7. Highway to Hell

Start from the beginning
                                    

Livin' easy

Livin' free

Season ticket on a one way ride

Askin' nothin'

Leave me be


Umismid ako nang makita ko siyang nag-eenjoy sa kanta. Kaya mabilis ako'ng kumilos at agad na tinawagan si Ginger. Pero katulad ni Ura, pinatay din niya ang call ko.

"Putang-na talaga," bulong ko. Narinig kong natawa 'yong lalaki kaya mas lalo na ako'ng naba-badtip dito. Nagpa-panic na rin ako ng bongga. Nag-iisip na ako ng dying wish ko. Mga gagawin ko kapag namatay na ako. Katulad na lang na mumultuhin ko 'tong lalaki hanggang sa mamatay siya sa takot. Hanggat hindi ako matatahimik, hinding-hindi ko sila patatahimikin.


Takin' everythin' in my stride

Don't need reason

Don't need rhyme

Ain't nothin' that I'd rather do

Goin' down

Party time

My friends are gonna be there too


Ano ng gagawin ko? Isip, Maru. F-ck sht! Isip!


I'm on the highway to hell

On the highway to hell

Highway to hell

I'm on the highway to hell


Agad ako'ng pumunta sa inbox ko at hinanap ang text ng lalaking gumapang sa akin kagabi. Ito lang makakapagligtas sa 'kin ngayon. Siya na lang pag-asa ko. Mabilis kong tinawagan ang number niya at hinintay na sagutin ang tawag. Isang ring pa lang sinagot na niya agad. Hinintay ko na i-end niya ang call pero hindi niya ginawa. Kaya ang ginawa ko na, nagbigay na ako ng hints.

"Pwede bang papatay na ng kanta?" tanong ko sa lalaki.

"Bakit naman? Ang ganda ng kanta 'di ba? Highway to Hell. Katulad ng tinatahak natin ngayon, highway to hell."

"Sino bang nag-utos na ipapatay ako? Alam ko wala pa naman ako'ng nakakaaway na tao. Kilala ko ba 'yan? Baka insecure sa 'kin 'yan?" tanong ko. Ngunit nagtaka ako nang bigla siyang natahimik. Bulls eye ba?

"So insecure nga sa 'kin ang taong 'yan. Saan? Sa ganda ko ba?" tanong ko pa kaya napangiti na ako. Nang makita kong sumeryoso ang mukha niya ay tumahimik na ako. Pero hindi pa natatapos ang pagbibigay ko ng signs dito sa tinawagan ko.

"Lord... patawad! Pagkat ako'y makasalanan! Makasalanang nilalang!" kanta ko pa.

"Kung sino mang may magandang loob d'yan na iligtas ako. Kailangang-kailagan ko ng tulong mo. Gusto ko pang mabuhay at tsaka may round two pa tayo mamaya 'di ba?" wika ko pa.

Napalunok na lang ako. Hindi magandang sugal 'to pero kung kinakailagan para lang mabuhay ako, gagawin ko na. Nahinto sa pagmamaneho ang lalaki saka tumingin sa akin.

"Ano 'yang nasa gilid mo?" sita niya sa akin saka siya lumabas ng kotse at binuksan ang pinto sa kaliwa ko. Agad kong nilagay sa ilalim ng shotgun seat 'yong phone ko. Nang mabuksan na niya ang pinto ay mabilis niyang chineck ang kamay ko. Nang makitang wala, pati sa gilid ko ay tinignan niya lang ako ng masama saka ito tahimik na bumalik sa harap.

Muling ako'ng napalunok. This is really a big gamble for me. Hindi ko alam kung ano'ng nilalang 'yong lalaking gumagapang sa akin gabi-gabi. Kung tao ba siya o ano. Pero malakas ang kutob ko na hindi siya tao at may pagkamaligno or something siya. May kakayahan siya na wala ang isang ordinaryong tao na katulad ko. Ilang gabi niya rin ako'ng hindi pinatulog. Iniisip kung paano siya napupunta sa kama ko at bigla na lang mawawala kapag binuksan ko ang ilaw.

Strings and Chains (The Frey, #1)Where stories live. Discover now