STRANGE CHEMISTRY

3.4K 106 8
                                    

Nasa classroom na ang 4 na hunks ng Blackpink college, nakaupo sa kanya kanya nilang upuan, as usual madaming girls ang nagpapapansin sa kanila, isa na dito si Emma na baliw na baliw kay Third

''Babe labas naman tayo mamaya oh...namiss ko na magdate tayo..'' umupo ito sa tabi ni Third at yumakap sa braso nito

Tinanggal ni Third ang kamay ni Emma at tinulak ''pwede ba Em layuan mo na ako..nakakapagod ka na..'' walang emosyong sabi ni Third

''it's not over for me! ikaw lang naman ang gustong makipaghiwalay!'' yamot na sabi i Emma

''Ford pakilayo nga muna sa akin yang babaeng yan wala ako sa mood para makipagdiskusyon..please lang..'' sabi ni Third na binaling ang tingin sa bintana

''narinig mo yun Em? so shooo go away! pumunta ka na sa klase mo at ng may magawa ka namang matino!'' hinila ni Ford si Emma palabas ng classroom

''I will wait for you tHird!'' sigaw nito na nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Ford

''Third are you ok?'' tanong ni Jacq

''Sabihin na lang nating merong nangyaring di nya matanggap..'' sabi ni Duke habang nagsusulat sa notebook nya

Tiningnan sya ng masama ni Third.. Naramdaman ito ni Duke at nagtaas ng tingin at humarap kay Third

''what? did i say something wrong?'' tanong ni Duke

Umiwas na lang ng tingin si Third.. 'why do i always think of that moment! i hate it!' nagtagis ang mga bagang niya..di nya maintindihan ang nararamdaman nya pag nakikita nya ng babaeng yun

Busy sa pagchichikahan ang lahat sa classroom ng biglang may nahulog na mga libro..

''Ay sorry! Pasensya na po...'' nahihiyang sabi ni bella habang pinupulot ang mga libro

Napatingin lahat ng studyante sa kanya pati ang 4 hunks ng school..bigla namang tumayo sa kinauupuan si Jacq at lumapit dito

''Bella tulungan na kita..'' pinulot na ni Jacq ang ibang librong nahulog

Pasimpleng tiningnan ni Duke si Third..napansin naman ito ni Third at pinandilatan ito ng mata ''WHAT ARE YOU LOOKING AT?!'' galit na sabi nito

''nothing...'' bumaling ulit ito sa sinusulat nya

''anyare sa inyong 2 parang may secret kayo ah?! share nyo naman sa akin yan!'' nagtatampong sabi ni Ford

''Just don't mind us Ford..you don't know anything..'' seryoso pa din si Duke sa pagsusulat

Sasagot sana si Ford ng mapatingin sa pumasok sa clasroom si Deona

''yung laway mo baka tumulo na..'' sabi ni Duke kay Ford

''Ano bang pinagsasabi mo dyan! laway ka jan!'' inagaw nito ang notebook na sinusulatan nito ''ano ba kasing sinusulat mo dito kanina pa?'' binasa ito ni Ford at wala syang nakita kundi mga numbers at symbols ''grabe sya! ikaw na! ikaw na ang genius!'' binato nya ang notebook kay Duke

''Atleast di puro babae ang nasa isip ko..'' sagot ni Duke

Si Third naman tahimik na minamasdan si bella 'hindi naman siguro nya iniisip na gusto ko syang halikan kahapon...right Third..its nothing..' naiinis sya sa pagngiti ni bella kay Jacq 'stop smiling at him! ang pangit mo!' 

''Salamat Jacq..'' ngumiti si Bella

''your welcome miss bella..'' nilapag na ni Jacq ang mga libro sa desk ng upuan ni bella

''Sinabi na kasi sayo na isa o dalawa lang muna hiramin mo sa library..ayaw mo pang tulungan kita..'' sita ni Deona na kakapasok lang ng room

''ok lang ako Deona konti lang naman to..'' sagot ni bella

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon