Tama si Maria... diba dapat maging masaya ako dahil hindi na matutuloy ang kasal? Pero bakit ganun hindi ko matanggap na hindi ko na makikita at makakasama si Juanito kahit kailan ko gusto.

Magsasalita na sana ako kaso nagulat ako nang makita si madam Olivia na naglalakad papunta sa amin. Napa-bow naman kaming tatlo sa kaniya. "Madam Olivia, gabi na po-----" hindi na natapos ni Josefina ang sasabihin niya kasi biglang nagsalita si madam Olivia.

"Gusto kong makausap si Carmelita, maaari niyo ba kaming iwanan saglit" sabi ni madam olivia, napatango naman sa kaniya si Maria at Josefina at umalis na sila.


Pagkakita ko kay madam Olivia, hindi ko alam pero bigla na lang ako napaiyak. Ang mga luhang pinipigil ko kanina ay tuluyan nang bumuhos. Lumapit naman si madam Olivia sa'kin at hinawi niya ang buhok ko. at pinunasan din niya ang luha ko. "Kailangan mong maging matibay Carmelita... sa pagkakataong ito hindi lang si Juanito ang kailangan mong protektahan, kailangan ka na rin ng iyong pamilya" sabi ni madam Olivia. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.

"A-ano pong ibig niyong s-sabihin?" hikbi ko, ang sakit na ng puso at mga mata ko sa kakaiyak. Hinawakan naman ni madam Olivia ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Tandaan mo na hindi ibig sabihin na hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Juanito ay wala na sa panganib ang buhay niya... ang pagkamatay ni Juanito ay nangyari sa mismong araw ng kasal nila ni Carmelita at kahit hindi matuloy ang kasal, nangangahulugan ito na nasa panganib pa rin ang buhay niya hangga't hindi nabubunyag kung sino ang nasa likod ng pagkamatay niyaa" paliwanag ni madam Olivia, napatigil ako sa pagiyak dahil sa narinig ko. parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko, Hindi pwede! Nasa panganib pa rin si Juanito!



Kinabukasan, hindi ako nakatulog ng maayos nung gabi, kaya tumambay na lang ako sa tapat ng pinto ng kwarto nila ama at ina baka sakaling lumabas na sila. Pero 7 am na hindi pa rin bumubukas ang pinto. "Carmelita... anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Josefina at may dala siyang pagkain para kay ama.

Napatayo naman ako bigla at sinalubong si Josefina "Pwede bang ako na lang ang magdala niyan sa loob?" tanong ko sa kaniya, napaisip naman si Josefina pero inabot din niya sa'kin yung pagkain. "Siguraduhin mong humingi ka ng tawad kay ama, at pagaanin mo ang bigat ng puso niya" bilin sa'kin ni Josefina at nginitian niya ako ng bahagya, kinuha ko naman na sa kaniya yung tray ng pagkain at kumatok na ko sa kwarto nila.

"Bukas iyan" narinig kong sabi ni ina, agad ko namang binuksan yung pinto, nakita kong nakaupo na si ama sa kama habang hinihilot ni ina ang ulo niya.

"Carmelita... ikaw pala, halika dalhin mo na rito ang pagkain ng iyong ama" sabi ni ina, dahan-dahan ko namang binuksan yung pinto at naglakad papasok, nakangiti sa'kin si ina parang sinasabi niya na Naiintindihan kita anak. Samantalang, nakapikit lang si ama pero alam kong alam niya na nandito ako ngayon sa loob ng kwarto nila.

Ilalapag ko na sana yung tray ng pagkain sa mesa na nasa tabi ng kama nila nang biglang magsalita si ama "Lumabas ka rito! Ayoko munang makita ang pagmumukha mo" utos niya at dahil dun hindi ko sinasadyang mabitawan yung tray at nahulog yung plato sa sahig kasabay nun ang pagkalat din ng pagkain sa lapag.

Agad akong napaluhod sa harapan ni ama. "P-patawad po, h-hindi ko po sinasadya!" pagmamakaawa ko, nakita ko namang napakunot yung kilay ni ama habang nakapikit pa din siya dahil sa galit.

"Carmelita... anak" narinig kong sabi ni ina tapos tumakbo siya papunta sa'kin. "Baka masugatan ka sa bubog" dagdag pa niya at pilit niya akong pinapatayo.

"A-ama patawarin niyo po ako... p-patawad po kung nagawa kong putulin ang kasal" pagsusumamo ko pa. naramdaman ko namang hinawakan ni ina ang likod ko at pinapatahan na niya ako, "Huwag ka ng umiyak anak, kakausapin ko ang iyong ama para sayo" bulong niya sa'kin.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Where stories live. Discover now