B1C10

1.9K 140 0
                                    

Book 1, Chapter 10 – Dance of the Fire Serpents (part 1)

"Roar!" Sumabog ang apoy galing sa bibig ng Velocidragon, sinakop nito ang ilang metrong nakapalibot na lugar, pinaliliguan ito ng apoy na dagat.

"Hiss....."

Sumasayaw ang mga apoy palibot sa katawan ng apat na mga mandirigma, pero dahil may pananggalang ang mga ito na 'Protective Icy Carapace' at ng kanilang battle qi, kaya nakayanang labanan ng apat na mandirigma ang init.

Samantalang ang archer naman, sa puntong ito, nakasakay na ito sa Griffin at lumipad sa himpapawid, naka umang ang pana.

Ang toro ay nakatayo lang na parang bakal na pader, pinoprotektahan ang dalawang babaeng magi.

"Swish! Swish! Swish!"

Napuno ng balasik ang mga mata, ang kanyang kamay ay kasing tatag ng bato, ang babaeng archer na nakasakay sa Griffin ay pinakawalan ang pana. Ang puntirya – ang mahiwagang magus sa likod ng Velocidragon!

"Whoosh!" ang parang latigong buntot ng Velocidragon ay lumipad na parang kidlat, mas mabilis pa sa pana. Ang isang kisapmata, nawasak nito ang tatlong tira ng panang pinakawalan ng archer. Pagkatapos agad niyon, ang buntot nito ay iniwalis nito patungo sa apat na mga mandirigma. Gumawa ng ingay ang buntot na bumasag sa hangin, sa naging galaw nito, agad na nagbago ang hitsura ng mukha ng apat na mandirigma. Mabilis na tumalon ang mga ito paatras na parang mga maliksing unggoy.

Pero ang buntot ng dragon ay hindi deretsong gumalaw ng tuwid; minsan pakaliwa o pakanan, minsan pakurba, walang pattern na sinusunod.

"Crash!"

Isa sa apat na mga mandirigma ay hindi agad nakaiwas sa tamang oras, at deretsong tinamaan ng buntot sa baywang. Ang parehong 'Protective Icy Carapace' at ang sariling battle qi ay nawala at nabasag sa isang kisapmata. Sa isang pitik ay pumaikot ang buntot at pinuluputan ito.

"Luke!" (Lujia) Galit na sumigaw sa tabi nito ang may pulang buhok na pinuno, puno ng sakit ang mga mata.

"Wag!" sumisigaw din ni Luke sa takot.

Pero sa isang pitik ang buntot ng dragon ay itinapon si Luke deretso patungo sa bibig ng Velocidragon. Ibinuka ng Velocidragon ang panga nito, nakita ang madugong bibig nito at ngumuya. Isang nakakakilabot na lagutok na ingay, ang huling lumabas sa bibig ni Luke ay isang nakakarimarim na hiyaw.

Nagigiling sa ilalim ng parang lagaring ipin ng Velocidragon, ang katawan ni Luke ay naging giniling na karne. Kalahati sa madugong binti ay lumabas sa bibig ng Velocidragon at bumagsak sa lupa. Kumikinang na puting buto ay makikitang lumalabas galing sa kalahating binti.

"Wag kang tumingin." Tinakpan ni Hillman ang mata ni Linley.

Ang biglaang ipinapakita ay sobrang madugo. Kahit ang matanda na, kung makaharap ang ganoong eksena sa unang pagkakataon ay masindak. Si Linley ay isang walong taong gulang lang na bata.

Pero huli na. Nakita na ni Linley ang lahat.

"Huuu. Huu." Pakiramdam ni LIney ay ang kanyang puso ay piniga sa isang higanteng bato. Unti-unti siyang nahihirapan sa paghinga at ang nagsimula siyang humingal. Pero sa kanyang utak, bumabalik ang eksenang nasaksihan niya na binatang si Luke na kinakain ng paulit-ulit.

Ang tiyan ay natastas, at ang mga lamang loob ay nadurog. Ang kanyang bungo ay nabasag, at ang kalahati ng kanyang binti ay nalalaglag sa lupa!

Lahat ng mga ito ay nagpahirap kay Linley sa paghinga at nahihilo din siya.

Ito ang unang pagkakataon ni Linley na makakita ng labanang naging marahas at malupit. Ito rin ang unang pagkakataon ni Linley na makakita ng isang taong kinain ng buhay sa isang dambuhalang Velocidragon. Ang kalahating binti, lalo na, ay malalim nakabaon sa utak ni Linley.

Sina Hillman, Roger at Lorry ay nagpalitan ng nababagabag na sulyap habang pinagmasdan si Linley.

Ano bang klaseng epekto sa utak itong madugong pangyayari sa isang walong taong gulang na bata? Magiging sanhi ba ito sa palagiang troma sa pag-iisip? Pag ang bata ay minsan nang na troma sa digmaan, ang tagumpay nito sa hinaharap ay lubos na maapektuhan.

"Pumatay ng tao. Wala iyon. Wala iyon." Pilit na iniisip ito ni Linley ng paulit-ulit. "Paglaki ko at sumali sa army, ako rin ay papatay ng tao. Kailangan kong tibayan ang aking loob. Kailangan kong tibayan ang aking loob."

Matalino talaga si Linley. Marami na siyang nabasang mga libro, alam niya ang daang tatahakin niya sa hinaharap.

Sa kontinente ng Yulan, kung ang tao ay lumalaki, mas pa sa hindi na may mga pagkakataong maranasan nito ang pakikibaka sa buhay at kamatayan. Pero dahil si Linley ay bata pa at hindi pa nito iyon naranasa, kaya paulit-ulit na pinapakalma nito ang sarili. At unti-unti, ang sindak at lagim sa puso nito ay naibsan.

Sa katunayan, mas taliwas nga ang nangyari, sa konting panahon, pakiramdam ni Linley na ang dugo nito ay nagsimulang nabuhay.

"Ang labanang iyon ay napakabangis. Sobrang nakakapukaw ng damdamin." Sa hindi malamang dahilan, ang madugong labanan kailan lang ay nagpakulo sa dugo ni Linley, pinuno nito ng pagnanasa – isang pananasang makikipaglaban at pumatay!

"Iyon kaya ay dahil sa Dragonblood sa aking ugat?" Hindi alam ni Linley.

Pero biglang nadiskubre ni Linley na siya ang talagang nasasabik na makikisali sa madugong pakikibaka. Agad a humakbang sa gilid si Linley, nilampasan ang nakaprotektang braso ni Hillman at nagpatuloy sa pagnunood sa labanan na nangyayari ilang daang metro ang layo.

"Linley, wag kang manood." Nakita ni Hillman na si Linley balak na magpatuloy na manood at nagulat.

"Uncle Hillman, hindi po ako takot." Lumingon si Linley at sinulyapan si Hillman.

Agad na napansin ang kislap ng pananabik sa mga mata ni Linley. Na sorpresang hindi na nito sinubukang pigilan si Linley sa panunood. Habang patuloy sa panunood si Linley sa labanan mula sa malayo, nakita nito na umabot na sa mas madugong kasukdulan.

"Rawr!" Umaatungal, umikot ang ulo na Velocidragon patungo sa mga mandirigma, habang ang malalaking kuko nito ay winalis patungo sa isa. Ang parang latigong buntot na kasing bilis ng kidlat ay inihampas nito, pinunterya ang pangatlong mandirigma.

Ang mga mandirigma ay naipit na umabot na sa puntong iiwanan na nang mga ito ang pag-atake at sa halip ay umatras.

Ang misteryosong magus na nasa likod ng Velocidragon ay hindi parin gumalaw. Hinayaan nitong ang Velocidragon ang bahala sa mga panganib habang ang labi nito ay patuloy na bubulong-bulong.

"Dance of the Fire Serpents!"

Ang malamig na boses ng misteryosong magus ay biglang umalingawngaw, at sa isang kisapmata, biglang may nagpakita na pitong malalaking ahas bawat isa ay umaabot sa ilang metro ang haba. Umaatungal ang mga ito at biglang umalis sa iba't-ibang direksyon. Bawat isang ahas ay mukhang tunay, at buhay, may kakaibang kaliskis at malalaking katawan na tumatakot sa kung sino man ang nakakita nito.

Lahat na nanonood ay natigilan.

Isang elemento ng apoy na mahika na nasa 8th – rank- 'Dance of the Serpent!

Sa pagkakataong ito ay halata na sa buong panahon, ang mysteryosong magus ay bubulongbulong ng mahika. Naghahanda ito ng isang nakakatakot na 8th rank Fire Element Spell- Dance of the Fire Serpent! Ang mahikang ito ay nagpapamalas ng pitong dambuhalang fire serpent, bawat isa ay kamanghamangha ang lakas ng atake. Kahit na ang nakakapangilabot na pananggang abilidad ng Velocidragon ay hindi uubra dito; kung matamaan, kahit na mabubuhay pa, siguradong lubhang masusugatan naman ito.

Kung makikipagtunggali sa isang 7th rank na magus, ang maliit na grupo ay maaring kayaning lumaban, pero kung isang 8th rank na magus at may kasama pang Velocidragon? Wala silang kakayahang lumaban.

Ngayon lang nila naintindihan na itong mysteryosong magus ay isa palang 8th rank master!

"Dance of the Fire Serpents. Bilis, tumakbo kayo!" biglang nagbago ang hitsura ng mukha ng may pulang buhok na mandirigma, at sumigaw ito ng malakas.

Ang anim na natitirang membro ng maliit na grupo ay napuno ng sindak.

"Hulin a ang lahat. Humanda kayo sa baptismo ni kamatayan!" ang malamig at malupit na sabi ng mysteryosong magus, nagmistula iyong isang malamig na patalim na tumatarak sa puso ng mga membro ng maliit na grupo.

Coiling Dragon Book 1Where stories live. Discover now