"Crash!"

Nang tumama ang unang tipak sa lalaking nakaberde, ang dami ng berdeng liwanag na bumabalot sa kaniyang katawan ay bigla na lamang nadagdagan at umabot iyon sa punto kung saan nagkaroon ng berdeng araw na nagniningning ng berdeng liwanag sa lahat ng direksyon.

Samantala, hindi mabilang na tipak ng bato naman ang sumugod sa nakakaberdeng lalaki na animo'y mga patak ng ulan sa isang bagyo.

Sa isang kisapmata, para bang ang lalaki ay natabunan ng mga bato. Ang berdeng liwanag ay pwede na lamang makita sa pagitan ng mga lamat sa pader ng mga tipak ng bato.

"Mabasag ka!"

Kasabay ng malakulog na tunog ng pagkabasag, nagsipagsabugan ng isa-isa ang mga tipak ng bato at napulbura dahil sa pinawalang rumaragasang battle-qi. Bawat isa sa mga tipak na noong una ay kasing laki ng isang bahay ay nahati sa maraming piraso at nagsipagsabugan sa iba't-ibang direksyon.

Sa simula pa lamang ay mayroon ng ilang daang piraso nito sa ere. Nang napalipad ang mga iyon dahil sa pwersa ng battle-qi, ang bawat isang maliliit na bato ay napatungo sa malalayo.

"Oh hinde!" Nagkulay suka ang mukha ni Hogg. Si Hillman din na noon ay nasa lansangan pa ng Wushan Township ay namutla rin ang mukha pagkakita sa tagpong iyon. Agad nilang natanto...

Isang delubyo ang magaganap sa bayan ng Wushan!

Hindi mabilang na mga bato na tinatayang dalawang metro ang laki ang nagsipagbagsakan sa lahat ng dako, ng walang palatandaan o pasintabi. Bawat orihinal na tipak ay naging sampu, kung hindi man isandaang piraso, at twenty percent ng mga iyon ay pabagsak sa direksyon ng Wushan Township.

"Bilisan niyo, pasok sa loob! Bilis!" Masyado nang balisa si Hogg kaya nagngangalit na ang kaniyang sigaw.

Sa mga sandaling iyon naman, si Linley ay may layo pa ring higit sa sampung metro sa warehouse. Pagkarinig niya sa sigaw ng kaniyang ama ay wala na siyang pakundangan sa iba pa at nagtatakbo ng pinakamabilis sa bodega. Habang tumatakbo ay dinig niya ang sunod-sunod na 'crash', 'crash', 'crash'. Ang tunog ng paglagapak ng hindi mabilang na mga bato sa buong bayan ay nagsimula.

Para bang isang lindol ang nararanasan nila. Isang larawan ng totoong kalamidad.

"Whooosh!" Isang tipak na may bigat na daang-daang pulgada ang lumagpas kay Linley at tumama sa hindi kalayuan sa mga paa niya. Naramdaman ni Linley ang pagdausdos pababa ng malamig na pawis sa kaniyang likuran. Kung sakaling nag-iba ng kaunti ang direksyon ng batong iyon ay tiyak na papanaw siya papunta sa kabilang mundo.

"Crash!" "Crash!" "Crash!" "Crash!"

Maririnig ang tunog ng mga batong tumatama sa mga kabahayan. Ang tunog ng pagbagsak ng mga bato sa lupa, ang mga batong sumisira sa mga kakahuyan, ang mga hiyaw ng mga taong umiigik sa sakit... lahat ng uri ng ingay ay patuloy na naghahalo-halo at bumubuo ng isang simponiya ng delubyo.

"Swoosh!" Isa na namang malaking bato ang tumama sa kalupaan sa harapan ni Linley. Dahil dito kaya agad siyang napatalon paatras.

Pero kung patuloy lang siyang iiwas na kagaya ng sitwasyon niya ngayon, paano niya mararating ang bodega para makapagtago?

"Young master Linley, dalian mo!" May isang lalaking lumabas ng bodega, si Uncle Hiri – ang housekeeper. Ang katawan nito ngayon ay nababalot ng pulang battle-qi habang tumatakbo sa direksyon niya.

"Kuya, dali!"

Sa may pintuan ng bodega ay umiiyak na sumisigaw ang apat na taong gulang na batang si Wharton.

