamit na sila ng 'Earthguard spell' na patuloy na lumalakas ang depensa sa bawat pagtaas ng iyong antas."

"Kapag iyon ay ginamit ng isang magus ng fifth rank o kaya naman ay sixth rank, babalutin ng spell ang buong katawan ng stone armor. Pero kapag naman iyon ay umabot sa seventh rank, ang stone rank ay magiging armor of jadeite. Sa eight rank naman ay magiging crystal jade na ang baluti. Tapos sa ikasiyam na ranggo ay magiging platinum armor na ito. At pinakahuli, sa oras na gamitin ng isang Saint-level magus ang spell, ang protective armor ay magiging gawa na sa diyamante."

Lihim na napabuntong-hininga si Linley.

Mukhang talagang napakamakapangyarihan ng earth-style element. Kapag pala ginamit ng isang Saint level magus ang Earthguard spell ay magiging gawa iyon sa diyamante! Alam ni Linley na ang diyamante ay napakatigas at hindi nabibitak. Isa pa, tiyak na ang mga diyamanteng bubuo sa Earthguard spell ay hindi ordinaryong diyamante lamang, kundi mga diyamanteng binuo ng mahika. Tiyak na higit na mas matatag iyon kaysa totoong diyamante.

"Kung gayon pala..."

Biglang naalala ni Linley ang dalawang Saint-level combatants na naglaban noong nakaraan sa himpapawid. Natatandaan pa niya kung paano inatake ng nakaberdeng robang lalaki ang nakaabuhing damit. Dahil sa natamaan ng taga nito ang Magus na iyon ay nalantad ang baluting diyamanteng suot-suot pala nito.

Kung hindi siya nagkakamali ay dumepende sa diamond armor nito ang Saint-level magus na nagngangalang Rudi noong sinalag nito ang espada ni Dillon.

Lihim na natigagal si Linley. "Iyon siguro ang Saint-level Earthguard Spell."
Napakatibay naman niyon dahil kinaya nito ang isang direktang atake mula sa isang Saint-level combatant. Dito palang ay nakita na niya kung gaano kalakas ang naturang spell kung depensa lang din ang pag-uusapan.

"Ito ang dahilan kung bakit ko sinabi kanina na ang earth-style magic ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng elemental styles." Ang balbas ni Doehring ay umugoy-ugoy at mula dito ay makikita kung gaano kalaki ang pagmamalaki ng matanda sa sinasabi.

Totoo nga naman na ang lahat ng tao ay nabubuhay sa kalupaan. Nakatuntong sila sa lupa, at nakikipagdigmaan din sila habang nakatungtong sa lupa. Siyempre natural nga naman na laging lamang sa mga labanan ang mga earth-style magi.

Coiling Dragon Book 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora