III. Damnwin To The Rescue

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hi handsome," malanding bati nito sa kanya. "What's your name?"

"Alyce's boyfriend." Nakangiti niyang sagot.

"Oh," halata ang pagkadismaya sa mukha nito pero madali ding nawala 'yon sa mukha nito. And she probably know Alyce, basing from her reaction. Pero mukhang wala naman itong pakialam kahit may girlfriend siya. "You want a drink?"

"Sure," iginala niya ang tingin sa buong paligid. "Isama natin girlfriend ko." Kinindatan niya ito. "Hindi kasi ako nakakalunok kapag 'di ko nakikita ang Alyce ko."

"Tsk," sumimangot ito. "I saw her went to the restroom."

"Thanks,"

May ngiting iniwan niya ang babae at dumiretso sa restroom. Nadaanan niya na 'yon kanina. Babalikan niya na lang. Nagbago na isip niya. Hihilahin niya na pauwi ang babaeng 'yon at baka kung sinong halimaw pa ang mag-uwi nun.

Nasa labas na siya ng cr ng mga girls nang marinig niya ang pangalan ni Alyce. They were saying bad things about her.

"I super pity her."

"She's so kawawa. Mas magaling naman talaga si Allysa kaysa sa kanya."

"I know right,"

"Hay naku, ayoko sanang sabihin sa kanya in person na I don't want to be her friend na kaya sana ma gets niya naman sa actions natin na we don't want her na. It's not like she's stupid, diba? If she still won't get it then she's so kawawa na talaga."

Tsk, these women!

Inilabas niya ang cell phone and texted her.

Wer r u? – Darwin

Why? – Evil Alyce




MABILIS na pinahid ni Alyce ang mga luha sa mga mata. Nagulat pa siya nang mabasa ang reply si Darwin sa text niya. Ngayon ka pa nag-reply?! Uuwi na ako. Kainis ang 'sang 'to.

Why? – Alyce

Lumabas kna kng na saan ka man dhil nsusunog ang hotel na sinabi mo sken. Labas na! Maawa ka sa impyerno ang dami n'yo na! –Damnwin

"Huh?" naiangat niya ang ulo sa itaas. Kumunot ang noo niya nang makarinig ng kaguluhan sa labas. Muli niyang binasa ang text ni Darwin. Paanong – bigla namang tumawag si Darwin. Nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ang tawag nito. "Hoy! Huwag ka ngang magbiro."

"Hindi ako nagbibiro!" sigaw nito sa kabilang linya na sobrang lakas pa talaga. "Lumabas ka na riyan. Dalian mo."

Mabilis na lumabas siya sa cubicle at nagkumahog na lumabas ng cr para lang magulat. Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakakalokong ngiti na naglalaro sa mukha ni Darwin. What the heck?! Paanong?

Kumaway si Darwin sa kanya. "Babe!" sabay lapit sa kanya.

Halos lahat ng tao doon ay napatingin sa kanila. Pati ang grupo nila Krisha at Precious. Napangiwi naman siya sa isip. Hindi pa pala nakakaalis ang tatlong 'yon. Napasinghap siya nang bigla siyang akbayan ni Darwin.

Sino namang hindi mapapatingin sa kanila kung may sobrang gwapo na tumatawag sa kanya ng babe? And Darwin was undeniably hot in his plain white shirt underneath his dark blue long sleeve polo that was rolled up 'till his elbows, matched with a plain black jeans and a gray sneakers. Alam niyang gwapo si Darwin pero iba pala talaga kapag nagbihis ito nang maayos. 'Yong hindi lang simple shirt and jeans ang porma nito.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon