Chapter 48: Allowance

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ahm. Cap!" Pagtawag pansin sa kanya ni Jayden. Bumuntong hininga lamang si Rence bago tumayo at tumalikod na sa kanila.

"I don't need it."

"Hindi pwede Cap! Partner na lang kayong tatlo nila Dennis, tutal ang ability naman ni Dennis ay speed eh." Pagtutol ni Rosby.

Agad nalaglag ang panga ni Cashmere sa narinig. "What?!"

"Alright then." Nakangising sagot ni Rence bago umalis sa cafeteria.

Naiwan namang nakatanga ang lahat. Hindi kasi sumasang-ayon basta lamang si Rence sa padalos-dalos na mga desisyon, kaya ganun na lamang ang naging reaksyon nila.

"May sakit si Kapitan! Huhu." Maiyak-iyak na sambit ni Andrei na agad namang nabatukan ni Rosby.

Napangiti na lamang si Frank at Dennis. Alam na nila kung ano iyon, kung tama nga ang hinala nila.

"Aray ah! Grabe ka talaga sa akin Rugby!" Nakangusong sambit ni Andrei.

"Anong tinawag mo sa akin huh?!" Nanggagalaiting sabi ni Rosby.

"Ahay! Bat ka nabingi-------Mama! Jusko wag po! TULONG!!" Paghingi ng tulong ni Andrei bago magsitatakbo patungo sa ibang mga estudyante upang magtago sa mga lamesa nito.

Napailing na lamang sila at sabay sabay na napangiti.

"Andrei will always be Andrei." Nakangiting sambit ni Vanessa.

Natawa na lamang sila, tama sya. Andrei will always be Andrei. Ang pinaka-maloko sa grupo, ang taga-sira ng katahimikan, ang makulit, OA at ang joker ng grupo. Malaking kawalan ng grupo kung nawawala sya rito.

"Cashmere!!" Humahangos na paghingi ng tulong ni Andrei sa kakapasok lamang na si Cashmere.

Bago pa man sya mayakap ni Andrei, agad na nahila ni Dennis gamit ang abilidad nito si Cashmere papunta sa table ng barkada.

"Muntik na yun ah." Nanlalaking matang sabi ni Cashmere.

"Dehado ka kay Rosby Cashmere pagnagkataon, blade vs. ice eh. Ahahahahaha." Pagsabat naman ni Carlos.

"Mas malakas kaya ako kay Rosby." Kakamot-kamot na singit naman ni Frank.

"Naks! Pers taym nagbuhat ng bangko ah." Pumapalakpak na sabi ni Michelle.

"Ahh guys, mamaya na daw ibibigay ang monthly allowance natin. So, you already know what to do." Nakangising sabi ni Ferresa.

Agad na nagningning ang mga mata ng nakarinig.

"SHOPPING/MONEY/CHICKS/MARKET!" Sabay sabay na sigaw ng mga estudyante sa cafeteria.

"Diba base on ranking ang allowance?" Tanong ni Cashmere na ikinatango nila.

"Yep, at ang pinakamalaking allowance na nakukuha dito aa Academy ay si Cap." Tatango tangong sabi ni Patrick.

"Woah! Si kuya?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Dennis. "Magkano?"

"At kailan ka pa natutong maghawak ng pera 'lil bro?" Nakakunot-noong tanong ni Carl.

"Kuya naman eh. I'm not a kid anymore."

"Arte ah." Pagsingit ni Rosby sa usapan bago umupo.

"I think mga nasa 150,000.00 ang kanyang pera every month eh."

"WHAT?!" Sabay na sigaw nila Dennis at Cashmere.

"Yes, mga nasa ganun." Pagsang-ayon ni Michelle. "Iba pa ang makukuha nya sa mga misyon."

Napabuga na lamang sila ng hangin sa narinig bago bumulong-bulong sa hangin.

"So ano, shopping tayo ah." Nakangising sabi ni Vanessa.