"Wharton, pumasok ka sa loob!" Galit na sinigawan ni Linley ang bata.

"WHOOSH!" Isa ulit na batong may laking dalawang metro ang lumipad papunta sa hindi kalayuan, direkta sa gawi ng warehouse. Natanto naman kaagad ni Linley na sa oras na tumama ang bato sa bodega ay matatamaan si Wharton at posibleng magdulot iyon ng malaking pinsala sa katawan, o hindi kaya ay kamatayan!

"Bilis, Wharton, pasok!" Ang mga mata ni Linley ay nanlalaki at kasing pula na nang dugo at humiyaw siya sa pagkabalisa at pagkagalit samantalang siya ay tumatakbo sa abot ng kaniyang makakaya.

Hindi na niya pinansin pa ang mga umuulang bato at hindi na rin niya inisip pa ang pag-iiwas-iwas. Diniretso niya ang bodega.

Nakaharap si Hiri kay Linley kaya naman hindi niya nakikita ang malaking tipak na patungo sa warehouse. Pero hindi sa kaso ni Linley dahil kitang-kita niya iyon. Kapag lumagpak na iyon sa silid, paano makakaligtas doon si Wharton?

"Young master Linley?" Pagkakita sa inaakto ni Linley ay naguluhan at natigilan si Hiri.

Tatlong bato ang nagbagsakan malapit kay Linley pero para lang siyang isang pusang gala na patuloy sa pagsugod. Ang kaniyang mga mata ay nakatuon lamang kay little Wharton hanggang sa marating na niya ang bodega sa wakas. Noon naman napatalikod si Hiri at saka nakita ang papabagsak na dalawang metrong tipak ng bato sa gawi ng bodega. Ang mukha ng lalaking katiwala ay agad namutla.

"Dapa!" Humiyaw ng pagkalakas-lakas si Linley. Ang kaniyang mukha ay lukot sa galit at balisa.

Ngayon pa lang nakita ni Wharton ang galit na mukha ng kaniyang kuya. Dahil sa pagkatakot doon kaya siya dumapa. Ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng luha, tumingin siya kay Linley habang umiiyak. "Kuya..." Pero nilipad lang siya ng yakap ni Linley saka ginamit ang sariling katawan para takpan ang bata.

Halos kasabay niyon...

"CRASH!"

Narinig ang ingay ng paglagapak ng bato sa warehouse. Niyupi ng dambuhalang tipak na iyon ang bubungan ng bodega. Kahit pa sabihin na matibay ang batong bubungan ng warehouse, madali pa rin iyong nawasak nang matamaan ng malaking bato. Maging ang sahig ng bodega ay nawarak din ng naganap na pagbagsak.

"Young master-" Namula agad ang mga mata ni Housekeeper Hiri. Ang kaniyang battle-qi sa katawan ay sumabog palabas at naging para siyang pulang kidlat na lumipad papunta sa kanila. Gamit ang sariling katawan bilang protective barrier, ginamit niya rin ang kaniyang dalawang kamay para itulak palayo ang isa sa mga malalaking piraso ng nahuhulog na bubong na dapat ay babagsak sa katawan ni Linley. Halos magkasabay na dumating kay Linley si Hiri at ang nahuhulog na kisame.

"Rumble, rumble..."

Sa isang kisap mata, sina Wharton, Linley at Hiri ay tuluyang naipit at nadagaan ng mga nahuhulog na bato.

Si Hogg noon ay nasa bakuran pa rin at iwinawasiwas ang malaking espada niya para sanggain ng isa-isa ang mga batong nagtutungo sa direksyon niya. Pero pagkalingon niya ay nakita niya ang tagpo kung saan ay itinaya ni Linley ang lahat upang maprotektahan si Wharton at pagkatapos ay nilipad naman ni Housekeeper Hiri ang dalawa para protektahan naman sila. Pagkakita doon ay naging blanko agad ang kaniyang isipan.

Gumuho ang bodega at nagsipagbagsakan ang mga durog na bato.

"Linley!" Namula ang mga mata ni Hogg.

Sa kasalukuyan ay hindi alam ni Hogg kung nagawa pang protektahan talaga ni Hiri sina Linley bago mahuli ang lahat, o kung naunang matabunan ng mga nahuhulog na bato muna si Linley.

Coiling Dragon Book 1Where stories live. Discover now