7. Highway to Hell

Start from the beginning
                                        

I'm willing to give my everything mamaya sa kanya kung maliligtas niya ako ngayon.

At 'yon ay kung maliligtas nga ako.


***


Nahinto ang sasakyan sa isang abandunadong warehouse. Binuksan niya ang pinto saka niya ako hinatak palabas at tinulak-tulak papasok ng warehouse. Kaunting lakad pa ang ginawa ko bago kami makadating sa pinaka lungga nila. Pero napanganga na lang ako sa gulat nang makita ko ang dalawang pinaka magandang babae sa school namin. Si Ana at si Marian.

"Oh my god, Ana! Marian!" sigaw ko sa kanilang dalawa pero tila ba wala silang naririnig. Nakatali ang kamay at paa ni Ana sa kama habang may isang lalaki na nakapatong sa kanya at patuloy na binababoy ang katawan niya.

"Paanong... Bakit nandito sila? Ano 'yong katawan sa burol? Fake? Made in China ganoon?" tanong ko. Narinig ko ang pagtawa ng lalaki sa gilid ko. Nakita ko rin ang paglingon ng lalaking nang ra-rape kay Ana. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, dinilaan pa niya ang labi niya na tila ba pumasa ako sa taste niya.

"You're funny, Ms. Maru. Nakakatuwa kang kasama. Such a shame magagaya ka rin sa dalawang babaeng 'yan," wika sa akin ng lalaki.

Wait, wait. Medyo hindi nagp-process ng mabilis ang utak ko eh. Napatingin ako kay Marian na nakatali sa parang torture chamber. Isang malaking pabilog 'yon, nandoon siya sa gitna, nakatali ang kamay at paa habang patuloy na umiikot 'yong bilog. She's acting like someone is touching her. She'll scream then after that she'll moan. This is f-cking like a BDSM torture chamber. What the f-ck is going on here? Are they still alive? If yes, sino 'yong dalawang nasa burol ngayon? Ano 'yong mga katawan na nakita? At bakit nandito sina Marian at Ana, buhay na buhay sa harap ko?

Is this witchcraft? Kulam? Napalunok ako. Ano 'tong napasok ko?

Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang may lalaki naka itim na polo, bukas ang damit niya, kitang-kita ako ang abs niya. Jusko, lord. Bakit ang g-gwapo ng mga lalaki dito? Nakita ko ang pagngisi niya nang mapatingin ako sa abs niya. Sorry na. Perfect kasi eh. Six pack, mga 'te. Anim na monay.

"You... you're mine," sabi pa sa akin ng lalaki saka niya hinatok papasok sa isang kuwarto. Napatingin ako sa lalaking kumidnap sa 'kin papunta dito. Kumaway lang siya sa akin saka ngumiti. Kinakabahan ako habang hila-hila ako no'ng lalaki. Lord, jusko po. Mawawarak na ba ako ng bongga ngayon? Jusko talaga. Magiging katulad ba ako nina Marian at Ana?

Pumasok sa utak ko ang mga itsura nila nang makita ko sila kanina. They are here. I saw them alive. Pero nang makita ko sila, na paulit-ulit na binababoy ng mga tao dito, doon ko lang napagtanto na wala na. They're physically here but they are already lifeless. So ganoon din mangyayari sa 'kin? S-x slave dito ganoon?

And the most disturbing from what I observe, looks like they are not humans at all. Kaya nga mas kinakabahan ako ngayon. Wala na ata ako'ng takas dito.

Nang makapasok ako sa kuwarto ay napakunot-noo na lang ako. This is an ordinary room. Na may kama, cabinet, lamesa, table. Nagulat ako ng marinig ko ang pagsara ng pinto at pagclick niya sa lock ng doorknob.

"What's your name?" tanong sa 'kin ng lalaki. Lumingon ako sa kanya. Nakasandal lang siya sa pinto habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Maru," sagot ko.

"I'm Jax," pagpapakilala naman niya. Naglakad siya patungo sa kama saka naupo doon. Dumikwatro siya saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.

"You're hot," komento niya.

"Thank... you?" hindi ko siguradong sagot.

Ngumiti siya sa akin. Literal na ngiti na as in friendly na ngiti. "What did you do?" tanong niya kaya nagtaka ako.

"What did I do?" tanong ko ulit para sigurado. "Nothing. As in, wala. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako. Kinidnap lang ako no'ng lalaki kanina saka niya sinabi na papatayin niya raw ako kasi napag-utusan s'ya. Ikaw ba nag-utos sa kanya?" dire-diretso kong paliwanag.

Saglit siyang natahimik bago sumagot. "No."

"Then who?" tanong ko ulit.

"One of us, probably," sagot niya.

"Why? Why me? Ano'ng ginawa ko?" tanong ko pa.

"I don't know. Bakit ako ang tinatanong mo?" sagot niya sa 'kin saka siya ngumisi.

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko.

"Kasi gusto ko?" sagot niya.

Kumunot-noo na lang ako sa kanya at tumalikod. Akmang ihahakbang ko na ang paa ko patungo sa pinto para makalabas sa kuwartong ko nang magsalita siya.

"If you want to live, stay here," wika niya kaya napalingon ako muli sa kanya.

"You'll be safe if you stay here," dugtong pa niya.

"Kung ayaw mong magaya sa dalawang babae do'n labas, mapirmi ka dito hanggang sa malaman ko kung sino nagpadala sa 'yo dito," wika pa niya ulit saka siya tumayo at naglakad patungo sa pinto. Akmang lalabas na siya nang magtanong ako ulit.

"Ano'ng meron dito sa kuwarto? Protected barrier? Something like witchcraft? Mangkukulam ka?" tanong ko sa kanya.

I heard his chuckle saka siya iiling-iling na humarap sa akin. "This is my room. Sapat na 'yon para umiwas sila dito," sagot niya sa akin.

"Ikaw head ng mangkukulam? Kulto ba 'to? Kayo?" tanong ko uli. Still clueless sa mga taong nandito. Bakit may torture chamber sa labas. Bakit nakabitin do'n si Marian? Bakit paulit-ulit na ginagahasa si Ana ng isang lalaki do'n sa kama? Bakit hindi sila napapagod? I mean, nakita ko sila pawis na pawis na pero wala silang kapaguran. Bakit ang g-gwapo ng mga lalaki dito? Tatlo pa lang nakikita ko. 'Yong lalaki na nang kidnap sa 'kin, 'yong lalaki sa kama, at itong si Jax. I mean total package talaga. Pang artistahin. As in sobrang papable nga mga lalaki dito.

Demonyo ba sila?

"Witch? Nah, nah," sagot niya saka siya tumingin sa akin at ngumisi.

"We're demons." Nawala ata ang kaluluwa ko sa katawan ko nang marinig ko ang sagot niya. We're demons. We're demons. We're demons. Napapikit ako at muling dumilat.

"A demon? What kind of demon?" tanong ko. Still unsure why the heck I asked something like that. What kind of demon? Really, Maru?

"Clue?" wika niya sa akin.

"We love sex," sagot niya saka siya lumabas ng kuwarto. Agad kong ni-lock 'yong doorknob para walang makapasok. Mabilis pa kay flash na pumasok sa utak ko ang tawag sa kanila. Demons who love sex.

So that's why they're freaking beautiful. Kaya may kama sa labas. Kaya nara-rape si Ana. Kaya nasa torture chamber si Marian. Kaya ginagawa nila 'to kasi they want something from us, humans.

Because they are f-cking demons who love and uses sex in order to steal life force from a human.

An incubus.

Strings and Chains (The Frey, #1)Where stories live. Discover now