"Oh yes, lalo na malapit na ang ball." Buntong hiningang sagot ni Michelle.

"Pwede kayang ipadala ang sweldo mo sa mortal world?" Umaasang tanong ni Cashmere.

"Ano ba namang klaseng tano-----"

Agad nang pinutol ni Vanessa ang sasabihin ni Andrei. "No. Pero sa pagpunta mo doon oo, pwede mo syang gamitin doon."

Napatango na lamang si Cashmere bago ngumiti.

"So shopping bukas huh?" Pag-iiba ng topic ni Rosby. "No boys allowed, got it?"

Samantalang ang mga lalaki naman iba ang pinag-uusapan. Kung hindi mga babae, bagong gadget, sandata at iba pa.

"Oh yes!"













~*~










(Cashmere's POV)



Agad akong napabalikwas ng bangon nang maalala ko ang tungkol sa shopping. Tinignan ko ang orasan sa gilid ko. It's only 4am in the morning. Ganun na ba talaga ako ka-excited?

Tumayo na ako sa kama ko at pumunta na sa banyo upang maligo and do my morning rituals. Nakuha na namin kahapon ang mga allowance namin.

Sigh, bali 90, 098 ang nakuha ko dahil nakasama na roon yung naging misyon. Siguro kung nasa Mortal World ako ngayon, wala akonv makukuhang ganyan, wala akong mahahawakan na pera na ganyan. Aiissshh! Magdadrama pa ba ako?

Nagsuot ako ng faded jeans na black at v-neck na color white. Pumunta na ako sa kusina at nagluto na nang umagahan. Hotdog, ham, bacon and toasted bread, nagtimpla na rin ako ng coffee para sa aming tatlo. Nang makita kong alas-sais y media na, kinatok ko na sila.

Sabay sabay na kaming kumain ng almusal. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Masyado kaming tahimik na masyadong bago sa amin. Pero hindi naman ako nao-awkwardan.

"Uhum." Pagtikhim ni Vanessa bago tumayo na sa kinauupuan nya at nagtungong banyo.

Narinig ko namang napabuntong-hininga si Michelle bago ngumiti at tumingin sa akin.

"Buti hindi ka nagsalita."


Nagtataka ko syang tinignan na ikinangiti nya ng malawak.

"May period ang babaeng yun ngayon kaya mag-ingat tayo sa umaga lalo na at hindi pa sya nakakaligo, kundi ibabaon nya tayo ng buhay sa lupa." Matawa-tawang sabi ni Michelle bago iligpit ang kinainan namin.

Napalunok ako sa narinig, buti naman at nakaramdam ang bunganga ko. Huehue? Sheyt nakakatakot pala si Vanessa pag may period. Ahahahaha.


*ding*dong*



"Ako na!" Pagpipresinta ko na magbukas ng pintuan.


"M-Master."


"Allen?"


"Master......"


"Allen!"


"Waaaaaahh Master!!"


"Kyaaaahh All~~aray Vanessa." Pagdaing ko bago sinapo ang batok ko na binatukan ni Vanessa.

"Pasok, ang iingay nyo."


Nagkatinginan na lang kami ni Allen bago ko sya pinapasok sa loob. Bawal ko naman syang yakapin, bago mapipit eh. Ahahahaha.

"At sinong may sabi na mapipit ako Master?"


Agad akong napalingo  sa gawi ni Allen na......


"Waaaaahh! Bat tao yan!" Sigaw ni Michelle na kakagaling lamang sa kusina. Umirap lamang si Allen sa kanya.

"I can change into small or into a human form. Ngunit hindi lahat ng fairy na kagaya ko kayang gawin iyon."

"Edi ikaw na special." Pagsabat ni Vanessa.


Umiling-iling na lang ako at niyakap na si Allen at niyakap rin nya ako pabalik.


Grabe namiss ko ang guardian fairy ko!

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon