"Ayos lang iyon, basta huwag mo kalimutang basahin iyon at sabihin mo sa akin ang iyong pananaw sa tulang iyon" nakangiting tugon ni Juanito. Gosh! buti na lang understanding siya, sana ganto yung mga lalaki kapag busy ang ang girl dapat naiintindihan nila char haha.

"Oo naman" sagot ko sabay thumbs up. napatingin naman si Juanito sa kamay ko na naka-thumbs up. "Anong ibig sabihin niyan?" nagtataka niyang tanong. Emergerd! Kahit kelan pinapahamak mo talaga ang sarili mo Carmela!

Gosh! mukhang di ka na makakalusot ngayon, panindigan mo na yan! 

Kinuha ko na lang yung kamay ni Juanito at pina-thumbs up siya.

"Isang senyales yan na ang ibig sabihin ay ayos ka lang" sagot ko. Grabe! I'm so proud of myself, at least may trivia akong nashashare sa kaniya haha.

"Para saan naman ginagamit ang senyales na ito?" nagtataka pa ring tanong ni Juanito. hmm... mukha ba akong nangtitrip? Medyo haha.

"Ginagamit yan kapag ayaw mo magsalita pero gusto mong iparating sa kausap mo na ayos ka lang" proud kong sagot. napangiti naman siya.

"Binibini... may tanong ako" sabi niya sabay thumbs up sa'kin. hindi ko alam pero bigla akong natawa sa ginawa niya mukha siyang shunga hahaha!

at dahil dun nag-thumbs up din ako sa kaniya habang pinipigil ko yung tawa ko, tumawa din naman siya. Nagmukha na tuloy shunga kaming dalawa na nagtatawanan habang naka-thumbs up sa isa't-isa dito sa dulo ng barko at sa gitna ng karagatan at kalangitan.

Pagbalik ko sa kwarto namin, agad kong tinanong si Josefina kung may nakita ba siyang color blue na sobre sa kwarto namin sa kumbento pero wala daw siyang nakita.

My gosh! baka naitapon na yun huhu. At dahil nawawala yung sulat ni Juanito, iniwasan ko siya buong araw, Nasa iisang barko pa man din kami ang hirap magtago huhu.


Kinagabihan, inimbitahan kami ni Don Buencamino na sumabay sa hapunan sa ibaba, for sure kasama doon si Juanito kaya nagdahilan na lang ako kay madam Olivia at Josefina na nahihilo ako. buti naman naniwala sila kasi pang-best actress talaga ang acting ko.


kinaumagahan, kumakain kami ng almusalan ng biglang may kumatok sa pintuan, si Josefina ang tumayo at nagbukas ng pinto. "Oh! Ginoong Juanito kayo po pala iyan... pasok po kayo" excited na sabi ni Josefina at bigla niyang binuksan ng malaki yung pinto at pinapasok si Juanito. Oh My Goodness!

Baka kulitin na naman niya ako tungkol dun sa sulat! Noooo!


at dahil dun bigla kong sinubsob yung mukha ko sa mesa. "Hija! Anong nangyari sayo?" gulat na tanong ni madam Olivia at niyugyog ang balikat ko. Omg! Omg! Omg!

"Carmelita, nandito na si Ginoong Juanito---Ayos ka lang?" narinig kong tugon ni Josefina at naki-join na siya kay madam Olivia sa pagyugyog sa akin.


Pero hindi ako nagpatinag, kahit gaano kalakas at kahit join force na si madam Olivia at Josefina sa paggising sa'kin hindi pa rin ako gumising!


"Masama ba ang iyong pakiramdam Binibini?" narinig kong tanong ni Juanito. at naramdaman ko na lang na biglang may palad na dumampi sa leeg ko. Waahh!

at dahil dun bigla akong napamulat at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Juanito pala yung humipo sa akin! Omg!


Ang lambot ng kamay niya-----No! No! No!


I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon