Haays.  Echeosero din pala tong kuya niya eh.


Nadaanan din namin ang isang malaking pader kung saan nakasabit ang mga medalya at certificate nilang magkakapatid. Nalaman ko na madami na palang natanggap na parangal si Sergio dahil sa husay niya sa pamamaril, pakikipaglaban at sa pamumuno ng hukbong sandatahan. Kaya nga agad siyang na-promote as general. 

Samantalang si Juanito naman ay maraming medalya at award din dahil sa pagpapainting, kaya lang nagtaka ako kung bakit walang sample na painting si Juanito na gawa niya na naka-display sa bahay nila. Tatanungin ko sana si Sergio kaya lang naalala ko na nangako pala sa'kin si Juanito na sasabihin niya sa'kin someday yung dahilan kung bakit hindi na siya nagpapainting. At syempre mas gusto kong marinig mismo kay Juanito ang dahilang iyon.

Si Sonya naman ay kilala sa galing niya sa pagtutog ng piano at violin. Nalaman ko din na naging magkaklase pala si Sonya at Carmelita sa pag-aaral ng musika kaya sila naging bestfriends. Gosh! Bigla ko tuloy naalala nung pinatugtog ako ng piano sa bahay, muntik na kong himatayin noon kasi hindi ako marunong mag-piano.

Si Angelito naman ay nagkamit ng maraming parangal sa pakikipag-debate, madami na siyang napanalunan na competition sa debate at balagtasan. Nalaman ko din na pangarap niyang maging abogado someday, kung sabagay magaling naman talaga siyang makipagtalastasan at matapang din siya.

Si Don Mariano at Donya Juanita naman ay sobrang ginagalang at iniidolo ng mga mamamayan ng San Alfonso dahil sa angkin nilang kabutihan at pagmamalasakit sa kanilang mga nasasakupan. Hindi na ko magtataka kung bakit mahal na mahal sila ng mga tao.




Kinabukasan, pagkagising ko nalaman ko na nasa ilog pala sila ina, Maria, at Josefina abala sila sa paglalaba at pagaasikaso ng mga kurtina at mga sapin sa mesa na gagamitin sa salo-salo bukas ng gabi pagkatapos ng pagsisindi ng kandila para sa patron ng San Alfonso.

"Binibini! Hindi po ba muna kayo maliligo?!" narinig kong sigaw ni Theresita habang tumatakbo ako pababa ng bahay upang sundan sila ina sa ilog. "Hindi na! dun na lang ako maliligo!" sagot ko sa kaniya tapos kumaripas na ko ng takbo papalabas papunta sa ilog na sakop ng aming hacienda. Nakita ko namang kumakaripas din ng takbo si Theresita at hinahabol ako. "Mag-ingat po kayo sa pagtakbo Binibini, baka po madapa kayo" narinig kong sigaw pa ni Theresita, pero nilingon ko lang siya at nginitian.

Pagdating namin sa ilog, natanaw ko agad sila ina, Maria at Josefina na naglalaba sa ilog kasama ang iba pa naming kasambahay. Malalaking puting sapin sa mesa at mga pulang kurtina ang kanilang nilalabhan. Agad naman akong sumugod at nagtampisaw sa ilog "Anak! Anong ginagawa mo dito?" nag-aalalang tanong ni ina at gulat na gulat siya ganun din sila Maria at Josefina.

"Carmelita! Huwag mo sabihing----" hindi na natapos ni Maria yung sasabihin niya kasi ako na ang tumapos sa gusto niyang sabihin.

"Yeah! Maliligo nga ko dito sa ilog!" excited kong sabi at nag-dive na ko sa tubig. buti na lang magaan yung baro't sayang suot ko kaya hindi ako nahirapang mag-back stroke, butterfly stroke at free style swimming.

Gosh! Namiss ko mag-swimming, favorite sports pa man din namin ni Jenny ang swimming.

"Carmelita... kailan ka pa natutong lumangoy?" nagtatakang tanong ni Josefina at dahil dun bigla akong napatigil sa paglangoy at napalubog sa tubig.

Omg! Hindi ba marunong lumangoy si Carmelita? Waaaahhh!

Epic fail Carmela!


Agad akong napaahon at lumangoy papunta sa kanila "Huh? t-tinuruan ako ni madam Olivia" palusot ko, napataas naman ng kilay si Maria at Josefina. "Ano? Kelan ka pa tinuruan ni madam Olivia?" nagtatakang tanong ni Josefina.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt