HIS ULTIMATE PLAN

2.9K 81 7
                                    


Hanggang ngayon di pa rin maalis sa isip ni bella ang nangyari kahapon..hindi nya talaga maintindihan ang utak ni Third Matteos..bakit kaya sinabi nitong sya ay sa kanya...

'hindi kaya dahil sa amnesia nya kaya nasisiraan na sya ng bait?...' paikot ikot si bella sa kwarto nya

Umiiling iling sya dahil sa naisip.. 'hindi naman siguro bella..mukha namang matino si Third...mukhang artista...' nasampal nya ang sarili nya sa huling naisip

''ANO BA YAN BELLA! UMAYOS KA NGA! MAY AMNESIA SYA NAKALIMUTAN KA NA NYA!'' sigaw nya sa sarili

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Deona

''Sabi ko na at kinakausap mo nanaman ang sarili mo! Rinig na rinig sa labas ang boses mo! Ano nanaman ba kasing bumabagabag sayo ha bella?'' nilapitan sya nito at pinaharap sya dito

''Ah..wala naman Deona...may di lang ako maintindihan sa tinuro ni sir kahapon...hehehe..'' umiwas sya ng tingin dito

''Sabi mo eh...may hindi ka lang talaga maintindihan sa turo ni sir ha...hmmmm...'' nilapit nito ang mukha sa kanya at tiningnan sya ng masusi

''Ano ba! Bakit ang lapit lapit naman ng mukha mo!'' lumayo sya dito

''Sinisigurado ko lang na yun lang talaga ang pinoproblema mo...wala ka bang nililihim sa akin?'' sumimangot ito at aktong iiyak na parang tuta

''Wala! To naman..wag ka ngang ganyan! Pumunta ka na sa kumpanya baka malate ka pa!'' tinulak nya ito palabas

''Oo na sandali lang naman!'' Humarap ito sa kanya

''Ano nanaman?'' nakasimangot nyang tanong dito

''Basta pag may problem aka sabihin mo agad sa akin ha...yung excuse letter ko ibigay mo na lang kay sir ok! Kailangan ko lang ng ilang araw para asikasuhin ang kayamanan mo, kaya mo naman magisa diba?'' kinurot sya nito sa pisngi

''Aray! Oo naman...mamimiss kitang kasama sa school...sya sige na umalis ka na bago pa tayo magkaiyakan na parang di tayo magkasama sa bahay..'' tumawa si bella

''Oo na sige eto na! ingat ka sa school text or tawag lagi anak!'' kumindat ito saka tumakbo habang tumatawa ng malakas

''Naku talaga si Deona!'' tumawa na lang din sya habang minamasdan ito palayo

'Ano kayang pwede kong gawin ngayong sabado?' iniisip ni bella habang nagssearch sa internet

''Nakakaboring naman mag-isa dito sa bahay!'' inis nyang sabi at isinara ang kanyang laptop

Nahiga sya sa kama at tulalang nakatingin sa kisame ng kanyang kwarto, saglit na pumikit...maya-maya ay bumalikwas ng bangon at ikinumpas ang mga kamay

''Aalis tayo bella at maghanda ka na!'' sabay bangon sa kama at pumunta na sa banyo para maligo

Pagkatapos ng ilang minutong paghahanda, nakangiti si bella sa salamin habang minamasdan ang sarili 'bakit ang ganda ko?' natawa sya sa naisip at lumabas nang kanyang kwarto

SA ISANG BOOKSTORE

''Ang plano ko manonood ako ng sine, bakit pumasok ako dito?naku naman bella oo!'' kinakausap nanaman ni bella ang sarili habang lumilibot sa bookstore na kanyang pinasukan


Sa isang sulok ng bookstore naagaw ang pansin nya ng isang libro.. DIFFERENT KINDS OF AMNESIA AND HOW TO CURE THEM ang title nito

''Amnesia....anong klaseng amnesia kaya meron si Third?...'' nasabi na lamang nya habang akmang kukunin ito ng biglang may ibang kamay na inunahan syang kunin ito

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon